SMUC 20

22.3K 662 21
                                    

Flashback

Nag mamadali ako mag bihis at mag palit ng damit dahil kakauwi ko lang galing sa school.

"Yaya Eveth tara po tulungan niyo ako gumawa ng cookies?" sabay hatak ko sa yaya ko papuntang kitchen.

Alam ni yaya na marunong ako mag bake dahil tinuruan nako ni mama nung 5 years old palang ako.

Mabilis daw ako turuan at matuto, likas na sa akin ang pagiging bibo nung maliit palang ako.

Matapos ako gumawa ng cookies at tumulong din si yaya sa pagbalot nito. Nag pasama naman ako pumunta kila Zehra.

"Naku Far baka magalit sa akin si señora pag lumabas tayo." pigil niya sa akin sa pag labas.

"Sige na kasi yaya saglit lang ito iaabot ko lang." pangungulit ko kay yaya palabas ng pinto.

"Kung gusto mo ipaabot na lang natin kay manong gudo yung driver natin." andito na kami sa labas ng pinto at tanaw ko na yung gate.

Bumuntong hininga ako "ayoko yaya gusto ko ako mag abot sakanya." pag pupumilit ko.

"Bawal kana kasi lumabas dahil gabi na, pagagalitan tayo ng papa mo." dagdag niya habang hawak ako sa isa kong kamay at sa kabila naman yung box of cookies.

Bigla naman bumukas yung gate at nakita ko ang isang hindi kilalang sasakyan.

Binuksan ng guard namin yung pinto at lumabas ang isang magandang babae siguro nasa edad na 30s na siya.

"Good evening po Madam." Bati ng guard at ng isang maid na sumalubong sa kanya.

Kinausap niya ang mga ito at ayon sa nadinig ko hinahanap niya si mama may pinaabot siya na plastic bag sa maid.

Natuon ang pansin niya sa akin hindi naman ganun kalayo ang pwesto niya sa akin. Lumakad siya sa kinaroroonan ko.

"Magandang gabi po Madam." bati ni yaya eveth sakanya.

Tumingin siya kay yaya, tipid na ngumiti at tumango.

Ngumiti siya ng bumaling sa akin "Hello cutie baby." At lumuhod pa sa harap ko.

"Hi tita! Hindi na po ako baby." naka nguso na sagot ko.

"You're so cute Farrah" tapos kinalga niya ako kaya binitiwan nako ni yaya "what's this?" ng mapansin niya yung hawak ko.

"Cookies for Zehra" I smiled.

"Really? Did you made this?" tanong niya sa akin na naka ngiti.

I smiled again showing her my dimples "Yes I made this with love" I beamed with happiness.

She chuckled lightly and hug me tight.

"Mrs.Marquez pwede po bang kayo na lang mag abot ng cookies sa anak niyo kasi hindi na pwede lumabas si Farrah ng ganitong oras." nakikiusap na sabi ni yaya kay Tita Agath.

Ngumiti ulit sa akin si tita "Gusto mo ba na ako mag abot sakanya?"

Naisip ko dapat makain na ni Zehra ito hanggat mainit pa.

"Yes Tita and bilang thank you ko po pwede rin po kayo tumikim ng cookies"

"Wow sige gusto ko yan, ang cute mo talaga" nanggigil na sabi niya "how old are you again Farrah?"

Itinaas ko pa yung dalawa ko na kamay "I'm 6 years old po"

Natutuwang kiniss ako ni tita sa cheek ko magkabilaan at ibinaba na din ako.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon