SMUC 4

28.7K 798 122
                                    

Today is Saturday.

Maaga ako nagising ngayon dahil kailangan ko makita at makausap si Zehra.

Nung isang gabi kasi ng celebration hindi ako makakuha ng tyempo maka usap siya ng sarilinan. Sa tuwing magtatangka ako lumapit ang daming istorbo, meron babatiin siya tapos yung iba tatawagin naman siya. Haist!

Lumapit din naman siya sa table namin nun pero hindi rin nagtagal. Kapag nahuhuli ko na titingin siya sa akin automatikong ngingiti na ako pero siya tipid na ngiti lang.

Arghhh ano kaya yun diba?

Kaya ngayong araw na ito sisiguraduhin ko na wala na siya kawala.

Kaya andito nako sa gate nila. Agad din naman ako nakilala ng guard nila at pinapasok din.

This is it Far!!!

Pagdating sa loob pinaupo din ako ng maid nila sa living room at tatawagin muna niya si Zehra sa room nito.

Habang naka upo ako nag iisip nako ng mga tanong sa isip ko kung bakit hindi siya nagparamdam or bakit parang iniiwasan niya ako.

Kasi nakakainis hindi naman siya ganyan sa akin dati :(

"Far?" Napalingon ako agad dahil alam kong kay Zehra ang boses na yun.

Nakita ko siya bumababa sa grand staircase nila. Simpleng naka panjama lang siya. Pero nag-uumapaw naman sa ganda :)

Hindi ko mapigilan na titigan ang maamo niyang mukha lalo na at bagong gising lang siya.

Wow Angelic face :)

"Ouch! Bakit mo ko pinitik?" pitikin daw ba ako sabay himas ko sa aking noo di ko din namalayan naka lapit na pala siya.

"I'm asking you bata! Why are you here in this early morning?" Luh wala naman ako narinig.

"Nagtanong kaba? Tska anong bata? Hindi nako bata!" nakasimangot na sagot ko.

"Tsk bingi!" pairap niya.

"Bata ka pa din naman talaga! Bakit ka nga ba andito?" dagdag niya pa.

Ayaw niya ba ako makita? Grabe hindi nga kami nakapag usap nung isang gabi.

Sasagot na sana ako kaso biglang dumating yung mom niya.

"Farrah! Iha is that you?" lumapit si
Tita Agatha sa akin na naka ngiti. Grabe buti pa yung mom niya parang na miss ako hehe.

"Good morning po Tita Agatha." magalang na bati ko showing her my cutest smile ever.

With matching dimples pa :)

Parang mas lalong napangiti si Tita sa ginawa ko.

"Good morning din sayo ang cute mo talagang bata ka." sabay beso sa akin ni tita at kinurot ng bahagya yung cheek ko.

Haist! Bata again??? nabura tuloy yung ngiti ko.

Like mother and daughter ang peg?

"Tamang tama ang dating mo iha dito ka na mag breakfast." masayang sambit nito sabay iginiya nako agad papunta sa dining room nila.

Lumingon pako sa likod at nakita ko si goddess na napailing. Hahaha kala niya huh.

Favorite kaya ako ni Tita Agatha kung hindi niyo alam guys :D

Kami lang pala ang kakain dahil si Tito Edward ay wala pala, kagabi pa umalis dahil may business trip ito.

Katapat ko si Zehra sa table samantala si Tita sa kabisera umupo. May mga foods narin sa table. Habang kumakain tahimik lang si Zehra kami naman ni Tita panay chika.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon