SMUC 40

23.5K 699 101
                                    

Mahigpit ko niyakap si mama pag dating ko ng bahay. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kailangan ko ng masasandalan ngayon.

Pagbaba ko pa lang ng kotse nag aabang na siya sa front door.

May kung anong init at higpit sa yakap ni mama ang nagbigay sa akin ng kaginhawaan.

Ang alam ko bigla na lang ako nakaramdam ng pagbigat sa aking mga mata. Tumutusok na parang karayom sa aking dibdib.

Nasasaktan ako ngayon.

Yun yung sigurado ako nararamdaman ko.

Hindi ko na natiis pigilan ang pag labas ng emosyon ko na kanina ko pa pala pinipigalan.

Ang mahihina kong pag iyak na halos hindi na marinig. Ang patuloy na pagyugyog ng aking balikat na hindi ko narin mapigil.

Parang akong bata na nag susumbong sa aking ina. Na akala mo inagawan ng laruan o di kaya inaway ng kalaro.

Pero higit pa doon ang aking nararamdaman.

"You've really grown up now. But you'll always be my charming baby." dinig ko sabi ni mama na patuloy ang pag hagod sa aking buhok at likudan.

Hindi ko alam kung bakit niya yon nasabi. Pero mas lalo lang ako naiyak.

Naalala ko pa ang text na na received ko kay mama kanina lamang bago ako mag punta sa venue ng date sana namin ni Zehra.

~Everything happens for a reason, that reason causes change. Sometimes it hurts and sometimes it's hard. But in the end,it's all for the best.~

Sinunod ko lang ang makakabuti para kay Zehra.

Ang gusto niya.

Hindi na importante kung ako ang masaktan o mawalan sa huli dahil ang mahalaga naman talaga ay ang kaligayan niya higit sa ano pa man.

Dahil wala din naman akong karapatan.

Tumigil nako sa pagluha ng makaramdam ako ng pagod at gutom.

Dahan-dahan ako kumalas kay mama at pinunasan ang aking mga luha sa pisngi.

Ngumiti akong humarap kay mama. Hindi ko gusto na malungkot din siya para sa akin.

"Miss ko na luto mo Ma adobo naman dyan." natatawang sabi ko sabay yakap sa braso ni mama. "Tara na ipagluto muna ako please." paawa ko sabay hatak ko sakanya at nag pa cute pa.

Napatawa ng mahina si mama.

"Okay sige patatabain kita ang laki na ng pinayat mo bata ka." kurot nito sa akin.

Napalabi naman ako. "Ihhh hindi na nga ako bata eh." maktol ko.

"Ah basta baby parin kita mwah!." saba'y halik nito sa akin at ginulo pa ang aking buhok.

Napalabi na lang ako sa ka sweetan ng mama ko.

Matapos makapag luto ni mama sakto naman ang dating ni papa. Wow kumpleto kami. Yey :)

"Good evening Pa." bati ko sakanya at nag mano.

"Buti andito ka. Wow mukhang masarap ang ulam huh? Mas masarap kesa yung sa restaurant." humalik naman si papa sa pisngi ni mama.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon