SMUC 12

22.3K 753 97
                                    

"Can't wait to see her tol.. teka papunta naba sila Shane at Ela?." hindi halatang excited na sabi ni Coy, andito kami sa bahay ngayon ni Meghan.

"Para kang kiti-kiti tumigil ka nga. Si Megs lang yon kung umasta ka para ngayon mo lang siya makikilala." singhal ko pano hindi na halos mapakali si Coy sa kinauupuan niya.

Matapos kasi ng dinner namin kahapon saglit ko lang siya nakausap dahil kailangan din nilang umalis agad at ayon nga nag aya siya dito sa bahay nila ngayon mag lunch.

Sila Shane at Ela na lang ang hinihintay namin. Si Meghan naman nasa room niya sabi ng maid sa amin.

Childhood friends kami talaga lahat. Nung binalita ko sakanila ang pag dating niya kahapon halos ma excite sila makita siya ngayon.

Kaya nga itong isa parang tanga lang.

"Andito na kami.. where's Meghan?." tanong ni Shane kasunod si Ela na pumasok sa pinto.

"Madami ba foods guys?" habang hinihimas ni Ela yung bilbil este tummy niya.

Natawa na lang kami.

"Nasa taas siya pababa na siguro." sagot ko naman at umupo narin yung dalawa sa tabi ko.

"Ikaw talaga Ela foods lang ba pinunta mo dito?" naka ngising tanong ni Coy.

Umirap naman si Ela. "Syempre hindi! Na miss ko din si Meghan noh!" asik ni Ela kay Coy.

Bago pa mag bangayan yung dalawa narinig namin yung pagbukas at pagsara ng pinto sa 2nd floor. Siguro si Meghan na yon.

Hindi ko pa pala nabanggit sakanila yung transformations ni Meghan.

From chubby to hot & sexy real quick!

Para surprise hehe.

Good luck sa reaction nila. Hahaha

"Oh my god!! Hi guys na miss ko kayo!" bati ni Meghan sa amin lahat nung matanaw namin siya sa taas ng hagdan.

Katahimikan ang namayani walang gusto mag salita. Potek yung tatlo epic reaction napatanga na lang. :D

I feel you guys. Ganyan din ako kahapon!

"I-ikaw ba talaga yan M-meghan?" nauutal na tanong ni Coy.

Alam kong hindi sila makapaniwala na ibang iba na ang itsura at katawan ng dati namin kaibigan.

Nang makababa na ng hagdan si Meghan ay kusa niya na niyakap ang tatlo dahil parang na estatwa pa din. hahaha

"Yes it's Me guys!" medyo maluha luha pang sabi ni Meghan.

Nang makabawi na sa pagkabigla ang tatlo inaya na kami ni Meghan sa garden nila para doon mag lunch.

Ikinuwento niya sa amin lahat kung paano siya nagpursigi magpapayat. Ang mga pinagdaanan niya sa states. May mga ilan din siya naging friends doon pero hindi daw katulad ng sa aming lima.

May naging boyfriend din daw siya doon pero hindi naman daw ganun ka seryoso ang relasyon nila.

She really badly missed us. Kaya pinilit niya na ang dad niya na umuwi dito. Samantalang naiwan doon ang kuya niya na si Mark.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon