SMUC 8

22.5K 716 116
                                    

"Kumain ka pa kasi onti lang yang sinubo mo." panghihikayat ko sakanya ubusin yung foods sa tray.

"I'm already full kung gusto mo ikaw na lang umubos niyan!" may sakit na nga matigas parin ang ulo. Tsk

"You need to eat a lot para bumalik yung lakas mo at gumaling kana." pangungulit ko pa.

"Ayoko nga! tska wala ako panlasa eh." bumalik na siya sa paghiga at iniwan sa bed side table yung pagkaen.

"Fine pero mamaya lunch dapat kumain ka ng marami kasi iinom ka ng gamot." paalala ko.

Kinuha ko na yung tray at dinala sa kitchen sa baba.

Haist! Grabe may sakit na nga pero nuknukan parin sa katigasan ng ulo.

Naalala ko may text pala ako na hindi pa nababasa. Saka ko kinuha agad sa pocket yung phone ko at binasa ang text.

From: Shane

Wer r u? No classes today. Let's go out!I'm coming over. See yah!

Nag bilin ako kay Manang Cely na  uuwi muna ako saglit at siya muna ang bahala tumingin kay Zehra at paghinanap ako sabihin umuwi lang at babalik din agad.

Kailangan ko makausap si Shane.

Hindi ako pwede gumala dahil binilin sa akin ni Tita Agatha si Zehra. Dahil mamayang gabi pa ang balik nito.

Pag dating sa bahay umakyat nako sa taas para mag shower at mag bihis.

After doing may morning rituals. Bumaba nako for breakfast. It's almost 8:30 in the morning.

Hindi ko na kasi nagawang mag breakfast kanina dahil inuna ko inasikaso si Zehra. She woke up early around 6 in the morning.

Mahaba din kasi ang naging tulog niya.

I prepared her breakfast of course.

Nung una nga ayaw niya pa kumaen pero syempre tinakot ko siya na isusumbong sa Mommy niya. Hahaha

Takot lang niya. Daddy's girl kasi si Zehra. :)

Magdamag ko din siya inalagaan kasi on and off yung fever niya. I stayed up late at night. All for Zehra.

I smiled knowing that she's okay now.

---

"What happened to Ate Yasmine?" nag aalang tanong ni Shane. Andito kami sa living room nasabi ko na sakanya na doon ako natulog kagabi.

"Over fatigue but she'll be fine." ako ba naman ang nurse niya. Ewan ko nalang.

"So i guess kami nalang nila Ela at Coy ang gagala muna. Regards kay Ate Yasmine." tumayo na kami at nagsimulang lumabas.

"Yep! Enjoy kayo ha! Tska wag niyo pakainin ng marami si Ela." natatawang biro ko sakanya.

Naghiwalay na kami pag labas ng bahay. Nag offer din siya na dumalaw kay Zehra pero sabi ko sa ibang araw na lang medyo moody kasi yung isa.

Pag dating ko sa mansion nila. Agad ko nilapitan si Manang.

"Kamusta po siya?"

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon