SMUC 34

21.1K 704 53
                                    

I'm smiling like an idiot right now. :)

Bakit ba? Sino ba ang hindi matutuwa. I never really expect this.
Gusto niya lang naman samahan ko siya sa unit niya today. Hmm?

I wonder why?

Maybe she wants to spend time with me.. :)

I smiled at that thought.

"Ouch!" daing ko.

"Para kang baliw ka ngingiti mo dyan!" asik niya.

Lumingon ako dahil ang sakit kaya ng hampas niya sa braso ko.

She just rolled her eyes on me. "Just drive!"

Taray talaga kahit kelan! Hmp!

Ngayon ko lang nalaman na same condo lang pala kami na inuuwian. Pero hindi naman kasi nabanggit sa akin ni mama at tita agatha na dito rin pala siya sa M-High Towers Condominium tumutuloy.

As soon as we got on the condo I was excited and I hurriedly parked my car.

This is it. Alone time with my Zehra :)

She pressed the 20 button in the elevator. Ang taas pala ng unit niya.

Patingin tingin ako sa kanya but she's still quiet.

Antahimik naman neto!

Pag dating sa floor level nauna siyang lumabas at sumunod lang ako sa likod niya.

Bakit niya kaya ako sinama?

Wala man lang kasi binanggit ang goddess na ito.

Tahimik lang ako nakasunod ng may naalala ako bigla. Agad ko kinuha ang phone ko sa pocket at nag type ng message.

To:Abby
{Abby, guess what?}

Msg sent!

Agad ko binalik yung phone sa pocket ko ng tumapat na kami sa pinto ng unit niya.

2018

Pag bukas ng pinto nag aalangan pa ako kung susunod din ako baka kasi nagpahatid lang pala siya. It's a prank! hehe

Nauna ng pumasok si Zehra pero naiwan parin ako dito sa labas ng pinto nakatayo.

Anuna??

"Woof"

Nagulat na lang ako na may isang aso na tumahol. Ang cute :)

"Woof"

Tapos ay umikot ikot ito sa harap ko na parang gustong makipaglaro. Kaya lumuhod ako para kalgahin siya.

Nakakatuwa kasi ang cute at ang bait niya. Kiniss ko tuloy siya at gigil na yinakap.

"Yacie!" dinig ko tawag ni Zehra mula sa loob.

Yacie?

Biglang sumulpot si Zehra na naka taas ang kilay at naka pamewang sa hamba ng pinto.

"Woof"

Napataas ang kilay niya habang nakamasid sa amin ng aso niya. "Ano pang tinatayo mo dyan? Bakit hindi ka pa pumasok?" mataray na sabi nito. Tapos ay bumalik na siya sa loob kaya sumunod narin ako bitbit yung dog niya. Sungit!

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon