SMUC 33

22.2K 771 164
                                    

Ilang araw din kami nag kasama ni Isabel dahil sa pag tuturo niya sa akin. Madalas ako mag punta sa restau nila ng momsie niya.

Tuwang-tuwa nga si mama dahil nalaman niya na si Isabel ang mentor ko ngayon.

Mexican food ang tinuturo niya sa akin. I've learned a lot of techniques and style from her. She's really one of a great teacher I've known.

Hindi ko narin siya tinatawag ng Ate sa takot ko alam niyo na.

Si Tita Agatha naman ay nagte-text na lang sa akin for updates regarding sa project na gagawin.

Nalaman ko na for a cause project yung gagawin namin.

At ngayon ay pinapupunta kami pareho ni Isabel sa office ni Tita Agatha para mag attend ng pre outreach meeting.

Magkahiwalay kami dumating ni Isabel mas nauna ako sakanya dahil galing pa daw siya sa isang restau nila.

Dito sa board room ng office gaganapin yung meeting unti-unti narin nagsipag datingan yung ibang members and organizers.

Naka received naman ako ng text mula kay Isabel na andito na siya sa loob ng building.

Oh diba textmate na kami matapos siya pumunta sa condo ko.

Umupo nako nang nagsi upuan na yung mga tao.

"Hi Farrah" nabigla ako sa pag sulpot ni Isabel. Humalik siya sa pisngi ko at umupo na sa tabi ko.

I smiled at her. "Hello din.. buti andito kana wala ako makausap dito eh." natatawang sabi ko panis na yata laway ko kasi wala ako kilala maski isa dito.

"Don't worry I'm here now cutiee." sabay pinisil niya yung pisngi ko. Aww!

Inayos niya muna yung bag at mga dala niyang gamit sa table.

Hindi ko naiwasan pag masdan ang kabuuan ni Isabel.

Napansin ko na ang suot niya ngayon ay white long sleeve at grey pencil skirt. Para siyang professor sa college tignan.

Siguro kung naging teacher siya araw-araw papasok lahat ng student. At magiging interesting yung subjec malamang hehe.

Tapos may pamalo pa siya na stick. :D

Natawa ako ng mahina at napailing.

"You really enjoy staring at me huh?" napatigil ako sa iniisip ko at tumitig sa kanya.

She just smirked at me ayan na naman yung pang asar niya na titig sa akin.

"Ah a ano.. ang ganda mo kasi ngayon. Para kang professor." wala sa sariling sambit ko.

Bigla naman nanlaki yung mata ko sa nasabi ko at napatakip sa bibig. Nakakahiya ka Far!

Tinapik naman niya ako sa balikat at natawa ng mahina din.

"Ngayon lang ako maganda?" naka pout na sabi niya. Cute! "Anyway Thank you!" she smiled sweetly.

"Prof pala huh?" bulong niya sabay iwan ng tingin at nangingiti pa din.

"No I mean nagustuhan ko lang yung style mo ngayon.. tska maganda ka naman talaga walang duda. Pang Miss Universe ka nga eh." nanlaki naman ang mata ko dahil grabe di naman yata halatang gandang-ganda ako sa kanya.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon