SMUC 39

22.2K 903 271
                                    

"Handa na lahat ng kailangan mo tol."

Nakangiting lumapit sa akin si Coy at tinapik ako sa balikat. Andito kami sa bahay ng parents ko ngayon.

One week and a half na ako dito pansamantalang umuuwi at di na muna sa condo.

Bukod sa miss ko na ang mga tropa dahil bihira ko na lang sila makasama. Syempre mas sobrang na miss ang aking mama at papa. :)

Pero may dahilan din talaga ako yun ay kinailangan ko ang tulong ng buong barkada sa gagawin ko plano.

Busy daw kasi si Abby sa pagiging detective niya. Kinarir ng lola niyo ang pag iimbestiga kay Richie. :D

Kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at time to time may ibinabalita din naman siya sa akin tungkol sa dalawa. Instant stakler na din ang peg niya. Hay wag sana siya mahalata ni Zehra ko kundi yari ako.

Pero nitong isang araw lang ay ipinatigil ko ang pag update sa akin dahil ayaw ko masira ang plano ko. Ayaw ko ma bad vibes sa i-re report niya sa akin.

"Salamat sa tulong Coy. Maasahan talaga kita." masaya ako dahil hindi sila nagsasawa sa akin parati silang naka suporta.

Si Meghan nung isang araw naka tanggap ako ng sermon. Masyado ko na daw pinipilit yung gusto ko, halata naman daw na walang interest sa akin si Zehra.

Si Ela at Shane naman pinayuhan ako mag li-low muna at mas atupagin ang studies dahil ilang weeks na lang matatapos na ang semester.

Tinanggap ko ng buong buo ang mga payo at sermon nila. Naging bukas ako sa opinyon ng iba dahil naiintindihan ko naman sila, tanging iniisip lang nila ay yung kapakanan ko. Buti na lang ay andyan ang mga kaibigan ko para paalalahanan ako.

"Basta ikaw tol." tumango ako at nag fist bump kami, matapos ay nag paalam narin siyang umuwi.

Nakahanda na ang lahat, ako at si Zehra na lang ang kulang.

Si Shane at si Ela ang naka toka mag-ayos ng venue.

Yung venue na kinuha ko ay nung ika 5th birthday ko pa nung araw na una kami nagkakilala. Dahil sobrang memorable sa akin nito. :)

Suprise date ang naisip ko na plano dahil kahit anong gawin ko invite hindi rin niya ina-accept so ito na lang ang tangi naisip ko.

Ang i-suprise siya ng hindi na maka tanggi o maka palag pa.

Umakyat nako sa kwarto para mag ayos ng sarili at maghanda sa pag alis.

Pero bago yun naka tanggap pa ako ng text mula kay mama. I really don't know kung may idea si mama wala naman kasi ako nababanggit tungkol sa amin ni Zehra.

I instantly smiled after reading her inspirational text for me. :)

'Thanks Ma and I will'.... reply ko matapos basahin ang kanyang text.











Pag dating sa venue nakaramdam ako ng hiwaga na humaplos sa aking puso. Muling nanariwa sa aking isip ang nakaraan.

Sobrang sarap isipin na muli ako nakatapak sa lugar na ito.

Luma na ang building sa labas dahil sa tagal ng panahon pero pagpasok ko sa loob ay namangha ako sa ganda.

Bagay na binigyan hustisya nila Shane at Ela. In fairness magaling sila mag disenyo. :)

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon