SMUC 30

23.9K 653 114
                                    

"Teka gagawin ko to?" gulat na tanong ko andito kami sa condo ko ngayon ni Abby.

After school dito na kami nagkita. Kung ano-anu na nga dinahilan ko kay Coy at Meghan para lang di sila manghinala dahil sa hindi ko pag sama sakanila sa mall ngayon.

"Yep! At wag kana matanong gawin mo na lang. I just need to prove something." mariin niyang sabi. Tapos kinuha yung bouquet ng flowers.

"Hindi ko yata kaya?" nag aalangan sagot ko.

Gusto niya kasi bigyan ko ng flowers si Zehra. Part daw yun ng plano.

Ang ligawan ko si Zehra!

Naka tanggap naman ako ng pitik sa ilong mula sa kanya at tumaas na naman ang kilay ng bruha.

Ouch! Mga sadista na mga babae ngayon!

"Gagawin mo o gagawin mo?!" mataray na sabi niya grabe nakakatakot pala siya.

"Hmm? wala pala ako choice. Ga-gawin ko syempre." Kamot batok na sabi ko. Kinuha ko yung bouquet sakanya.

Siya rin ang bumili non. Kaya pala tinanong niya sa akin ang mga favorites ni Zehra dahil may binabalak na pala siya.

"Matanong ko lang anong kapalit nito ginagawa mo?" naka upo na kami ngayon sa couch. Busy siya sa laptop niya.

Nag angat siya ng tingin "gusto ko kasi mapatunayan mo may poreber!" ngiti-ngiti niyang sabi.

Poreber alone pwede pa!

"Yung totoo nga?" seryosong tinitigan ko siya.

Sandali niya itinigil ang pag type sa laptop at isinara ito.

"Pera" maikling sagot niya "babayaran mo ko sa tuwing maganda ang outcome ng plano natin."

So pera pala ang kailangan niya. Gipit ba siya?

"Magkano naman?" baka kasi milyon hingin nito sa akin eh wala ako ibibigay sa kanya huh!

Sandali siya nag isip. "5k ang paunang bayad. Asahan mo every week may mga plano tayo gagawin."

"Every week? Pano kung wala siya or busy ako?" tanong ko.

"Tsk! Wag ka ng mag isip ako na bahala don. Leave it to me nga diba?" tapos inirapan ako at bumalik ulit sa ginagawa niya.

Haist!

---

MGC

Huminga ako ng malalim. Yung sobrang lalim dahil sa tindi ng kaba ko ngayon.

This is it Far! You can do it!

Ilang beses ko pa sinilip yung itsura ko sa mirror kanina at naka ilang palit din ako ng damit.

Andito ako ngayon sa main office ng building ng company nila Zehra.

Matapos ako kausapin ni Abby umuwi narin siya. At time to time kailangan ko i-update sakanya ang outcome ng gagawin ko.

I felt a little bit weird to myself.

Kasi nagawa niya sa akin ipagawa ito ng hindi man lang ako maka tanggi.

And now here I am waiting for the arrival of Zehra.

Pinaupo muna ako ng secretary niya sa loob ng office room niya. Habang hindi pa tapos ang meeting ni Zehra.

Halos pag pawisan nako ng malamig. At nanunuyot narin yung lalamunan ko.

Naramdaman ko yung pag vibrate ng phone ko. I have a text!

Pag open ko. Message from Abby pala.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon