SMUC 48

23.2K 802 121
                                    

Farrah Cielo Delluci

I came back and it's been over a year from now.

When I left my heart here.

It was also the place where I got my first kiss.:)

Benguet.

I still remember it, as if it was yesterday. She had those soft and sensual lips.

The first person that touched my lips.

The first hand that I held.

The first one that I once cared for..,

And she is my first love.


"Adeng okay kana ba dito sa kubo? Pasensya na ha kasi wala na kami maayos o mas maganda pa maliban dito." tukoy niya sa kubo na tutuloyan ko ng mga ilang araw.

"Wen Apong Ingga, Salamat po sa pag payag niyo na dito ako tumuloy." naka ngiting pasasalamat ko.

Si Apong Ingga ay isa sa mga nakausap ko dati nung pumunta ako dito. Sakanya din yung kubo na pinag dalhan ko kay Zehra dati.

At ang kubo na yon ay ito na ngayon.

Mas lalong lumuma at may mga sira na din. Dahil sa lumipas na tagal ng panahon.

"O sige maiwan muna kita ng makapag pahinga ka. Kapag may kailangan ka puntahan mo lang ako sa kabilang kubo." paalam nito bago lumabas ng pinto.

"Salamat po ulit."

Maayos ko inilagay ang isang dala ko na bag pack sa ibabaw ng kama.

Mag papahinga muna ako. Malayo din ang biyahe papunta rito. Hindi kasi ako nag dala ng kotse. Mas gusto ko subukan mag commute papunta rito.

Apat na araw nako nakabalik galing ng America.

Isang buong araw na kainan ang naganap sa restaurant namin ang salubong nila sa akin.

Tuwang-tuwa ang tropa at halos nag human sandwich na kami. Sobra ko sila na miss at syempre hindi ko nakalimutan yung mga pasalubong ko sakanila.

After ng gatherings ilang araw mula nun nag decide ako pumunta dito.

---

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas.

Inayos ko saglit ang aking damit at buhok dahil sa pagkaka higa.

Matapos mag ayos ay sinilip ko sila sa pinto.

Nagulat pa ako ng makita ang mga batang katutubo sa harap ng aking kubo.

Hindi sila marunong mag salita ng tagalog kaya hindi ko rin alam kung paano ko sila kakausapin.

"Ah eh.. Hi!" bati ko sakanila.

Napansin ko na nag tinginan muna sila bago ngumiti sa akin.

Hindi ko alam paano mag re-react ng hinawakan nila ako at hinatak na lang.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon