SMUC 24

22.1K 681 26
                                    

Dito sa kabundukan ng Pampanga ang pinuntahan namin. Malubak at maalikabok kaya buti na lang aircon.

Nag bigay ng mga instructions si Ms.Mina sa amin tungkol sa magiging flow ng programs. Actually recap na lang daw ito at konting update.

Pag dating sa lugar nag si babaan narin kami lahat sa shuttle at van. Dinala kami ni Ms.Mina sa isang hall kung saan magaganap yung gift giving namin sa mga batang katutubo.

Sa loob ng hall naka ayos na ang mga ipamimigay.

Pinaupo muna kami sa mga upuan na kahoy na andun.

May mga ilan na nag ta-take ng picture ng view, nung location pati narin ang mga kapatid na katutubo,  siguro for documentation.

Binigyan kami ng groupings at task. Doon ako na punta sa mamimigay ng bagong tsinelas. :)

Si Zehra naman ay doon sa mag aabot ng gifts. Maya't maya ang tingin ko sakanya. Naalala ko tuloy dati yung sinama niya ako sa bahay ampunan.

Ngayon ko lang naintindihan. She really loves to help kahit sa anong bagay. Basta ang makapag pasaya sa mga bata at nangangailangan.

She has a good heart :)

Nag simula narin yung program. May kumanta na mga bata. Using their own language kaya hindi namin naintindihan.

The kids looks really happy and excited. Pag dating ng sayawan nakita ko na hinatak nila yung ibang volunteers para sumayaw.

At hindi rin ako naka ligtas. I'm not a dancer pero hindi naman parehong kaliwa ang paa ko :D

Nakakatuwa sumabay sa kanila. I never thought na ganito pala kasaya yung feeling.

Ilang sandali pa dumating narin si Tita Agatha. Nagkaron ng konting speech at reminders. Matapos nun sinimulan na mamigay ng mga supplies sa lahat.

Tuwang-tuwa silang nagpapasalamat sa mga regalo na natanggap. May iba na umiyak at yumakap.

Pinagmasdan ko si Zehra. Nakikipag selfie pa siya sa mga katutubo. She even hugged the kids.

Parang hindi siya. Yung snob at suplada pag dating sa akin. Napailing na lang ako.

Ang mahalaga ngayon she's happy. No doubt. She really is.

We see happiness in others and we feel happiness ourselves.

I feel good after participating in this kind of event.

Siguro nga marami pa ako madi-discover about kay Zehra.

---

After the charity event diretso uwi narin kami. Kasabay narin namin si Tita Agatha sa shuttle.

Pag dating sa biyahe naalala ko yung katabi ko may utang pa pala ako 50 sakanya. Pero wala pa din ako barya. Nyek!

Sumulyap ako sa ginagawa niya. Busy siya sagutan yung maliit na libro. Sa curious ko lumapit ako sinilip maigi.

Sudoku ahahaa! Ayos

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" mataray na tanong niya. Bakit ba lagi siya galit?

Ngumiti na lang ako "Alam mo wag ka laging masungit, sige ka tatanda ka niyan lalo."

Nagtawanan naman yung mga katabi niya na nakarinig. Kaya agad niya ako sinamaan ng tingin.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon