SMUC 6

25.7K 744 74
                                    

One week ko hindi nakita si Zehra.

Sa loob ng isang linggo na yun na hindi ko man lang siya nakausap at ang matindi ay na seen zoned parin ako sa messenger at viber. Lintik na yan! Na pa face palm na lang ako sa sobrang gigil.

Na Zehra zone kana ba?

Asar na asar na ako sa babae na yun kung hindi ko lang siya crush matagal ko na siya sinabunutan.

Char lang baby loves ko yan eh haha!

Ang tanging alam ko lang ay busy siya training at seminars. Pero ano ba naman yung i-text ako kahit isang beses lang :(

Ano silbi ng smart phone niya na naka plan. Tsk!

Naka ilang beses din ako punta sa mansion nila. Halos magkapalit na nga kami ng mukha ni Manang Cely yung maid nila ka pupunta ko dun.

At ngayong sabado nga ay determinado nako makita siya at makausap. Hindi ako papayag na ganun ganun na lang yon.

Alam ko naman na childhood friends lang kami.

And so kahit na friends lang kami.. Crush ko siya eh!!

At dahil pretty at cute ako....

I NEED A DAMN EXPLANATION!!!

Hindi pwede na tinataguan niya ako at iniiwasan na lang di ba?

Kaya sa tulong ni Mama hiningi ko yung cp number ni Tita Agatha na mommy niya. Para malaman ko ang exact location ni goddess.

Dinial ko agad at wala pang apat na ring sumagot na ito.

"Yes hello?"

"Hi Tita Agatha si Farrah po ito"

"Oh Farrah iha napatawag ka?"

"Sorry to bother you Tita but I just wanna know lang kung how's Zehra hindi po kasi siya sumasagot sa text ko?"

"It's okay iha. Ayon medyo busy lang siya nag out of town kasi siya with Richie. I believe this afternoon yung flight nila pabalik."

"Thank you po Tita Agatha, anyways kina kamusta din po kayo sa akin ni Mama"

"Your welcome, tomorrow I might have a lunch time at your house."

"That's great Tita, thank you po ulit bye"

"Bye Farrah"

So yun pala ang reason?? busy siya sa out of town niya kasama yung Richie.

Edi Wow!! Wow na wow talaga!

Gaano ka busy? Tsk! Naiinis nako sa sarili ko. Bakit ba ako apektado sa tukmol na lalaki na yon?

Nanliligaw ba siya sa Zehra ko? Oh baka naman friend niya lang? Tama friend lang yon sila.

Richie? San ko ba narinig yung name na yon. Tama! Yung nag breakfast ako sa kanila last time. Nabanggit ni Tita Agatha na susunduin siya nung Richie na yon.

Masama ito.

Kailangan ko kumilos. Hindi ako papayag na ligawan niya si Zehra.

Agad ako nag ayos ng sarili ko dahil ngayong araw ang dating ni Zehra galing sa out of town na yan.

Magpapaganda ako! Hihi

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon