SMUC 31

21.9K 623 56
                                    

Hingal na hingal ako umupo sa upuan na kahoy dito sa ilalim ng puno ng mangga. Napagod ako sa mga nangyari.

Utos dito, utos doon.

Buhat dito, buhat doon.

Takbo dito, takbo doon.

Luto dito, luto doon.

Waahhh ang sakit na ng likod ko!!! Akala ko pa naman makakapag chill ako ngayon dito sa outreach.

Sinasadya yata ni tita pahirapan ako. Uhaw na uhaw at gutom na ako ngayon. Binigyan kami ng 30 mins break dahil pagkatapos sa barangay na ito may pupuntahan pa daw kami.

Bibigay na yata yung mga tuhod ko sa pagod.

"Oh tubig!" napalingon naman ako kay Abby nakakadating lang.

Umupo narin siya sa tabi ko.

"Salamat" tapos inabot ko yung mineral water na dala niya at agad itong inubos.

"Kaya pa ba?" tanong niya pero sa harap ang tingin niya. "Umpisa pa lang ito Far, kaya hindi ka dapat sumuko."

Tapos tumitig siya ng diretso sa akin.

"Tandaan mo kailangan mapapayag mo si Tita na ligawan si Zehra."

I sighed heavily.

This is going to be difficult for me.

Marami kondisyon si Tita. Panigurado dadaan ako sa butas ng karayom.

"Kaya pa naman. Hindi ako susuko!" determinado ako magagawa lahat ng pagagawa niya.

Natapos ang buong araw na outreach namin sa tatlong magkakalayong barangay sa Mindoro.

Gabi na ng makarating kami sa bahay na tutuluyan namin kasama ang buong team ng volunteers at organizers pati narin ang ibang sponsors na sumama.

Pabagsak ako humiga sa single bed, maaga yata ako makaka tulog ngayon dahil sa pagod.

"Far gising!" Nakaramdam ako ng pag tapik sa balikat ko paulit-ulit.

Gumising ako at bumangon sa higaan.

"Anong oras na?" humihikab na tanong ko.

"0600 am ng umaga, pinagigising ka ni Mrs.Marquez para magluto daw." nakangiwing sabi ni Abby.

Siguro nga alam na niya kung bakit. Talagang part of the plan ni Tita talaga na pahirapan ako.

Kala ko ba dati favorite niya ako? Lalo na nung maliit pa ako. Tapos ngayon? Tsk!

No choice! Nagluto ako ng pagkain para sa lahat.

Tuwang-tuwa naman ang mga kumain dahil bukod daw sa masarap yung lasa cute din daw yung nagluto.

Natatawa na nga lang ako sa mga komento at papuri nila sa akin.

Pinasama din ako ni Tita sa palengke para mamili ng lulutuin sa tanghalian bago umuwi. At ako din ulit ang pinagluluto niya.

Iniisip ko na lang na nasa isang restaurant ako at pag sisilbihan ko ang lahat ng customer na kakain.

At least kahit paano hindi ako na ii-stress o nakakaramdam ng pagod.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon