Epilogue

23.1K 761 170
                                    


💕•💕•💕

4 years later

It's a beautiful Sunday morning sa Isla Bahaghari kung saan naroon masayang nagtatawanan at naglalaro ang dalawang bata sa labas ng cabin.

Samantala tuwang-tuwa naman sila habang pinapanood at binabantayan ng dalawang matandang ginang na nasa gilid habang nagkakape.

"Mamala oh si Kuya Zach niaasar ako." naka ngusong sumbong ng batang babae at tumakbo sa isang ginang.

Tumakbo naman ang batang lalake sa isa pang ginang. "Mamita eh kasi sabi ni Arrah di daw ako marunong lumangoy." sumbong din nito.

Napailing at napangiti na lang ang dalawang ginang sa dalawang apo nila na madalas mag-asaran na kala mo aso't pusa na hindi magkasundo.

"Zach at Arrah hindi matutuwa ang mga mommy niyo pag nalaman nilang nag-aaway na naman kayo." paalala ni ginang Marquez.

Pinag-lapit naman ng isang ginang ang dalawang bata.

"Say sorry Zach to your sister." dagdag pa nito at pinag hawak ang mga kamay ng mga ito.

Mabait naman na sumunod ito. "Sorry na Arrah." hingi paumanhin ng batang lalake.

"Sorry din." tapos ay nagyakap na ang dalawa.

Sa labis na tuwa ay parehong niyakap ni ginang Delluci ang dalawa. "Lagi kayo magmamahalan dahil magkapatid kayo. At ang magkapatid ay laging nagtutulongan at hindi nag aaway. Tandaan niyo yan." mariin na bilin nito.

Agad naman tumango ang dalawang bata at sabay pang humingi ng paumanhin. "Opo sorry po."

Tumayo ang dalawang ginang at tig-isang hinawakan ang mga kamay ng bata. "Tara na sa loob at baka luto na ang food." masayang sambit ni ginang Delluci.

"Yehey kakain na tayo!" masayang sigaw ni Zach at tumalon talon pa.

"I'm hungry na mamala let's go na." sabay himas ni Arrah sa tiyan nito na ikinatawa nilang lahat.

Hindi maikakaila na dugo ng Delluci at Marquez ang na nanalaytay sa mga bata.

Kamukhang kamukha kasi ng dalawang bata ang kanilang mga magulang.

Dahil na din sa advance technology ng makabagong generation. Hindi naging mahirap kila Farrah at Zehra ang magkaroon ng anak na kambal na isang lalake at isang babae.

Makalipas lang ng walong buwan mula ng ikasal ang dalawa na ginanap sa Las Vegas, Nevada ay nag desisyon na si Zehra magbuntis.

Hindi naging madali ang pagbubuntis ni Zehra sa loob ng tatlong buwan. Kaya kinailangan ni Far ng tulong ng kanyang mama at mga kaibigan.

Moody at marami pinaglilihian si Zehra. May mga oras pa na ayaw niya nakikita si Far pero iiyak naman siya pag umaalis na ito.

Doon na din siya mismo sa isla nanganak kasama ang private doctors at nurse na lagi tumitingin sa kanya.

Samantalang si Farrah ay tuloy pa din ang business sa Manila na ngayon ay si Meghan na ang namamahala pagwala siya.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon