SMUC 25

22.7K 662 74
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto ko na ba tinitignan yung picture sa cellphone ko. It's a picture of Richie and Zehra.

Nag check ako ng IG kanina lang pag dating ko dito sa bahay. Automatic na nag visit ako ng account niya.

Napako ang tingin ko sa isang photo na naka tagged siya at ni-liked niya na umani ng mga likes at comments.

The picture was taken 1 day ago. Sa isang restaurant somewhere in Tagaytay base narin sa location.

Nung huli ko visit sa IG picture din nila last Christmas Eve sila din ang magkasama. Mukhang napapadalas ang pag ta-take nila ng pictures together huh.

Are they together???

Pero tinawag niyang "honey" si Zehra kanina. Nanligaw ba siya? At sila na agad. Parang ang bilis naman niya yata sagutin. Ni hindi man lang nagpakipot porket gwapo at may lahi. Tskk

Parang nanlumo naman ako sa isipang sila na at wala na ako magagawa pa. Ano magagawa ng tulad ko isa lang naman ako kapitbahay, malapit na kaibigan at isang bata sa paningin niya.

Bata???

Bakit ba ganun na lang tingin niya sa akin. Hindi na ako bata dahil hindi naman na ako naglalaro pa! Pinamigay ko na yung mga toys ko sa mga pinsan at pamangkin ko. :(

Pwera lang sa favorite doll ko na regalo sa akin ni papa nung birthday ko nung 5 yrs old ako.

Ano ba dapat ko gawin para hindi niya isipin na bata ako? Kainis wala ako maisip.

Bigla na lang tumunog yung phone ko.

Si Meghan tumatawag. Kaya agad ko pinundot yung answer.

{"Hi babe?! Musta kana hindi kita ma-contact kanina?"}

{"Naku Megs sumama kase ako sa charity event ni Tita Agatha. I'm good and andito nako sa bahay."}

{"Wow! That's nice. I hope you enjoyed. Anyway dyan ako sa sainyo mag New Year si Dad kase may business trip."}

{"No biggie Megs, I'm sure matutuwa si mama at papa niyan. Kelan ang dating mo dito?}

{"I'll be there on the 31st, see you soon babe. Miss you. Have to go, byee!"}

{"Okay Megs.Miss you too, Bye!"}

I'm happy now that Meghan is coming and she'll spend her New Years with us. Coy will be happy too. :)

Bukas ko nga lang iisipin. Maka tulog na nga.

---

"So tingin mo sila na dahil tinawag lang siyang honey nung Richie?" tanong ni Coy habang tulak niya yung pushcart.

Nagpasama kasi ako sakanya para mag grocery for new years eve. At nag kwento narin ako sakanya sa nangyari sa akin kahapon. As in lahat.

Lumingon naman ako sakanya "Eh bakit niya tatawagin kung hindi sila? Sige nga?" napakamot na lang siya sa ulo at hindi na sumagot pa.

Pagkatapos namin mamili dinala namin sa kotse ko lahat saka kami bumalik sa mall para mag ikot-ikot.

"Teka nga di ba si Ms.Beautiful yun?" turo ni Coy sa di kalayuan sa isang matangkad na babae na bumibili sa isang food stall. "Tara lapitan naten!"

Pipigilan ko sana si Coy dahil nakakahiya. Pero ang loko nauna na at nagmamadali pa. Tsk excited sa maganda!

"Hi Ms.Beautiful!" bati nung mokong.

Medyo nabigla pa si Isabel sa pag tawag ni Coy dahil naka talikod ito. Kaya natawa ako ng mahina.

Humarap siya sa amin at sinamaan ng tingin si Coy. "Wag mo na ako ulit gugulatin totoy." At namewang pa tumingin sa akin "at ikaw naman wag kang tatawa-tawa dyan!"

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon