SMUC 29

21.8K 661 115
                                    

Ang sakit ng likod ko!

Ang ingay naman!

Sino ba yung nasigaw?

Bakit ang init?

Unti-unti ko minulat yung mata ko. Ganun na lang yung lakas ng liwanag o sikat ng araw na tumama sa mata ko.

Kaya agad ko ipinikit muli yung mga mata ko.

"Arghh!!" saba'y sapo sa ulo ko na masakit. Parang pinipiga! O minamartilyo!

Pinilit ko bumangon kahit naka pikit pa. Habang hawak ng kaliwa ko kamay yung ulo ko.

Agad ko dinilat yung mata ko. Pero mas lalo yata sumakit yung ulo ko ng mag liwanag yung paningin ko.

Where the hell am I..???

Maliit na kwarto. Pero maayos at malinis ang kabuuan.

Tinignan ko yung sarili ko.

"Shit!" napamura ako at napabangon bigla.

Bakit iba ang damit ko? Kinapa ko pa yung sarili ko kung may kakaiba ako naramdaman pero wala naman.

"Mukhang kang baliw!"

Bigla ako napalingon sa babaeng nakasandal sa pinto ngayon.

Naka pamewang na siyang humarap ngayon "Kung iniisip mo may gumahasa sayo.. isa kang baliw! Dahil puro babae ang nakatira dito!" dagdag niya pa.

"Anong nangyari sa akin?" nakaka tanga na tanong ko. Dahil wala ako maalala.

Umupo siya sa upuang kahoy sa tapat ng kama "Tsk! Broken hearted ka kaya ka naglasing at nawalan ng malay!"

"Ako ang nagpalit ng damit mo dahil sumuka ka lang naman ng tatlong beses" dagdag niya pa at naka simangot na sabi niya "pati kama ko sinukahan mo kaya dyan na kita sa lapag pinatulog."

Napahawak naman ako sa likod ko. Kaya pala ang sakit.

"T-thank you Ms.Abby" nahihiyang sabi ko tska ako yumuko.

Grabe sinukahan ko siya ng tatlong beses?!

Tumayo siya at nagsalita. "Bumangon kana dyan at mag ayos. Nakahanda na ang almusal."

"Ang cr paglabas mo dito sa kwarto bandang kaliwa". tapos ay lumabas narin siya.

Hinanap ko yung gamit ko pero wala pala ako dala yung cellphone ko inabot ko mula sa sahig na hinigaan ko.

Dead batt na?!

Nagtungo ako sa cr at ginawa ang morning ritual ko.

Nasa 2nd floor pala ako kaya bumaba ako ng hagdan matapos mag cr.

Malaki ng konti yung sala na konektado din sa kainan na lamesa.

Pero ang ganda ng pagkaka ayos no wonder isa siyang interior designer.

Kahit hindi mamahalin yung gamit napaka cozy parin ng dating.

Nakita ko si Ms.Abby na naghahain ng ulam at kanin.

"Maupo kana at kakain na tayo." seryoso lang niyang sabi.

Umupo naman ako sa tapat niya.

Itlog at tinapa yan ang almusal na niluto niya.

"Alam ko rich kid ka pero sorry ka na lang yan ang ulam na meron ako." diretsa niya sabi sa akin.

Akala niya siguro hindi ako nakain ng ganon klase ng ulam.

Ngumiti ako "Nako Ms.Abby nakain ako niyan don't worry."

"Tigilan mo na nga ako sa kaka Ms.Abby mo piling ko lalo ako tumatanda eh!" inis na sabi niya tapos ay nagsimula na siyang mag kamay at kumain.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon