SMUC 38

21.8K 855 218
                                    

1 month later




"Ayaw niya parin paligaw sa akin." naka ngusong sumbong ko kay Abby.

"Ayaw niya pa din makipag date waahh."

Kanina pa ako nag ngangawa kay Abby. Hindi na rin ako naka attend ng training ko sa restaurant namin after school.

Isang buwan na halos ang patuloy ko na panliligaw kay Zehra.

ZERO progress parin. :(

Para ako natalo noon sa casino nung mas pinili niya makipag date kay Richie. Edi hamak na mas maganda naman yung surprise date ko kesa sa pinuntahan nila.

Nalaman ko kasi na sa isang fancy restaurant lang sila nag punta sa makati. Baduy!!

Paano ko nalaman? Syempre ako pa ba!

Sinundan ko sila mag hapon. Just to make sure na walang mangyayari masama kay Zehra. Dahil wala ako tiwala sa pugo na yon!

"Wag kana nga mag emote dyan! Para ka talagang bata!" tumabi naman si Abby sa pag upo sa akin. "Tska please lang tama na yung flowers at foods mo. Lakas maka umay eh!" naiiling niyang sabi.

"Hindi na nga ako bata!" kontra ko sakanya.

Hayyy! Ang hirap pala manligaw.

Dapat ako na lang niligawan ni Zehra at di ko na siya pahihirapan pa. Dahil oo agad ang sagot ko hehe :D

"Alam ko na!" sabay tayo ni Abby sa upuan. "Dalhin mo siya sa favorite place niya!" kinikilig siya sa bright niyang idea.

Nyekss!

"Favorite food nga inayawan yung favorite place pa kaya?" nakaka asar bakit kasi napaka ewan nito ni Zehra.

Farrah Cielo Delluci na ohh!!

Choosy pa ba??? Tsk!

Daming naghahabol sa akin sa school mapa babae o lalake. Maging yung mga anak ng business partners ni papa crush din ako. Yung librarian nga sa school nag papa cute sa akin pati yung assistant chef ni mama panay kindat sa akin.

Nakatanggap naman ako ng batok. "Aray ba't namamatok ka?" asik ko.

"Kanina pa ako salita ng salita dito. Hindi ka naman nakikinig!" inis na turan nito.

Napakamot na lang ako sa ulo ko na masakit. "Oh ano nga gagawin ko?"

"Kailangan pag aralan mo ang kalaban yung mga kilos at ginagawa nito." seryoso ba siya?

"Kalaban? Sino yung kalaban?" takang tanong ko.

"Edi si RICHIE!!! Sino pa ba?!" nanlalaking matang sagot nito.

"Chill! Masyado kanaman HB." Awat ko dito at pinaupo na sa tabi ko. "Osige planuhin mo na huh! Tutal ikaw magaling dyan isama mo narin si Coy."

"Kayo na bahala sa background information niyan ni Richie ako na bahala kay Zehra." dagdag ko pa.

Sumang-ayon naman si Abby sa plano at hindi na kumontra pa.

"Basta Far tigil mo na kaka emote huh! Maawa ka din sa sarili mo. Hindi na ikaw yung dating Far na masayahin at cute na nakilala ko. Chaka mo na!" natatawang biro ni Abby pero alam ko kahit biro yun alam ko patama yun.

Tumango na lang ako dahil hindi ko din alam paano sasagutin ang sinabi nito.



She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon