SMUC 5

27.4K 709 66
                                    

Paglabas ko ng kotse bitbit yung paper bag na may laman ng sandwiches na gawa ni Zehra, nakita ko siya na may kausap na matandang babae.

"Far lumapit ka dito." tawag niya sa akin kaya naman lumapit ako agad sa kanilang dalawa.

"Hi! Ako si Lorna salamat sa pagbisita." ngiting bati sa akin at tinanggap ko naman yung kamay niya ng iabot niya ito.

"My name is Far, welcome po." nahihiyang sabi ko kasi hindi ko inexpect talaga na dito kami pupunta.

"Mag aabot lang sana kami ng sandwich sa mga bata Ate Lorna na miss ko din kasi sila." masayang sabi ni Zehra.

"Tara sa loob." pag anyaya samin ni Ate Lorna.

Pag dating sa loob nakita ko yung mga bata na naka upo sa upuan at busy sila sa pagsusulat.

Tinawag pansin ni Ate Lorna yung teacher sa harapan at agad naman itong lumapit sa kinaroroonan namin.

Saglit itong nagulat pero napangiti din agad ng makilala ang isa sa amin.

"Hello Yasmine buti at naka dalaw ka ulit." masayang wika nito ng makalapit sa amin.

"Hi Ate Myra na miss ko kasi yung mga bata may dala pala ako sandwich para sakanila." excited na sabi ni Zehra. Pansin ko ang kislap sa mga mata niya sa saya.

"Oh Hi? May kasama ka pala?" tanong ni Teacher Myra kay Zehra kasi andito kasi ako sa likod at natatakpan.

"H-hello po I'm Far." nahihiyang bati ko. Nag hi din naman yung teacher.

"Oh tara ibigay na naten yung mga sandwich na dala niyo." sabi ni Ate Lorna.

Tinulungan ko sila magbigay ng sandwich sa mga bata, tanya ko nasa mga 15 to 20 din sila.

Nakita ko si Zehra na nakikipag kwentuhan at tawanan sa mga bata. Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala siya sa bata.

Naninibago ako sa totoo lang hindi kaya imbis makipag kwentuhan eh nanatili na lang ako sa gilid at pinagmasdan sila.

Tingin ko mga isang oras at kalahati lang kami nagtagal at nag paalam din siya agad.

Habang pauwi kami sa kanila naisipan ko mag tanong dahil kanina pa talaga ako napapa isip.

"Uhm Zehra matagal kana ba natulong sa kanila?" naikwento kasi sa akin ni Ate Lorna na isa si Zehra sa mga sponsor na tumutulong sa kanila.

"Two years narin, pero since naging busy ako before graduation at galing vacation pa hindi nako nakapasyal at ngayon lang ulit." naka tingin lang ako sakanya habang nag dri-drive siya.

So matagal narin pala. Bakit hindi ko alam tungkol dun?

"Bakit hindi mo ko isinasama pag pumupunta ka dati?" napasimangot ako bigla ang tagal na din pala tapos ngayon ko lang nalaman.

Lumingon lang siya saglit sa akin pero bumalik na ulit sa harap ang tingin niya.

"Dahil hindi ka naman mahilig sa bata and since ngayon sinama kita kasi no choice ako." kibit-balikat niya.

Tsk! Sinama niya ako kasi no choice daw siya.

"Wehh di nga? Ang sama mo sa akin dapat next time isama mo ulit ako, magdadala ako ng maraming candies at laruan." pagmamalaki ko syempre magugustohan yun ng mga bata.

Pero naiiling lang siya sa naging sagot ko. Alam ko naman na kung bakit.

Knowing me? Gagawin ko yung gusto ko kahit ayaw ko. Basta para kay Zehra gagawin ko.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon