SMUC 42

24.6K 1K 262
                                    

"Farrah!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon sa upuang kahoy ng marinig ko ang matining na boses ni Zehra mula sa kwarto.

Agad-agad ako pumasok sa pinto at tinamaan ng unan sa mukha.

"Asan tayo, san mo ko dinala at anong ginawa mo sa akin?!!"

Sunod-sunod na tanong nito na halos ika bingi ko na bulyawan kaba naman ng malapitan. Lakas maka basag ng ears.

"Binigyan lang naman kita ng pampa tulog—arrayyy ang sakit!."  suntok ba yuno  na siya sa braso ko sa sobrang gigil.

"Walanghiya ka! Saan mo ko dinala?!!" Naiinis siyang patuloy na pag hampas sa akin.

Natatawa naman akong hinuli yung dalawa niyang kamay.

"Andito tayo sa Benguet ngayon." para naman siyang biglang na estatwa ng marinig kung nasan kami.

"Be-benguet." di makapaniwalang sambit niya.

Malamang mabibigla talaga siya na malaman na nasa isang malayong lugar kami.

Hmmm mabiro nga kahit ngayon lang hehe...

Hinawakan ko siya sa mag kabilang pisngi niya at iniharap sa akin para magtagpo ang aming mga mata.

"Oo nasa Benguet tayo babe at dinala kita dito para itanan." nung una pina seryoso ko pa ang mukha ko para malaman ang reaction niya pero kinalaunan natawa din ako.

Dahil bigla nalang nanlaki ang dalawang mata nito at napatakip sa bibig.

Ang epic! Hahaha

Naka tanggap naman ako ng hampas at pingot sa tenga.

"A-aaaaray tama naaa." sakit huhuhu.

"Bwiset ka!!! Anong ginagawa natin dito sa Benguet?!" Namumula na yung mukha niya sa inis sa akin. Pero itinatawa ko na lang.

"Wag kang tumawa seryoso ako dito! Malilintikan ka talaga sa akin." Nag cross arms na siya.

"Ito na ang huling date natin." muli akong ngumiti pero tanging irap lang ang sagot niya.

Hindi naglaon sumuko din siya sa pag talak at frustrated na naupo sa kama.

Naka tanggap ako ng text mula kay Tita Agatha. Na nag sasabi na malapit na mag umpisa ang surprise.

Agad naman ako nag reply.

Sa maliit na kubo na ito. Hindi alam ni Zehra na sa labas nito ay may malaking surpresa na naghihintay sakanya.

Ang birthday niya at ang proposal ni Richie sakanya.

"Zehra" tawag ko at umupo ako sa sahig sa tapat niya. Napakunot noo siya sa akin pero halata parin ang inis sa magandang mukha nito.

"Wag kana mainis sa akin please." saba'y ngiti ko sakanya. "Marami magagalit sa akin pag nakita nila ganyan mukha mo."

Pinaikutan lang niya ako ng mata.

"Alam mo may hindi pa pala ako nasasabi sayo." dagdag ko.

"Ano na naman yun?" pa irap niya pero sa iba nakatingin.

Siguro dapat din niya malaman ang tungkol dito.

"Patapos na yung sem namin next week. After nito magbabakasyon ako kila lolo at lola." nag baling siya bigla ng tingin sa akin.

Napansin ko ang pagtakaka sa kanya mga mata marahil ay bakit ko yun sinabi out of nowhere.

Bukod dun alam niyang bihira ako magpunta ng probinsya.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon