SMUC 35

22.7K 759 69
                                    

"Grabe ka pinapunta mo ko ngayon para lang gawin taga tulak mo ng push cart!" maktol ng kasama ko.

Hinayaan ko lang sa pag bubunganga si Abby. Busy kasi ako kakahanap ng ingredients sa lulutuin ko.

"Buti sana kung matitikman ko yung lulutuin mo, kaso hindi naman!" inis na wika muli nito.

Tinawagan ko kasi siya agad pag labas ko ng condo kanina. Naisip ko mag pasama sakanya at kailangan ko rin siya makausap.

"Pinaglinis mo pa ako ng unit mo nung isang araw wala ka man lang niluto para sa akin. Nagutom kaya ako!"

Kahit hindi ko siya lingunin na i-imagine ko na asar na asar na talaga siya sa akin. Hehe

"Instant julalay nga kita diba?" wika ko pero tuloy parin ako sa pamimili naka sunod lang siya sa akin.

"Kapal! Hoy maka julalay ka naman, ganda kong toh?" sabay hampas niya sa braso ko na ikinatawa ko ng mahina.

Nilingon ko siya at gusto ko matawa dahil grabe na yung pagka busangot niya at sobrang salubong na yung dalawa niyang kilay.

Ngumiti na lang ako pero inirapan din  ako.

"Wag mo ko ngitian Far ha! Inis ako sayo. Dapat may ipakain ka sa akin after natin dito." gigil na talaga siya.

Pareho sila ni Zehra mga pinaglihi sa sama ng loob. Syempre di naman ako masamang tao mamaya lilibre ko rin siya.

Matapos namin makapamili at maisakay sa kotse ko yung mga nabiling groceries dumaan kami sa isang fast food dahil yun yung hiling niyang kapalit ng pag sama sa akin.

"Oh ayan huh lahat ng order mo naka large size at sobra-sobra pa. Siguro naman pati mga ka boardmate mo makakain narin niyan sa dami." turo ko sa dalawang plastic ng McDonald's na bitbit niya.

Jusko pang 6 persons yata yung pwede kumaen.

"Oo na! Sige uwi na ako." pahayag niya na abot tenga yung ngiti. At lumakad na paalis pero huminto siya at bumalik ulit. "Yung binilin ko sayo kanina wag mo kalimutan."

"Oo na sige na byee!" nagmamadaling paalam ko.

Tinapik niya pa ako sa balikat saka nag pasyang umalis na.

Kanina kasi nabanggit ko sakanya yung pag confront sa akin ni Zehra. At yung muntik ko ng pag amin na naudlot dahil sa pag dating ng pinsan ko.

Ang bilin niya sa akin ituloy-tuloy ko na daw ang pag papahapyaw kay Zehra. Unti-untiin ko na daw ang panliligaw na hindi nito napapansin.

Oh diba may pagka love guru pala itong si Abby.

Agad nako nag drive pabalik ng condo.

Bitbit yung mga groceries na nabili ko pag dating ng elevator. Medyo kinakabahan nako sa pwedeng pagkikita ulit namin.

Grabe yung effect ni Zehra sa akin. To think na kanina lang kami nag kita tapos ngayon excited na ulit ako makita siya.

Shite! Kinilig yata ako :)

Kung hindi lang dumating yung pinsan ko eh di sana dinner for two sana kami ngayon. Hmp! Di bale next time na lang.

Nag doorbell ako pagdating ko sa unit niya.

Hindi nako nagtaka nung si Ate Nich yung nagbukas ng pinto.

Siguro nahiya pa si Zehra sa akin. :D

"Sa wakas andito kana din." parang nahimigan ko yung medyo bored sa tono niya. Tapos ay tinulungan niya ako sa mga dala ko na plastic para ipasok sa loob.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon