SMUC 27

22.3K 711 116
                                    

Kasama ko si Megs at Coy ngayon dito sa mall after namin sa school nag pasama ako sakanila tumingin ng mga pwedeng i-display sa unit ko.

Nung nalaman nga ni Coy yung tungkol sa bago kong unit aba ang loko doon na din daw siya madalas tatambay.

Pero itong isa medyo nalulungkot dahil hindi ko na daw siya kapitbahay.

At kung hinahanap niyo naman si Ela at Shane ayun nag eemote pa sa isa't isa. Bad trip pa yata pareho.

"Tol eto bagay itong figurine sa magiging sala mo." inabot naman sa akin ni Coy yung babae na figurine pero naka hubad. Nyek!

Pero di ko pa naabot ng harangin ni Megs eto. "Ang bastos niyan gagawin mo pa manyak si Fachie eh!" pag tataray nito kay Coy.

"Anong bastos dito? Art ito as in ART!" explain naman nung isa. Napasapo na lang ako sa noo ko. Sila naman dalawa ngayon ang aso't pusa.

"Wag na Coy iba na lang." sabi ko tska hindi ko rin talaga bet. Pang-asar naman na ngumiti si Megs sa kanya at kumawit pa sa braso ko.

"Ano ba gusto mo design at display tol?" patuloy parin kami sa paglalakad. Naramdaman ko na ang pananakit ng paa ko.

"Onga babe kanina pa tayo paikot-ikot dito sa mall wala ka parin napipili."

Napaisip naman ako bigla. "Uhm kain na lang muna tayo guys, next time nako titingin tska gutom narin siguro kayo."

Wala rin naman talaga ako maisip pa. Papatulong na lang ako sakanila sa ibang araw.

"Mabuti pa nga tol."

"Yeah right! Gutom narin ako."

---

Today is Saturday.

Mag mula nung nag start yung pasukan hindi na ako ulit nagkaroon ng chance makita at makausap si Zehra.

I even text her but still no response.

Naging busy na lang muna ako sa pag aasikaso sa bagong unit ko.

I even asked for help sa isang interior designer buti na lang may friend si mama na ni-recommend.

Sabi ni mama ngayong Saturday daw darating yung kilala niya dito sa bahay. Actually student pa lang daw ito. Pero nag o-ojt na daw.

Mas maganda daw ang mga ideas ng ganitong graduating pa lang. Hindi daw ito mahihirapan kung sakali. At alam niyang magkakasundo kami.

Sana nga matulungan niya ako.

At ngayon nga pinatawag ako ni mama sa maid dahil dumating na daw yung friend niya.

"Hi Good morning!" bati ko sa friend ni mama dito sa living room ko sila inabutan nakaupo at nag uusap na.

More like nag kwe-kwentuhan yata.

"Farrah come here, she's the one I'm telling you." masayang bungad ni mama.

Lumingon naman yung friend ni mama dahil nakapatalikod ito sa akin. At ganun na lang yung gulat ko ng makilala yung tao na nasa harap ko ngayon.

Teka? Paano nangyari? Friend niya si mama?

"Hello Ms.Farrah! I'm Abby." inabot nito yung kamay niya sa akin para makipag shake hands.

Ngumiti ako ng alanganin at tinanggap ang kamay niya. "Nice to meet you, Ms.Abby."

Umupo ako sa tabi ni mama sa harap ni Ms.Abby.

"Farrah anak, gusto ni Abby makita ang unit mo today. At doon niyo narin pag usapan ang lahat." sabi ni mama.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon