CHAPTER 1
"Andrei.. Bumangon ka na dyan. Baka tanghaliin ka sa school. Hindi ba't ngayon ang unang araw ng pasok ninyo?" Mahinahon na ginigising si Andrei ng kanyang Yaya.
Unti unting iminulat ni Andrei ang kanyang mga mata. Tinignan ang orasan na nakasabit sa dingding at pagtapos ay tinignan ang kanyang Yaya. "Yaya Teresa, 9:00 am pa po ang pasok ko, ala sais pa lang po."
Ngumiti si Yaya Teresa. "Maganda na ang maaga kesa naman ma late ka, tandaan mo. First impression lasts."
"Inaantok pa ako Yaya, kahit 10 minutes pa. Please?"
"Naku talagang bata ka! Bumangon ka na dyan, sa Manila pa ang school mo, maliligo ka pa, magbibihis, kakain at papainitin mo pa ang makina ng sasakyan mo."
Sa Batangas nakatira sila Andrei, tanging ang Yaya niya lang at Siya ang magkasama sa malaki nilang bahay. Nasa U.S ang mga magulang niya kasama ang kapatid niyang lalake. Nagpapadala lang ang mga magulang niya ng pera buwan-buwan para sa mga gastusin sa bahay, pagkain at bayad sa School.
21 Years old na si Andrei at Business Management naman ang kanyang kurso. 4th Year College at ngayon ay ang unang araw ng pasok niya.
Napa buntong hininga si Andrei. Hindi pa rin siya bumabangon mula sa pagkakahiga. "Opo Yaya. Babangon na po ako."
"Oh Sige. Hihintayin kita sa kusina at handa na rin ang breakfast mo. Iginawa din kita ng Orange Juice."
"Salamat Yaya."
Pag kalabas ni Yaya Teresa sa kwarto ay mabilis din naman bumagon si Andrei mula sa kama. Tumingin muna sya sa salamin at tinitigan ang sarili.
Bigla niyang naalala ang mga sinabi sa kanya ng girlfriend niya kagabi."Andrei, Mag cool off muna tayo."
"Huh? Pero.. pero bakit? May problema ba? May nagawa ba kong mali Anna? May nasabi ba kong hindi mo nagustuhan? Bakit biglaan naman? Tell me!"
"I just need space. Lahat kasi ng oras ko nasa sayo na eh. Gusto ko munang mapag isa, gusto kong makapag isip isip."
"Anna naman, bakit naman biglaan? Pag usapan muna natin to, ku.."
"Andrei! Nag sasawa na ko, halos oras oras na lang ay mag kasama tayo! Halos araw araw.. hindi ka na umaalis sa tabi ko! Nasasakal na ako! Andrei! Naiintindihan mo ba? Nasasakal ako that's why I need space!"Mula sa pagkakatitig sa salamin, binaling naman ni Andrei ang mga mata niya sa larawan nila ni Anna na nakasabit din sa dingding.
"You need space ha? Nag sasawa ka na? Okay! Fine! Sayong sayo na ang space mo!" Galit na sinabi ni Andrei sa kanyang sarili at pagkatapos ay inalis ang malaking picture nila ni Anna mula sa pagkakasabit nito sa dingding.
Mabilis naman din kumilos si Andrei. Naligo. Nagbihis at dumiretso na sa kusina....
Sa kusina ay nakita naman niya ang kanyang Yaya na kanina pa nag hihintay sa kanya para sabayan itong kumain.
"Andrei! Bakit naligo ka na kaagad? Eh wala pang laman ang Tiyan mo!" Gulat na gulat si Yaya Teresa.
Napabuntong hininga ulit si Andrei. "Hindi ba Yaya ikaw itong pinag mamadali akong kumilos?"
"Pilosopo kang bata ka! Oh sya, umupo ka na dito sa tabi ko nang makakain na tayo."
"Wala po akong ganang kumain Yaya." Sagot ni Andrei habang papalabas na ng kusina.
"Andrei! Huwag matigas ang ulo! Halika na!"
"Wala po akong gana."
"Umupo ka na sabi!"
"Bye Yaya!"
"Andreiiii!" Napatayo si Yaya Teresa at sinundan papalabas ng bahay si Andrei.
Dumiretso si Andrei sa kanyang kotse at pinaandar na ang makina.
"Oh eto Andrei, bauinin mo na lang ang pagkain na ito. Kainin mo na lang ito sa School" Iniabot ni Yaya Teresa ang lunch box kay Andrei.
kinuha naman ito ni Andrei at ipinasok sa kotse.
"Maraming salamat Yaya." Sagot ni Andrei at pagkatapos ay pumasok na rin ng sasakyan.
"May problema na naman ba Andrei?" Seryosong tanong ni Yaya Teresa.
Napatulala si Andrei. Hindi sya sumagot at isinara na lang pintuan ng sasakyan.
Wala na rin nagawa si Yaya Teressa kaya hinayaan na lang niya si Andrei. Agad niyang binuksan ang malaking gate para makalabas ang sasakyan.
Ibinaba ni Andrei ang automatic window ng sasakyan. Isinuot muna nito ang mamahalin niyang shades at tumingin sa Yaya.
"Yaya. Panget ba ko?" Seryosong tanong ni Andrei.
Napangiti naman si Yaya Teresa. "Sinasabi ko na nga ba eh. May problema ka Anak. Nag away ba kayo ni Anna?"
"Kailangan niya daw po ng space. Sa halos araw araw namin na pagkikita, nag sasawa na raw siya. Iniisip ko tuloy kung panget ba ko at nagsasawa na siya sa kagwapuhan ko. I don't know. May iba na ba siya? Nagiging boring na ba ko para sa kanya.."
"Anak, kung iyon ang gusto ng girlfriend mo eh pagbigyan mo muna siya."
"Pero Yaya, I don't know if I can handle this lalo na eh mag schoolmates kami!"
"Kung kayo talaga ang para sa isat isa, kahit isang buong mundo pa ang pagitan ng space na hinihinga niya, babalik at babalik siya sa'yo."
Hindi na sumagot si Andrei sa Yaya niya. Tinignan niya lang si Yaya Teresa at ngumiti.
Tumingin si Yaya Teresa sa suot niyang relo. "8:00 am na. Oh sya Anak, umalis ka na at baka ma late ka pa sa unang araw ng pasok nyo. Fighting!"
"Ano Yaya? Fighting?" Nabigla si Andrei sa sinabi ni Yaya Teresa.
"Oo! Fighting! Yan kasi ang madalas sabihin sa mga korean series na napapanood ko sa gabi gabi pag gusto nilang palakasing ang loob ng isang tao. Fighting!"
Lalong napangiti si Andrei. "Opo Yaya, Fighting!"
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...