BIRTHDAY WISH

1.6K 48 8
                                    

CHAPTER 39

   Isang linggo na ang lumipas nang namatay si Ashley dahil sa sakit sa puso. Madami ang humapis at nalungkot sa balita.
   Biglaang umuwi ang kanyang mga magulang mula sa abroad.
   Marami ang mga nakiramay, kasama na rin ang karamihan sa mga istudyanteng nag aaral sa Crimson School, mga staffs sa Crimson Hotel at Crimson Resort.
   Kasama sina Mrs.Diosmia, Marco, Anna, Senji at Fatima. Sina Andrei, Catherine, Troy at Ayna.
   Si Pong naman ay halos tumira na sa tabi ng yumaong si Ashley. Kahit naging mahirap ang pagkawala ng kanyang minamahal na babae, wala na siyang ibang nagawa kundi ang tanggapin na lang ang lahat.
   Nag pasya si Pong na huminto sa pag aaral sa Crimso School, dahil si Ashley naman ang dahilan kaya nag enrolled pa siya para sa third semester. Ipagpapatuloy na lang niya ang kanyang trabaho bilang isa sa mga pinakamagaling na detective sa bansa.

...

   Halos isang oras na pinagmamasdan ni Catherine ang larawan ng kanyang Ama na si Tenjo sa screen ng desktop na pag mamay ari pa ni Andrei.
   Nasa sala siya ng bahay, nakasuot na rin ng uniform.
   "Good Morning Mahal na Prinsesa." Boses ni Jeho mula sa kanyang likuran.
   "Good Morning Mahal na Prinsipe." Nakangiting bati naman ni Catherine.
   Lumapit sa kanya si Andrei. "Anong tinitignan mo mo? Kanina mo pa yata pinagmamasdan iyan ha?"
   "Ah. Ito oh! Siya si Tenjo Asaga. Siya ang Papa ko."
   Tinignan ni Andrei ang larawan ni Tenjo. Napaisip siya. Naalala niya kasi na nakita na niya ito ng isang beses bilang Guardian Angel ni Catherine. Pero alam naman niyang hindi naman iyon naalala ni Catherine. "Ganun ba? Kamukhang kamukha mo siya ha?"
   "Yup. Ganun din ang sabi ni Mama at tsaka ng mga kaibigan nila. Kamukha ko daw si Papa, lalong lalo na daw sa mga mata."
   Nag pasya si Andrei na huwag na lang munang sabihin kay Catherine na nakita na niya si Tenjo bilang Guardian Angel nito. Baka lalo pa kasing maguluhan si Catherine sa sitwayon.
   "Ahh. Catherine, bukas na pala ang birthday mo. Anong plano mo?"
   "Hmm.. magkikita kami ni Mama mamayang hapon. Mamaya na kasi ang flight niya. So, mga alas tres ng hapon siya makakarating dito sa Pinas."
   "Saan naman kayo magkikita?"
   "Magkita daw kami sa Acacia Hotel." Nakapag booked na rin si Catherine ng room sa Acacia Hotel sa tulong ni Andrei. Hindi naman kasi alam ni Luisa na kasalukuyang nakatira si Catherine sa bahay ni Andrei.
   "Nakapag booked ka na ba?"
   "Yup. Room 909." Tumayo si Catherine. "Kumain ka na ba Mahal na Prinsipe? Nakapag luto na ako ng breakfast ha?"
   "Yup. Ikaw? Kumain ka na ba?"
   "Ako pa ba?" Nakangiting sagot ni Catherine.
   Biglang dumating si Jeho at lumapit sa kanilang dalawa. "Catherine, ihahatid na kita sa school niyo? Baka ma late ka na." Si Jeho na ang naghahatid sundo kay Catherine mula sa Crimson School.
   "Sige, Jeho. Andrei, magkita na lang tayo sa school mamaya?"
   "Sige. See you later." Nakangiting sagot ni Andrei.

...

   "Anong pinaplano mo para bukas?" Tanong ni Jeho habang minamaneho ang kanyang sasakyan.
   Si Catherine naman ang nakaupo sa passenger's seat. "Ahmm.. I'll spend my day with my Beautiful Mother. Uuwi siya dito mamayang hapon. Sa Acacia Hotel kami mag kikita at matutulog."
   "Ganun ba? So.. hindi pala kita makakasama sa araw ng birthday mo." Naging malungkot ang mukha ni Jeho.
   "Hmm.. Pasensya na Jeho. Don't worry. After ng birthday ko, ipagluluto ko kayo ni Andrei ng masarap na masar.."
   "Bakit ba kailangan na laging kasama si Andrei?" Singit ni Jeho.
   Napatingin si Catherine sa mga nata ni Jeho. "Jeho.. kapatid mo si Andrei."
   "So what? Kapatid ko siya kaya huwag niyang subukan na kuhain ka niya sa akin."
   "Jeho, walang nag mamay ari sa akin. May sarili akong buhay."
   "Pero Cath.."
   "..at tsaka hindi ba't nakapag usap na tayo about that?"
   "Okay. Okay sige. Susunduin na lang kita mamayang gabi at ihahatid kita sa Acacia Hotel. Gusto ko din kasi makita ang Mama mo."
   Napaisip si Catherine. Gusto niya sanang si Andrei ang maghatid at mag sundo sa kanya sa Acacia Hotel. "Pero Jeho, kasi.. you don't need to do that."
   "But I want too. Please Catherine?"
   Biglang tumunog ang cellphone ni Catherine. Dali niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa kanyang hermes bag at agad na sinagot ang tawag ni Luisa mula pa sa Malaysia.
   "Hello Ma?"
   "Catherine, anong hotel nga pala ulit iyon?"
   "Acacia Hotel. Room 909. Okay? Anong oras ka makakarating dito Ma?"
   "Mga Alas Tres siguro. Didiretso na ako sa Hotel. Doon na lang tayo mag kita, okay?"
   "Okay Dokey Mother Earth. Room 909. Go sago ka na agad sa room."
   "Oo nga pala, yung tungkol kay Ashley. Anong nangyari sa kanya? Bakit biglaan naman yata ang kanyang sakit?"
   "Mamaya na lang natin pag usapan Ma. Okay lang ba? Baka kasi mabitin ka lang dahil malapit na ako sa School."
   "Alright. One last thing nga pala. May regalo pala ako sa'yo mamaya."
   Napangiti si Catherine. "Ano na naman iyan Ma?"
   "Basta. Mamaya mo na lang makikita. Okay? Pinag ipunan ko pa iyon ha? Kaya huwag kang choosy."
   "Oo na. Mag kita na tayo mamaya Ma. Malapit na ako sa School."
   "Okay. See you later anak."
   "See you later." Sagot ni Catherine at pagkatapos ay siya na ang nag baba ng linya.
   Ipinark ni Jeho ang kanyang sasakyan sa tapat mismo ng Crimson School. "Catherine, yung tanong ko pala. Pwede ba na ako ang mag sund.."
   "OMG! My super G! Nandito na agad tayo sa School? Anong oras na ba?" Dagdag ni Catherine upang hindi na makapag tanong si Jeho.
   "Alas Ocho na."
   "Alright. Malalate na pala ako. Mag kita na lang tayo tomorrow sa bahay niyo okay? Bye Jeho."
   "Pero Catherine.."
   Hindi na nagawang mag tanong pa ni Jeho dahil dali daling bumaba si Catherine mula sa loob ng kanyang sasakyan.
   Napa buntong hininga na lang si Jeho. Pakiramdam niya ay umiiwas na sa kanya si Catherine. Nakakaramdam din siya ng pag kaselos sa kapatid niyang si Andrei.
   Kinuha ni Jeho ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at pagkatapos ay may tinawagan.
   "Hello?" Boses ng isang lalake mula sa kabilang linya.
   "Hello. Si Jeho ito."
   "Oh Sir Jeho. Napatawag ka?"
   "Nagtatrabaho pa ba kayo?"
   "Oo naman! Hindi naman kami pwedeng tumigil sa hanap buhay namin na ito dahil iyon lang ang ikinabubuhay namin. May mga pamilya din kami na dapat ding buhayin. Kapit sa patalim ba?"
   Napangiti si Jeho. Pero nanlilisik ang mga mata nito. "May ipapagawa ako sa inyo mamaya."
   "Sure! Ano iyon at magkano ba?"

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon