GHOST GIRLFRIEND

3K 65 5
                                    

CHAPTER 5

   "Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig no? Para tuloy, gusto kong maramdaman ang love na iyan kahit patay na ko. Bago man lang ako pumunta ng heaven knows or hell hell yow." Sinabi ni Catherine.
  "Pwede pa naman ha?" Sagot ni Tenjo.
  Kumunot ang noo ni Catherine. "Anong ibig mong sabihin Tenjo? Anong pwede pa? Eh patay na nga ko diba? Paano ako mag kaka boyfriend niyan kung deadball na talaga ako?"
   "Eh hindi ba nag ka boyfriend ka kahapon? Si.. si Andrei?"
   Biglang napa isip si Catherine sa sinabi ni Tenjo sa kanya. "Parehas namin hindi alam na isa na pala akong multo. Kung alam lang niya baka nahimatay na iyun sa sobrang takot."
   "Ikaw. Bahala ka. Ikaw din. Iiwanan mo itong mundong ito na hindi mo man lang naramdaman ang tunay na pag ibig." Pang aasar ni Tenjo.
   "Anong hindi ko naramdaman? Yung kay Marco. Nag mahalan din kami kahit papaano."
   "Matagal ka nang niloloko ni Marco."
   "Paano mo naman nasabi yan Tenjo?"
   "Ako na ang Guardian Angel mo mula nang pinanganak ka. Alam ko ang mga sikreto mo, kilala ko ang mga kaibigan mo. Syempre, alam ko din kung anong pag uugali ang meron yung Ex Boyfriend mo na iyon."
   "Ka.. kahit pa! Naramdaman ko din naman ang pag mamahal sakin ng mga magulang ko! Sapat na iyon."
   Tumayo si Tenjo. "Catherine. Hindi mo ba talaga gustong malaman kung bakit at paano ka namatay?"
   Tumayo rin si Catherine. "Gusto. Eh paano ko naman malalaman iyon kung isa na akong multo? Paano ako mag iimbistiga?"
   "Bakit hindi mo gamitin ang mga taong nakakakita sayo? Like.. Andrei?"
   Nag crossed arms si Catherine. Tahimik na nag isip bago ulit nag salita. "Pwes! Dalhin mo ako ngayon kay Andrei."

...

   Dumiretso si Andrei sa CR ng kwarto niya. Nag hilamos, nag toothbrush at nagpalit ng damit pang tulog.
   Pag kalabas ng CR niya ay agad siyang humiga sa kama.
   "Haaaayyy!!! Naka higa din!" Sigaw ni Andrei at humiga ng patagilid.
   Maya maya pa ay naramdaman ni Andrei na para bang lumalamig ang buong kwarto niya. Nag taka siya dahil hindi pa niya binubuksan ang aircon niya, naka patay din ang electric fan at naka sara din ang mga bintana.
   Bumilis ang tibok ng puso niya at nakaramdam din siya ng konting takot.
   Hindi na lang niya ito pinansin at mula sa kaliwa, tumagilid at humarap naman siya sa kanan.
   Naramdaman niya na para bang may tumabi sa kanya dahil sa tunog ng kama.
   Unti unti niyang minulat ang mga mata niya.
   Nagulat siya nang nakita niya si Catherine na naka harap at nakatabi sa kanya. Nakangiti ito at maputlang maputla ang kulay.
   "Hi Baby! Na miss mo ba ako?" Tanong ni Catherine.
   Napa sigaw ng malakas na malakas na malakas na malakas si Andrei.

 "Aaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhrrrrrrggghhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

   Sa sobrang takot ni Andrei ay nalaglag siya mula sa hinihigaan niyang kama. Sinubukan niyang tumakbo para buksan ang pintuan ng kwarto niya pero dahil sa pagmamadali ay nadapa naman siya.
   "Aaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!" Patuloy siyang sumisigaw.
   Si Catherine naman ay naka upo lang sa kama, nakangiti habang pinag mamasdan kung paanong takot na takot sa kanya si Andrei.
   "Hoy Andrei! Bakit ganyan ka? Para ka naman nakakita ng multo?" Tanong ni Catherine. "..ay. Multo na nga pala ako."
   Lalong nanlalaki ang mga mata ni Andrei nang nakitang kinakausap na siya ni Catherine.
   "Waaaaaahhhhhhhh!!!!!!!" Napa pikit siya at lumuhod. "Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya! Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo!! Bukod kang pinagpala sa ba."
   "Hoy Andrei! Hindi naman ako masamang multo at lalong hindi ako dimonyo! Ang hard mo naman sakin. You're hurting my feelings. You know?" Biro ni Catherine.
   Si Andrei ay patuloy na nag dadasal.
   Bigla naman nag bukas ang pintuan ng kwarto ni Andrei at pumasok si Yaya Teresa.
   "Jusko Andrei! Anong nangyari?" Gulat na gulat si Teresa na lumapit sa alaga.
   "Yaya!!!! May multo!! May multo!!" Takot na takot si Andrei at tinuro ang kama. Pero biglang nawala si Catherine na parang bula.
   "Anong multo ang pinag sasabi mo? At bakit ka naniniwala sa mga Multo? Oy Andrei, bakit ba napaka weird mo lately ha? Hindi ka naman ganyan dati! Sagutin mo nga ako ng maayos, nag da drugs ka ba?"
   Tumayo si Andrei mula sa pag kaka upo at tumingin tingin sa buong kwarto. "Yaya! Totoo ang sinasabi ko. May.. may multo sa loob ng kwarto ko na ito."
   "Tumigil ka Andrei. Dahil lang iyan sa sobrang kalasingan mo! Ay siya! Matutulog na ako."
   Hinawakan ni Andrei ang kamay ng yaya niya. "Yaya. Don't leave me alone here. Please?"
   "Hay naku! Bahala ka! Madami pa akong gagawin bukas!" Hindi na napigilan ni Andrei ang yaya niya na umalis ng kwarto niya.
   Wala naman din sa buong kwarto niya si Catherine kaya inisip na lang niya na guni guni lang niya iyon o kaya naman dahil sa sobrang kalasingan.
   Napa buntong hininga na lang siya at dahan dahan lumapit sa kama niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Natatakot pa rin siya.
   "Ako ba ang hinahanap mo Baby?" Boses ni Catherine mula sa likuran ni Andrei.
   "Aaaaaahhhhhhhhhhhh!" Sigaw ulit ni Andrei. Hindi niya nilingon si Catherine at parang palaka siya na lumundag sa kama. Nag talukbong ng kumot at unan naman sa mukha.
   "Andrei naman. Bakit ka naman natatakot sakin? Hindi ba? Girlfriend mo na ako?"
   "Mama!!!!! Mamaaaaa!!!!" Parang bata si Andrei na sumisigaw. "Hindi ka totoo! Patay ka na! Layuan mo ako!!!! Waaaahhhh!"
   "Ayy grabe talaga siya! Hoy! Nung una kitang nakilala ang cool mo ha? Ngayon para kang bata diyan! Parang multo lang takot na takot ka!"
   "Lumayo ka sakin! Lumayo ka!!!!"
   "Ayoko nga! Gusto kong lumapit eh! Hmm.. Nandiyan na ako..." Tinakot lalo ni Catherine si Andrei.
   Lalo naman natakot si Andrei. Naririnig niya ang bawat yapak ng mga paa ni Catherine. Nararamdaman niyang palapit na ito ng palapit.
   Hinawakan ni Catherine ang paa ni Andrei. Ramdam na ramdam iyon ni Andrei kaya agad siyang tumayo at mabilis na tumakbo para kunin ang maliit na Rosario na nakalagay sa ibabaw ng Cabinet.
   Itinapat niya ito kay Catherine. "Sige! Lumapit ka pa! Eto ang sayo!"
   Ngumiti si Catherine. "You're hurting my feelings! Ganyan ka ba mag trato sa girlfriend mo?"
   "Hindi ikaw ang Girlfriend ko! Wala akong girlfriend na multo!!"
   "Akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Meron!"
   "Waaaahhh! Tumahimik ka! Catherine. Layuan mo ako! Layuan mo ako! Mamaaaaaaaaaa!"
    Naging malunkot ang mukha ni Catherine. Tumahimik na lang siya at umupo sa kama. "It isn't fair. Ang sabi mo, gagantihan natin ang mga exs natin. Kay Anna pa lang tayo gumaganti, hindi pa tayo nakakaganti kay Marco."
   "Sasa... sasabihin ko na lang kay Marco na.. na girlfriend kita." Nanginginig na boses ni Andrei.
   "Tayong dalawa ang magsasabi sa kanya Andrei!"
   "Hindi.. ako na lang! Pwede? Para.. para matahimik na ang kaluluwa mo! Para.. para makaganti na tayong dalawa. Please! Catherine Diyos ko huwag ka nang magpapakita Mamaaaaaaa waaaaahhhh!"
   Wala nang nagawa si Catherine. Muli ulit siyang tumayo. "Andrei. I'll see you tomorrow. Okay?"
   "Catherine. Please! Rest in peace."
   "Rest in peace mo mukha mo. Hindi pa tayo tapos! Babalik pa ako dito! At babantayan kita. Maswerte ka dahil may beautiful ghost ang magbabantay sayo! Babayyyu!" Paalam ni Catherine at mabilis na tumakbo sa pader.
   Kitang kita ni Andrei kung paano lumusot si Catherine sa pader.
   "Tototoo.. totoo ba yung.. yung nakita ko? Sii.. si Catherine.. si.." Bigla siyang nahilo, tumumba at nawalan ng malay.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon