OPEN ARMS

2.1K 57 16
                                    

CHAPTER 27

****************
September 26, 2016.
11:00 pm

   "Gulay na naman ang ulam natin?" Nakasimangot ang mukha ni Natasha nang makita ang pagkain sa ibabaw ng lamesa.
   "Oh eh anong problema sa gulay? Tama iyan. Kumain ka ng gulay. Tignan mo nga katawan mo! Napaka payat mo. Paano kita isasali sa Binibining Pilipinas niyan?" Sagot naman ni lola niya na si Liwayway.
   "Tss.. Lola. Malabong makasali ako sa Binibing Pilipinas. Lahat ng mga kandidata doon ay puro taga Maynila."
   Nakatira sila sa pinaka liblib at pinaka dulong lugar ng Quezon Province. Tanging sila lang ang nakatira doon. Maliit na kubo lang ang bahay nila, walang kuryente kaya ang naka sinding kandila lang ang tanging nagbibigay liwanag sa kanilang munting kubo.
   "Naku! Bahala ka sa buhay mo! Kumain ka o sa hindi basta ako kakain na!"
   Naging seryoso ang mukha ni Natasha. "Lola. Hindi mo ba talaga ako papayagan na pumunta sa Maynila?"
   "Hinde! Dito ka lang sa tabi ko!"
   "Lola naman. Wala ka bang magandang pangarap para sa akin? Alam niyo ba.. pag pumunta ako ng Maynila ay aasenso na ang buh.."
   "Nananaginip ka na naman ng gising Natasha! Tandaan mo ito ha? Pinanganak tayong mahirap. Mamamatay din tayong mahirap!"
   "Iba ang pananaw ko Lola. Pinanganak akong mahirap.. kaya gagawin ko ang lahat para tuparin ang mga pangarap mo sa buhay!"
   "Imposible nang mangyari ang pangarap mo dahil hindi ka naman nakapag aral! Hindi ka nga marunong mag salita ng ingles!"
   "Bakit? Sukatan ba ang pagsasalita ng ingles para lang tuparin mo ang mga pangarap ko?"
   "Bahala ka! Sige! Pumunta ka sa Maynila mag isa. Malaki ka na. Alam mo na kung ano ang tama at mali."
   "Lola naman. Babalik naman ako dito eh."
   "Ganyan din ang sinabi sakin ng Ina mo. Sabi niya, babalik siya. Eh halos dito ka na lumaki sa mansyon ko pero hindi pa rin bumabalik ang nanay mo!"
   "Mansion?" Tumingin tingin si Natasha sa buong paligid ng kanilang kubo. "Ito na ang mansion mo? Lola.. alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mansion? Ha?"
   Hindi na sumagot si Liwayway. Nag simula na itong kumain.
   "Lola talaga.. haaayy." Wala nang nagawa si Natasha kundi kumain na lang din.
   Pangarap ni Natasha na makapunta sa Maynila para doon makahanap ng magandang trabaho at matulungan ang kanyang Lola. Pero hindi naman siya pinapayagan na umalis ni Liwayway dahil natatakot ito na hindi na bumalik ang apo niya tulad ng ginawa ng kanyang anak na babae.

...

September 27, 2016.
2:30am

   Idinala nina Marco at Senji si Catherine sa Crimson Hotel. Sa basement nila muna ipinark ang sasakyan. Si Senji na ang nakipag usap sa Information habang si Marco naman ay naghihintay sa kanya sa loob ng kotse.
   Lumabas muna si Marco ng kanyang sasakyan. Nag stretch ng katawan. Nag sindi ng yosi.
   Napansin ni Marco na para bang may nagmamasid sa kanya. Pinatay ang nakasinding yosi. Tumingin tingin ito sa paligid.
   Napansin niya rin ang mga cctv cameras sa buong paligid ng basement. "Tsss!"
   Maya maya din ay bumalik din si Senji. Sabay silang pumasok ng sasakyan para walang ibang tao ang makakita sa kanila.
   "Marco. Room 902 tayo. Two bed rooms na ang kinuha ko.. I.D lang ni Catherine ang pinakita ko." Sinabi si Senji sa kaibigan.
   "Good. Nang hingi pa ba sila ng I.D mo?"
   "Oo pero ang sabi ko ay wala akong dalang ID. Binigyan ko na lang ng tip yung babae kaya pumayag na ID na lang ni Catherine ang gagamitin."
   "Nice. Nice. Sige. Dalhin na natin si Catherine sa room 902. Sa elevator na tayo dumaan para walang ibang makakita sa atin." Sagot ni Marco.
   Mula sa basement parking ay sa elevator sila dumaan patungo sa 9th Floor ng hotel.
   Si Marco ang nag buhat kay Catherine at si Senji naman ang nagdadala ng mga gamit nito.
   Walang kaalam alam ang dalawa na kanina pa sila pinagmamasdan at binabantayan nina Marcos at Rica mula sa kabilang sasakyan. Nasa loob lang ng tinted na kotse ang mga ito.
   "Sakto pala eh! Mukhang lasing na lasing si Catherine. Magiging madali na para sa atin pilitin siya para mapirmahan ang papel na ito." Nakangiting sinabi ni Rica kay Marcos.
   Ang papel na hawak ni Rica ay ang kasulatan kung saan papayag si Catherine na wala siyang tatanggapin na yaman mula kay Marcos.
   "Rica. Huwag na huwag mong sasaktan si Catherine. Naiintindihan mo ba? Hindi natin siya pwedeng saktan dahil ako ang mayayari nito kay Luisa."
   "Eh bakit kasi hindi ka na lang makipag hiwalay kay Luisa?"
   "Gago ka ba? Asawa ko si Luisa. Kabit lang kita."
   "Pero sino ang mahal mo?"
   "Mahal kita pero mas mahal ko ang asawa ko."
   "Pero wala kayong anak!"
   "Si Catherine na ang tinuturing naming anak simula pa nung una."
   Nag buntong hininga si Rica. "Sige. Sabi mo eh! Mas mahal mo si Luisa.. pero sakin mo ibibigay ang mga ari arian mo."
   "Yaman ko lang naman ang gusto mo diba? Hindi mo rin naman ako mahal." Malunkot na sagot ni Marcos.
   Niyakap ni Rica si Marcos para lambingin ito. "Mahal kita. Sobrang mahal kita. Ito na nga oh! Nagpaparaya na ako.. kahit alam kong pangalawa lang ako sa buhay mo.. pumapayag pa rin ako. Kasi nga.. mahal kita."
   "Talaga?"
   "Oo naman. Mahal kita Marcos. Kaya nga nag titiis ako maging kabit mo lang dahil ganun kita ka mahal."
   "Mahal na mahal din kita. Rica." Seryosong sagot ni Marcos.
   "...hnmm basta. Sakin mo ibibigay ang mana mo. Ang mga ari arian mo at ang kumpanya."
  "Tsss.. bakit ba nagmamadali ka sa mana na matatanggap mo? Mamamatay na ba ako?"
   "Huwag naman. Hindi ka pwedeng mamatay Marcos. Ikaw naman ehh.. naniniguro lang. Hindi natin alam.. paano kung may mangyaring hindi maganda sayo? Diba? Atleast.. yung mga ipapamana mo sa akin ay magiging ala ala mo para makapag patuloy ako sa buhay." Malambing na sagot ni Rica.
   "Tss.. ikaw talaga! Iyan ang lamang mo kay Luisa. Mas madali mo akong nabobola at mas malambing ka sa kanya." Hinawakan pa ni Marcos ang mga pisngi ni Rica.
   Biglang tumunog ang cellphone ni Rica. Kinuha niya ito sa dala niyang bag. "Nag text na yung kinausap kong receptionist. Sa room 902 daw nila chinecked in si Catherine."
   "Oh tara. Bumaba na tayo para masimulan na natin ang mga plano." Sagot naman ni Marcos.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon