CHAPTER 42
Tumingin tingin sa buong paligid si Ayna para hanapin kung saan nag punta si Rica. Kahit na natatakot, may lakas ng loob pa rin siyang sundan si Rica.
Madilim na madalim na sa labas at hating gabi na. Tumingin si Ayna sa suot niyang relo.
"Alas onse na pala ng gabi. Pero bakit wala pa rin si Catherine? Bumalik na lang kaya ako bukas?" Tanong ni Ayna sa sarili.
Muling tumingin sa kanyang paligid. Nagbabakasakaling makita niyang muli si Rica. Wala ng katao tao sa labas, parang siya na lang ang nasa daan.
Napa iling ng ulo si Ayna, hindi niya rin naman alam kung bakit niya sinundan si Rica. Ang tanging alam niya, iyon ang sumagasa kay Catherine. Iyon din ang nagtago sa katawan ni Catherine sa Quezon Province kasama ni Marcos.
Naaalala niya rin na nakita na niya ito ng isang beses ng pumunta silang dalawa ni Troy sa dulo ng Quezon Province.
Alam niyang masamang tao ito at kasalukuyang pinaghahanap na ng mga pulis.
"Tama. Kay Pong ko na lang sasabihin." Bulong ni Ayna sa kanyang sarili.
"Ako ba ang hinahanap mo?" Boses ni Rica mula sa kanyang likuran.
Nanlaki ang mga mata ni Ayna sa sobrang takot. Napalunok pa ito ng laway. Kinabahan at ang bilis bilis ng tibok ng kanyang puso. Sobra siyang natakot nang marinig ang boses ni Rica.
Dahan dahan na lumingon si Ayna sa kanyang likuran.
Naroon nga si Rica. Nakangiti na para bang dimonyo. Nakatingin ito sa kanya habang naka crossed arms. "You are Ayna. Am I right? It's so nice meeting you again."
Unti unting napaatras si Ayna. "I.. ikaw si Rica?"
"Tama ka. Ako nga si Rica. Talagang sinundan mo pa ako ha? Bakit? May kailangan ka ba? Ayna Lopez?"
"Hindi kita sinundan. Ba.. bakit naman kita susundan?"
Nakangiting lumapit si Rica kay Ayna. "Oo nga naman. Bakit mo nga ba ako susundan? Maybe you're curious kung bakit at ano ang ginagawa ko dito? O hindi naman kaya.. mag susumbong ka sa mga pulis na nandito ako? O kaya naman kay Pong?"
"Hindi no! Bakit ko naman gagawin iyon? Kung ano man ang mga problema niyo sa isa't isa, labas na ako doon. I am here para lang makiramay sa pagkamatay ng mama ni Catherine!"
"Alam mo ba kung nasaan si Catherine?"
"Hindi nga eh. Nandito din ako para hintayin siya pero hindi naman siya dumating."
"Talaga? O tinatago niyo si Catherine?"
"Hindi ko alam ang mga pinag sinasabi mo Miss Rica."
Nag labas ng baril si Rica at pagkatapos ay tinutok niya iyon kay Ayna.
Lalong natakot si Ayna. Hindi alam ang kanyang gagawin.
"Alam kong alam mo kung nasaan si Catherine ngayon. Umamin ka, sabihin mo sa akin ang totoo. Nasaan si Catherine?"
"Man.. maniwala ka sa akin. Hindi ko po talaga alam kung.. kung.. kung nasaan si Catherine!"
"Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin? Ha?" Ikinasa ni Rica ang baril.
Sa sobrang takot, dali daling napa takbo na si Ayna papalayo.
Takot na takot siya. Iyon ang unang beses ba naramdaman niya ang sobrang takot na iyon. Nanginginig ang kanyang mga tuhod na tumatakbo. Hindi niya napansin ang isang lalakeng mababangga niya sa daan.
"Ayna?" Lumapit ang lalake sa kanya.
Napatingin si Ayna sa mukha ng lalakeng iyon. "Troy?"
"Bakit ka tumatakbo? May problema ba ha?" Nag aalalang tanong ni Troy.
"Si.. Si Rica!" Lumingon si Ayna sa kanyang likuran para ituro ang kinaroroonan ni Rica.
Pero wala na ito sa kanyang likuran.
"Si Rica? Nandito si Rica?" Tanong ni Troy.
"Oo Troy! Nandito si Rica! Nandito lang si Rica sa.. sa.. sa paligid. Hina.. hinahanap niya.. sa akin si Catherine. Hindi ko.. hinn."
"Ayna, huminahon ka muna."
"Hindi ko alam kung nasaan si Catherine eh. Ayaw niyang maniwala sa.. sa akin. Kaya babarilin niya ako! Papatayin niya ako Troy!" Nag simulang lumuha si Ayna.
Niyakap ni Troy si Ayna. "Walang mangyayaring masama sa'yo. Okay? Nandito na ako."
"Troy.. natatakot ako.. papatayin ako ni Rica.. papatayin niya ako.."
"Shhh.. walang mangyayaring masama sa'yo hanggat kasama mo ako, okay?" Mahinahon na sagot ni Troy habang yakap yakap si Ayna.
Pinilit na huminahon ni Ayna.
Akala niya ay iyon na ang kanyang mga huling oras.
...akala niya ay mamamatay na siya.
...akala niya ay katapusan na niya.
Sa totoo lang ay naging malaking tulong si Troy para pakalmahin siya. Habang yakap yakap siya nito, bigla niyang naramdaman na ligtas siya sa mga yakap sa kanya ni Troy.
"...walang kahit sino man ang pwedeng manakit sa'yo habang mag kasama tayo. Tandaan mo iyan. Ayna." Dagdag pa ni Troy.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...