A HAPPY ENDING

2.2K 63 18
                                    

CHAPTER 29

   "Maraming salamat Troy." Nakangiting sinabi ni Liwayway.
   "Nope. Ako po ang dapat na mag pasalamat sa inyo. Tama po ang hinala ko na mabait po kayong tao."
  Sinuot ni Liwayway ang kanyang malaking bagpack. Nasa loob nito ang kanyang mga damit at iba pang gamit. "Tapos na akong mag impake. Tara na Troy. Medyo malayo layo pa ang lalakarin natin bago tayo makarating sa bayan. Hindi naman natin magagamit ang sasakyan mo dahil sira naman ang beterya 'non."
   Tumingin si Troy sa suot niyang relo. "Ala siete na po ng gabi. Mga anong oras po kaya tayo makakarating sa bayan?"
   "Hmm.. siguro ay bago mag... mag.. alas.. alass.. alas on.. se." Utal utal na sagot ni Liwayway.
   Ipapasan na sana ni Troy sa kanyang likod si Catherine nang may napansin siyang kakaiba kay Liwayway.
   Agad niya itong nilapitan. "Lola. Ano pong nangyayari sa inyo? Lolaa?"
   Biglang bumagsak sa sahig si Liwayway. Nangingisay ito at bumubula ang bibig.
   "Lolaaaa! Lolaaaa! Anong nangyayari? Lola!! Lolaaa!" Nag aalalang tanong ni Troy.
   Napatingin si Troy sa isang bote ng juice na ininom ni Liwayway kanina. Napaisip si Troy. Maaring nilagyan ng lason ni Rica ang juice na binigay niya kay Liwayway.
   "HINDEEE! HINDEEEEEEE! HINDEEEEEEEE!" Sigaw ni Troy. Maluha luha ang kanyang mga mata. "LOLAAA! LOLA LUMABAN KA! PAKIUSAP! LOLA.. LOLA LIWAYWAY NAGMAMAKAAWA AKO! HINDI KA PWEDENG MAMATAY! HINDI KA PWEDENG MAMATAY! HINDDEE!!"
   Tuluyan nang nawalan ng hininga si Liwayway. Namatay itong nakadilat ang mga mata.
   Tuluyan na rin bumagsak ang mga luha sa mga mata ni Troy. "HINDDDEEEEEEEE! GUMISING KA. LOLA. GUMISING KA! NAGMAMAKAWA AKO SAYO! NAGMAMAKAAWA AKO! GUMISING KAAAAA!"
   "Wowww! It is so dramatic. Mahusaayyy!" Boses ni Rica.
   Nilingon ni Troy si Rica. Nasa labas ito ng pintuan ng kubo. Nakangiti na para bang nang aasar pa.
   Nanlisik ang mga mata ni Troy. "MAGBABAYAD KANG HAYOP KA! MAGBABAYAD KAAAA!" Galit na galit si Troy. Dahan dahan itong lumalapit kay Rica.
   Naglabas ng baril si Rica at tinutok ito kay Troy. "Huwag mong subukan lumapit sa akin kung ayaw mong iputok ko itong baril sayo."
   Pero parang walang naririnig si Troy. Nandidilim na ang kanyang paningin sa sobrang galit. Patuloy ito sa paglakad papalapit kay Rica.
   "Huwag kang lalapit sa akin! Isa.. dalawa.." Nakatutok pa rin ang hawak niyang baril kay Troy.
   "Magbabayad ka.. magbabayad ka.. magbabayad ka.." Paulit ulit na sinasabi ni Troy habang papalapit na ito ng papalapit kay Rica.
   "Matigas ka ha?" Hindi na nagdalawang isip si Rica na iputok ang hawak niyang baril kay Troy.
   Hindi na nagawang lumapit ni Troy kay Rica. Natamaan siya ng putok ng baril sa kanyang kaliwang braso. Bumagsak si Troy sa sahig. Nagkalat ang kanyang dugo sa loob ng kubo.
   Dahan dahan naman lumapit si Rica kay Troy. "Ayan ang napapala ng mga taong pakielamero."
   "Napaka sama mo! Pati ang mga taong walang kinalaman ay dinamay mo! Hindi ka na naawa kay Lola!!"
   "Ilang beses ko bang dapat ulitin na isa akong mamamatay tao. Ngayon, alam mo na. Napatunayan ko na. Kaya ko talagang pumatay ng tao. Tignan mo si Tanda.. masyado kasing matigas ang ulo kaya.. pinatay ko na. Tsaka mukhang alam na niya na kami ang pumatay sa apo niya."
   Hindi na magawang tumayo ni Troy. Namimilipit din siya sa sakit dahil sa tama ng baril sa kanyang kaliwang braso. "Kayo.. kayo din ang pumatay sa apo niya?"
   "Tama ka! Isa pa kasi 'yon na pakielamera. She tried to save Catherine so nadamay tuloy siya. Ayun, katawan niya ang ginamit namin para ipalabas na patay na si Catherine. Gamit ang wax, nakopya namin ang mukha ni Catherine. Isn't amazing?"
   "Mga hayop kayo. Wala kayong kasing sama!"
   "Hindi lang iyon ang kaya kong gawin. Mas madami pa. Kaya kung ako sayo.. huwag mo na ulit susubukan na tumakas. Kundi, hindi lang ikaw ang mamamatay.. tutuluyan ko na rin itong si Catherine." Tinutok naman ni Rica ang kanyang baril sa natutulog na katawan ni Catherine.
   Nanlaki ang mga mata ni Troy. Lalo siyang kinabahan at natakot. "Ri.. Rica. Huwag mong papatayin si Catherine! Pakiusap! Pakiusapppp!"
   "Hahahahaha! Huwag kang mag alala. Hindi ko pa naman siya papatayin. Saka na, uunahin pa kita eh! Haaay.. I don't know why but I really enjoy killing people. Bakit ganun? Can you tell me?"
   Hindi sumagot si Troy. Nanlilisik lang ang mga mata nitong nakatingin kay Rica.
   "...nakapag tataka lang. Sagutin mo nga ako Troy, ano ang koneksyon mo kay Catherine. Bakit ganyan ka na halos itaya mo ang buhay mo para iligtas ang babaeng ito?"
   "Dahil kailangan niya ng tulong ko. Kahit ipaliwanag ko sayo.. hindi mo iyon maiintindihan dahil hindi mo alam ang salitang tulong dahil isa kang dimonyo!"
   "Huling beses ko ng sasabihin sayo ito. Huwag na huwag mo nang susubukang tumakas dahil pag ginawa mo iyon.. tutuluyan ko na talaga ang buhay niyong dalawa!"
   "Tsss.." Pailing iling na lang ang ulo ni Troy.
   Tumingin si Rica sa suot niyang relo. "Aalis na ako. May dapat pa akong puntahan. Sinira niyo ng matandang ito ang schedule ko! Tss.. may appointment pa ako na dapat puntahan. Oh sya! Bahala ka na sa matandang ito. Bahala ka na rin kay Catherine. Bahala ka na rin sa sarili mo, mag isip ka kung paano mo gagamutin ang sugat mo. Ayan ang napapala kasi ng mga pakielamero!"
   Hindi na sumagot si Troy. Hawak hawak niya ang kanyang sugat. Patuloy ito sa pagdurugo. Namumutla na rin si Troy.
   Napangiti na lang si Rica. Muling tinignan ang matanda, at pagkatapos ay si Catherine. Saka ito nag pasyang lumabas na ng kubo. Sinarado pa nito ang pintuan ng kubong iyon.
   Nanginginig ang buong katawan ni Troy. Sobra na itong nang hihina. Patuloy sa pagdurugo ang kanyang sugat. Patuloy na bumabagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.
   Pinilit ni Troy na tumayo. Pero hindi niya ito magawa. Kaya paluhod siyang lumapit sa pinto ng kubo para makatakas.
   Pero mukhang naka locked ang nakasarang pintuan. Hindi niya itong magawang buksan.
   Sinubukan niya rin na buksan ang bintana pero mukhang may padlocked din ito mula sa labas. "Tsss.."
   Muling tinignan si Catherine. Dahan dahan niya itong nilapitan. "Catherine. Patawarin mo ako. Pero hindi ako susuko na.. maitakas ka sa mga kamay nila. Huwag kang mag alala. Gagawin ko ang lahat."
   Kumuha si Troy ng isang damit mula sa bagpack ni Liwayway. Pumunit siya ng konting tela gamit ang mga ngipin at pagkatapos ay tinapal ito sa kanyang sugat para mabawasan ang pagduloy ng dugo nito.
   Dahan dahan siyang tumingin kay Liwayway. Dahan dahan niya itong nilapitan. Umiiyak. "Lo.. Lola.. pa.. patawarin mo ako. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko. Patawarin mo ako."
   Niyakap pa niya ang bangkay ng matanda. "Lola. Patawad po.. patawarin mo ako... huuu.. tss.. hindi ko na nagawang iligtas ka. Hindi ko na nagawang iligtas kayo ni Catherine sa kamay ni Ricaaaa... patawad Lola.. patawad po."
   Umiiyak na sinabi ni Troy sa matanda.
   Wala siyang kaalam alam na umiiyak at pinagmamasdan siya ng kaluluwa ni Liwayway. Kasama ang babaeng guardian angel nito. Nasa loob din ang mga ito sa kubo.
   "Dios ko! Kaawa awang bata. Kailangan nila ng tulong ko!" Sinabi ni Liwayway.
   "Tayong mga patay na ay hindi pwedeng tumulong sa mga buhay." Sagot ng kanyang guardian angel.
   Hindi sumagot si Liwayway. Patuloy ito sa pag iyak habang pinagmamasdan si Troy.
   "Liwayway. Wala na tayong oras dito sa lupa. Kailangan na natin umalis. Matagal ka nang hinihintay ng iyong apo sa langit."
   "Sa.. sa langit?"
   "Ganun na nga. May tatlong lugar lang naman na pwedeng puntahan ng mga multong katulad mo. Ang impyerno, ang purgatoryo at ang langit. Dahil sa kabutihan ng iyong puso at pati na rin pag tulong mo sa mga batang ito.. nag pasya ang langit na doon kita ihatid at para na rin makasama mo na ang iyong apo."
   "Na.. nasa langit na si Natasha? Ang apo ko?"
   Ngumiti ang kanyang guardian angel na ang ibig sabihin ay Oo.
   Muling tinignan ni Liwayway ang umiiyak na si Troy. Dahan dahan niya itong nilapitan at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito. "Troy. Aalis na ako at iiwanan ko na ang lupang ito. Kailangan mong mag pakalakas Troy. Kailangan mong magpakatibay. Kailangan mong mailigtas si Catherine."
   Napahinto si Troy sa pag iyak. Para bang naramdaman niya ang pagkakahawak ni Liwayway sa kanyang kamay. Para bang narinig niya ang mga sinasabi ni Liwayway sa kanya.
   "...Troy. Lumaban ka. Kaya mo iyan. At huwag mo sanang iisipin na kasalanan mo ang lahat ng ito. Walang ibang may kasalanan kundi ang mga masasamang taong iyon. Pero kahit ganun, masaya pa rin akong nakilala kita. Masaya ako na kahit saglit ay tinawag mo akong Lola. Na.. napakasarap pakingan ng mga salitang iyon. Maraming.. maraming salamat Troy dahil bago ko man lisanin ang lupang ito.. at ang aking mansion.. ay nagkaroon ako ng mabait na mabait na apo na tulad mo at tulad ni Catherine." Umiiyak na sinasabi ni Liwayway.
   "Liwayway. Tara na? Tinatawag na tayo ng langit." Sinabi ng kanyang guardian angel.
   Pinunasan ni Liwayway ang kanyang mga luha sa pisngi at pagkatapos ay tumayo. Ngumiti itong humarap sa kanyang guardian angel. "Tara na? Gusto ko na rin makita si Natasha. Humanda siya sa akin at talagang papaluin ko siya sa pwet. Sobrang tigas kasi ng ulo ng batang iyon. Hindi marunong makinig." Muling tumingin kay Troy. "Troy. Apo. Maraming salamat. Maraming maraming salamat. Hindi kita makakalimutan apo. Hindi ko kayo makakalimutan ni Catherine. Babaunin ko sa langit ang mga ala ala niyo dito sa aking puso, hindi ko makakalimutan ang ating saglit na pagsasama."

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon