CHAPTER 28
Halos buong araw na tinititigan ni Ayna ang kanyang cellphone. Nag hihintay sa tawag o text mula kay Troy.
"Kanina mo pa tinititigan 'yang cellphone mo. Baka naman matunaw iyan!" Biro ng kanyang Yaya.
Hindi sumagot si Ayna. Humaba ang nguso nito. Pinatong ang kanyang cellphone sa ibabaw ng table.
"Sino ba ang hinihintay mong mag text sayo?" Tanong ulit nito sa kanya.
"Kaibigan lang po."
"Kaibigan?" Lumapit ang yaya niya sa kanya. "Kaibigan? O iniibig mo?"
Nag buntong hininga si Ayna bago sumagot. "Haayy.. Yaya. Ganito kasi iyon eh. Hindi ko inexpect na maiinlove agad ako sa lalakeng iyon. Sobrang yabang kaya niya at hindi ko talaga siya type nung una.. pero simula nung hinalikan niya ak.."
"Ano? Hinalikan ka niya? Ibig sabihin ay meron ka ng first kiss?"
Ngumiti si Ayna. "Opo Yaya!"
"Wow! Dalaga na talaga ang alaga ko!"
"Oh huwag kang O.A! Yaya! Hindi naman ako mabubuntis sa kiss pero.. kailangan niyang panagutan ang halik niya sa akin!"
"Ibig sabihin ay hindi mo pa nobyo itong lalakeng ito?"
"Hindi pa po."
"Naku! Eh anong binabalak mo?"
"Wala naman. Mag hihintay lang ako sa tamang panahon. Na someday ay magugustuhan niya rin ako."
"Walang gusto sayo ang lalakeng iyon?"
Biglang napaisip si Ayna. "Hmm.. wala pa. Pero ang sabi niya ay may pag asa daw po na magustuhan niya ako."
Sa wakas ay tumunog ang cellphone ni Ayna.
Dali dali niya itong kinuha para basahin kung sino ang tumatawag.
Humaba na naman ang nguso niya nang hindi pangalan ni Troy ang nasa screen ng cellphone niya kundi ang Mama niya na nasa Korea.
"Tsss.. akala ko.. si Troy na." Halata sa mukha ni Ayna na sobra itong nadismaya.
"Troy ba ang pangalan ng lalakeng iyon?"
"Opo Yaya."
Ilang sigundo pa ang pinalipas ni Ayna bago niya sinagot ang tawag.
Ang Yaya naman niya ay tuluyan nang umalis para makapag usap sina Ayna at ang kanyang Ina.
"Hello Ma! Bakit po kayo napatawag?"
"Ayna. Masamang balita."
Kinabahan si Ayna. "Mama. Ano pong masamang balita?"
"Ang... ang Papa mo."
"Anong nangyari kay Papa?"
"Naaksidente kasi ang Papa mo! Kritikal ang kalagayan niya ngayon Ayna!"
"Ano pong nangyari kay Papa?" Maluha luha na ang mga mata ni Ayna.
"Naaksidente siya kanina sa motor. Nabangga siya ng isang malaking truck. Nasa hospital ang Papa mo ngayon! Umuwi ka muna dito saglit Ayna! Sige na. Pakiusap! Bago pa.. bago pa mahuli ang lahat!"
"Huwag po kayong magsalita ng ganyan Mama. Hindi magiging huli ang lahat! Mabubuhay ang Papa ko!"
"Alam ko iyon Ayna pero kailangan mo ng bumalik dito sa Korea! Kailangan niyong magkita ng Papa mo."
Napapikit si Ayna. "Tss.." Iniisip niya rin kasi si Troy. "Mama. Susubukan ko pong makabalik diyan bukas ng umaga."
"Maraming salamat Anak." Halata sa boses ng kanyang ina na umiiyak ito.
"Huwag na po kayong umiyak Mama. Kailangan niyong mag pakatatag. Mag pakalakas kayo para kay Papa. Okay? Mag pray kayo at mag trust lang kayo kay God na walang mangyayaring masama kay Papa."
"Anak.. hindi ko kakayanin na mawala ang Papa mo.. hu..."
"Mama naman. Sabing huwag kayong magsalita ng mga ganung bagay. Hindi mawawala si Papa. Walang mangyayaring masama sa kanya. Believe me."
"Anak.. huuu.. umuwi ka na dito. Kailangan din kita. Kailangan kong kumuha ng lakas mula sayo."
"Opo Mama."
"Huhh.. huuu.." Patuloy na umiiyak ang kanyang ina.
"Ma. Ibababa ko na po ang linya. Okay? Mag iimpake na rin po ako para bukas ng umaga ay makaalis na ako. Hintayin niyo ako diyan sa Korea okay? Babalik din agad ako."
"Maraming salamat Anak.. hu.. mag iingat ka.. Ayna ko.. huu."
Binaba na ni Ayna ang linya. Pinipilit niyang hindi bumagsak ang kanyang mga luha. Pinipilit niyang mag pakatatag.
Umupo saglit si Ayna para makapag isip. Lalo siyang naguluhan dahil sa nangyari sa kanyang Ama. Kailangan niyang makausap agad si Troy para mag paalam.
Sakto naman na biglang tumunog ulit ang cellphone niya.
"Yes!" Napangiti si Ayna nang makita sa screen ng cellphone niya na tumatawag si Troy.
Ilang saglit pa ay sinagot niya rin ang tawag.
"Hello Troy?"
Hindi nagsalita si Troy mula sa kabilang linya.
"...Hello Troy? Bakit ngayon ka lang tumawag? Hindi ka rin nag tetext. Nasaan ka ba? Kanina pa ako nag aalala sayo. Troy??? Troy?? Yuhuu.."
Wala pa rin siyang naririnig na boses ni Troy mula sa kabilang linya.
Nag taka si Ayna. Hindi na rin ito nag salita. Hinintay na lang niyang magsalita si Troy.
Inisip ni Ayna na baka aksidenteng napindot lang ni Troy ang kanyang cellphone. "Troy. Ibababa ko na ang tawag mo. Hindi ka naman nagsasalita eh."
"Ayna!" Sa wakas ay nagsalita na rin si Troy.
"Troy! Bakit.. ngayon ka lang tumawag? Buong araw kong hinihintay ang tawag mo." Malungkot na sinabi ni Ayna.
"Sorry. Busy lang kasi eh."
"Saan ka naman naging busy? Hmm.. papasok ka ba bukas? Ako kasi.. baka hindi ako makapasok bukas."
"Ba.. bakit naman?"
"Hmm.. katatawag lang ni Mama sa cellphone eh. Haaayy.. naaksidente kasi si Papa. Nasa hospital ngayon ang Papa ko kaya kailangan kong bumalik muna sa korea. Pero huwag kang mag alala. Babalik din agad ako dito sa Pinas."
"Ganun ba?"
Napakunot ng noo si Ayna. Nakapagtatakang hindi man lang nabigla o nagulat sa balita si Troy. "Troy? May problema ba?"
"Problema? Wa.. wala naman."
"Hmm.. galit ka ba sa akin?"
"Hindi ah. Bakit naman ako magagalit sayo?"
"Wala lang. Natanong ko lang." Iba ang pakiramdam ni Ayna. Parang may mali.
"Mag iingat ka Ayna."
"Troy! Hindi mo ba ako pipigilan umalis?"
Hindi nag salita si Troy.
Napa yuko si Ayna. "Mukhang hindi mo nga ako pipigilan. Haayy.. siguro nga ay ako lang itong nag iisip na.. na.."
"Ayna! Huwag na huwag ka ng tatawag o mag tetext sa akin!"
Nanlaki ang mga mata ni Ayna sa mga sinabi ni Troy. "An.. anong sinabi mo Troy?"
"Huwag ka ng mag tetext sa number ko na ito. Huwag ka na din tatawag. Okay? Huwag ka na rin makikipag kita sa akin! Ayaw na kitang makita! Ayaw na kitang makasama!"
Parang dinudurog ang puso ni Ayna sa mga sinasabi sa kanya ni Troy. "An.. anong ibig mong sabihin Troy?"
"Tanga ka ba? Ang ibig kong sabihin ay ayoko sayo! Nakukulitan na ako sayo! Nakakainis na! Naaalala mo ang sinabi ko sayo dati na para kang aso na habol ng habol? Hanggang ngayon.. para ka pa ring aso! Ayoko sayo! At kalimutan mo na ang sinabi ko sayo na may pag asa pa na magustuhan kita!"
Napalunok si Ayna ng laway. Hindi siya makapaniwalang sinasabi sa kanya ni Troy ang mga salitang iyon.
"Naiintindihan mo ba?"
"Tr.. troy naman."
"Anong Troy naman! Nag mamakaawa ako sayo! Huwag mo na akong kulitin. Wala akong gusto sayo at kahit na ikaw na lang ang nag iisang babae dito sa mundo ay wala pa ring pag asa na magustuhan kita! Naiinis ako sayo at kinamumuhian kita!"
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata ni Ayna. "I.. hate.. you."
"Ganyan nga! Hate me more! Ayna! Umuwi ka na ng korea at huwag na huwag ka ng babalik dito dahil wala kang lugar dito sa Pilipinas! Wala kang kaibigan dito! Wala nag mamahal sayo dito! At wala kang karapatan umarte ng ganyan dito sa Pinas! Sinusuka ka na namin kaya doon ka na lang sa Korea! Doon ka nababagay!"
"Troy. Please! Kung may problema man ay pag usapan muna natin."
"Wala naman tayong dapat pag usapan eh! Hindi naman tayo close!"
"Tro.."
"Fu*k You!"
Hindi na mapigilan ni Ayna ang sarili. Sobra ng masasakit ang mga binibitiwang salita sa kanya ni Troy. Hindi na siya sumagot at binaba na niya ang linya.
Hindi makapaniwala si Ayna. Hinahabol niya ang kanyang pag hinga habang nakahawak siya sa kanyang dibdib. Literal na masakit sa puso ang mga binitiwang salita ni Troy. Wala na siyang ibang nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak.
Sakto naman na bumalik ang kanyang Yaya. "Ayna! Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"
"LECHE! Umalis ka dito! Gusto ko munang mapag isa! Lecheng buhay ito!!!"
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...