CHAPTER 3
Halos isang oras na rin hinahanap ni Andrei si Catherine. Halos isang oras na siyang naglalakad, tumatakbo. Madilim na at halos wala na rin tao sa buong kalsada kaya lalo siyang nag aalala.
"Damn it. Saan ba kita hahanapin Catherine?" Tanong ni Andrei sa sarili.
Nang nakaramdam na siya ng pagod ay nagpasya na siyang umupo kahit saglit sa isang mahabang public chair.
Kinuha ang cellphone mula sa bulsa niya. Nakita niya na hindi pa pala niya pinapalitan ang wall paper na picture nilang dalawa ni Anna sa cellphone niya.
"Wala kang kwentang babae alam mo ba iyon? Sige. Mag sama kayo ng Marco na iyan! Bagay na bagay kayo. Parehas kayong manloloko." Sinabi ni Andrei habang dinuduro duro ang hawak na cellphone.
Napa buntong hininga na lang si Andrei. Maya maya pa ay napansin naman niya ang isang ibon malapit sa tabi niya. Napansin niya na iyon ay katulad din ng ibon na nakita nila ni Catherine sa taas ng bundok.
"Oy ikaw! Ano naman ang ginagawa mo dito? May hinihintay ka ba? Kasi.. ang sabi mo. To wait to wait!" Parang baliw si Andrei na kinausap ang ibon.
Nanlaki ang mga mata niya nang humarap sa kanya ang ibon.
"Woahh! Huwag ka nang magalit sakin! Nag bibiro lang ako. So ano nga ang ginagawa mo dito? May hinahanap ka din ba? Ako kasi may hinahanap din ako eh. Si Catherine. Hindi ko pa alam ang surname niya. Hindi ko nakuha ang cellphone number niya. Pero.. pwede mo ba akong tulungan na hanapin siya?" Tanong ni Andrei sa ibon.
Hindi sumagot ang ibon. :-p
"Oo nga naman. Ibon ka. Bakit ba kita kinakausap? Nababaliw na ba ako? Sabihin mo nga sakin ibon. Nababaliw na ba ako?" Tanong ni Andrei.
"Waaaahhhhhhhhhhhh!" Sumigaw si Andrei ng malakas na malakas habang ginugulo gulo ang buhok. "Nababaliw na ako! Nasaan ka ba kasi Catherine!! Pati itong ibon kinakausap ko na!"
Maya maya pa ay lumipad papalayo ang ibon.
"Hoy! Ibon! Saan ka pupunta!?" Tanong ni Andrei habang pinagmamasdan ang ibon.
Napailing na lang si Andrei. Unti unti siyang tumayo at parang bang may bumubulong sa kanya na sundan ang ibon.
"Teka.. bakit ko ba susundan ang ibon na iyon? Eh wala naman kasi mawawala kung itry kong sundan ang ibon na iyon diba? Mapapagod nga lang ako. Pero malay ko baka alam niya kung nasaan si Catherine? Teka lang ha? Bakit ko pa ba hahanapin si Catherine? Sino ba siya? New Friend! At syempre concern lang naman ako sa kanya baka mamaya eh magpakamatay na iyon dahil sa sobrang sakit ng puso. Eh bakit ako? Masakit din naman ang puso ko eh! Sobrang sakit! At bakit ko pa ba siya hahanapin? Hanapin ko siya dahil parehas kaming pumunta dito sa Batangas at ako ang nag dala mismo sa kanya dito! Susundan ko ba ang ibon o hindi? Susundan ko o hindi? Abay sundan ko dapat! Baliw na ba ako? Baliw o hindi pa? Malapit na." Parang baliw si Andrei na kinausap ang sarili bago siya nakapag disisyon na sundan ang ibon.
"Hoyyyy! Ibon!! Hintayin mo ko!!!" Sinigaw ni Andrei at pagkatapos ay mabilis na tumakbo para sundan ang ibon....
Ipinark ni Marco ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Anna.
"Babe. Gumising ka na. Nandito na tayo." Si Marco habang mahinang tinatapik ang si Anna.
Unti unti naman idinilat ni Anna ang mga mata at pagkatapos ay tumingin tingin sa paligid. "Nakatulog pala ako sa byahe. I'm sorry."
"Ayos lang Baby. Sorry din dahil medyo late na kita naihatid sa bahay niyo. Bukas ng 9:00 am, susunduin ulit kita at sabay tayong papasok sa school. Okay?"
Hindi sumagot si Anna.
"Anna. Kalimutan mo na ang nangyari kanina. Tama naman ang ginawa mo eh. Tama ang disisyon mo na pag pili sa akin. Ako ang nararapat sa'yo. Tama lang ang ginawa mo."
Tumingin si Anna kay Marco. "Pagod na ako. Gusto ko ng mag pahinga at matulog. Mauna ka na at mag ingat ka sa pag mamaneho."
"Alright." Sagot ni Andrei at pagkatapos ay mabilis na hinalikan si Anna sa labi. "Babe. I love you." Dagdag pa ni Andrei.
"I love you too." Sagot ni Anna at pagkatapos ay inalis ang suot na seatbelt at lumabas na ng kotse.
Wala nang nagawa si Marco. Pinag masdan na lang niya si Anna hangang makapasok ito sa loob ng bahay.
Maganda at malaki ang bahay nila Anna. Mayaman din ang pamilya nila. Ang mga magulang niya ay may ari ng isang malaking kumpanya at ang kaisa isa naman niyang nakakatandang kapatid na lalake na si Daniel ay isang doctor.
Pag pasok ni Anna ng kanilang bahay ay nagulat siya nang makita niya si Daniel sa sala, nakaupo at nagbabasa ng libro.
"Kuya Daniel. Bakit gising ka pa?" Tanong ni Anna at tinabihan ang kuya niya sa malaking sofa.
"Sino siya?" Tanong ni Daniel.
"An.. ano? Sinong tinutukoy mo?" Nag taka si Anna.
"Sino siya? Yung kasama mo. Yung nag hatid sayo dito sa bahay?"
"Ah.. iyon ba? Kaibigan ko lang naman siya."
"Kaibigan? Bakit nag kiss kayo sa loob ng kotse niya?"
Nagulat si Anna sa sinabi ni Daniel. Tumayo si Anna. "Medyo pagod na ako at inaantok. Gusto ko ng matulog. Bukas na lang tayo mag usap Kuya."
Hinawakan ni Daniel ng mahigpit sa kamay si Anna. "Tinatanong kita. Sino siya? Kung mag kaibigan lang kayo. Bakit kayo nag kiss?"
"Nag break na kami ni Andrei."
Tumayo si Daniel at humarap sa kapatid. "Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit kayo nag break ni Andrei."
"Kuya! Hindi mo na kailangan malaman kung bak.."
"Wala akong tiwala sa lalakeng kasama mo."
"Bakit? Ganyan ka na ba talaga Kuya? Ganyan ka na ba kabilis mag judge ng ibang tao? Hindi mo naman siya kilala diba? Ba.."
"Marco ang pangalan niya. May girlfriend siya at Catherine ang pangalan. Tama ba ako?" Si Daniel.
Nanlaki ang mga mata ni Anna sa sinabi ng kuya niya. "Paano mo nalaman? Bakit kilala mo si Marco at ang girlfriend niya?"
"Hindi na mahalaga kung paano ko sila nakilala. Pero binabalaan na kita, tigilan mo na ang pakikipag kita sa lalakeng iyon! Kay Marco."
"Bakit Kuya? May magagawa ka ba kung gugustuhin ko pa rin kitain si Marco? Mahal ko na si Marco. Sabihin mo ng masama akong tao dahil iniwan at niloko ko si Andrei pero si Marco na ang mahal ko at hinding hindi na magbabago iyon.
Hindi na sumagot si Daniel. Tinitigan ng masama ang kapatid at pagkatapos ay umalis na.
"Kuya! Paano mo nakilala si Marco? Kuyaa!!" Wala nang nagawa si Anna.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...