CHAPTER 19
Maagang nakarating si Andrei sa Crimson School. Nakaupo lang siya sa chair niya habang si Catherine naman ay naka upo lang din sa sahig. Hinihintay na lang nilang dumating si Mrs. Diosmia.
Napansin ni Andrei na malunkot ang mukha ni Catherine. Nag buntong hininga siya at nag isip kung paano niya kakausapin si Catherine dahil madaming istudyante ang nandoon at baka isipin na naman nilang baliw siya.
Kinuha ni Andrei ang cellphone niya mula sa dala niyang bag pack at pagkatapos ay nag kunwaring may tatawagan.
"Hello? Hello? Pwede po ba kay Miss Catherine?" Nakalapat lang ang cellphone ni Andrei sa tenga niya.
Napatingin si Catherine kay Andrei. Ngumiti siya at pagkatapos ay nilapat naman niya ang kamay sa kanyang tenga. "Hello? Yes? This is Catherine Chen speaking. Who is on the line?"
Ngumiti si Andrei. "Ahmm. This is Andrei Angquiangco. I'd just like to ask kung bakit malunkot ang girlfriend ko?"
"Hmm.. sino ba ang girlfriend mo?"
"Ang girlfriend ko ay si Catherine Chen. Sobrang ganda niya! Cute at sexy. Lagi niya akong pinapasaya. Kaya ayokong nakikitang malunkot siya. Pwede ko ba makita ang ngiti niya?"
"Hmmm.. I'm sorry to say but your Girlfriend can not smile right now."
"But why? May problema po ba ang girlfriend ko?"
"Hmm.. wala naman problema ang girlfriend mo pero.. she just feels sad."
"So bakit siya malunkot? Can you please tell me?"
"Hmm.. Andrei. Gusto kong mabuhay." Malunkot na sinabi ni Catherine.
Biglang naawa si Andrei kay Catherine. Hindi na niya alam kung paano niya ba mapapasaya ang girlfriend niya sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin na imposible na ang gusto ni Catherine na mabuhay pa.
Nag buntong hininga muna si Andrei bago ulit siya nagsalita. "Hello? Yes. Ahmm.. Gusto ba ng girlfriend ko ng Roasted Chicken?"
"She don't feel like eating today."
"Bakit naman? Hindi ba favorite niya ang roasted chicken?"
"Bakit ba ang kulit mo? Malunkot nga eh! Nag eemote ang Lola mo kaya huwag ka nang tatawag! Babush!"
Tinignan ni Andrei ang cellphone niya. Napa iling siya at pagkatapos ay nag kunwari ulit siyang may tatawagan.
Kunwari ding isinagot ni Catherine ang tawag. "Hello! Good Morning! Who is on the line?"
"Hi! This is Andrei Angquiangco. Can I speak with beautiful Catherine Chen?"
"Sorry. Wrong number ka. Babush!"
Tinignan na lang ni Andrei si Catherine. Malunkot pa rin ang mukha nito. Hindi na alam ni Andrei kung paano pa niya kakausapin ang girlfriend niyang multo.
Lumapit naman ang kaibigan niyang si Troy at pagkatapos ay umupo ito sa chair na nasa tabi niya. "Andrei. Pwede ko bang mahiram yung notes mo sa statistics? May kailangan lang akong reviewhin. May exam daw kasi tayo mamaya eh."
Halos isang linggo din nanatili si Troy sa hospital para magpagaling. May bandage pa rin ang ulo niya at ang isa niyang braso. Wala rin itong naaalala na gumala ang kaluluwa niya at nakausap pa niya si Catherine.
"Ahh.. sinong nagsabi sa'yo na may exam tayo sa statistics? Wala naman sinabi si Diosmia ah?"
"Tss. Hindi ka naman kasi nakikinig sa mga tinuturo niya kaya hindi mo alam na may exam ngayon. Akin na. Pahiram naman ako oh!"
"Alam mo Troy. Kahit naman mag karoon ng exam ay sigurado akong exempted ka dahil ang tagal mong nawala. Teka nga.. magaling na ba talaga yung mga sugat mo?"
"Oo naman. Hindi naman ako papalabasin ng Doctor kung hindi pa ako magaling eh."
Napa kamot si Andrei sa ulo. "Hmmm. Oo nga naman."
"Sige na Andrei. Pahiram ako."
"Troy. Yung totoo kasi ano eh.. nakalimutan ko sa bahay yung mga notes ko sa statistics."
"Ashus! ayaw mo pang aminin kay Troy na hindi ka talaga nag susulat kapag nagtuturo ang teacher mo. Kapal nito. Kunyari masipag?" Si Catherine.
"Ganun ba? Sige. Sa iba na lang ako manghihiram." Nakangiting sagot ni Troy.
"Teka Troy. Nakausap mo na ba si Anna?"
"Oo. Nakausap ko na siya kaninang umaga. Na ikwento na niya sa akin ang lahat."
"Pasensya ka na Troy kung.. wala akong nagawa ha? Kasalanan ko din ang lahat ng iyon kaya ginawa sa'yo nina Marco at Senji iyon."
"Oo. Gago ka kasi eh. Pero tama naman ang disisyon mo na hindi mag sumbong sa pulis dahil.. ayokong malaman ng mga magulang mo kung anong gulo ang nagawa mong hayup ka." Pabirong sinabi ni Troy.
"Pasensya ka na Troy ha? Pati ikaw nadamay eh."
"Pero Andrei. Alam mo ba? Habang comatose ako nung araw na iyon.. hindi ko maintindihan eh. Parang.. parang nanaginip ako?"
"Ano naman ang napanaginipan mo?"
"Hmm.. hindi ko maalala ang lahat. Pero naaalala mo ba yung sinabi ni Mrs. Diosmia sa atin na magiging classmate sana natin pero namatay? Si Miss Catherine Chen?"
Nanlaki ang mga mata ni Andrei sa mga sinabi ni Troy. Ganun din si Catherine.
"Omg! Hindi kaya naalala niya ako Andrei?" Napatayo si Catherine.
"...hindi ko talaga maaalala ang lahat. Pero alam kong nasa panaginip ko siya."
Napalunok muna ng laway si Andrei bago ulit ito nagsalita. "Ano naman ang nangyari sa panaginip mo?"
"Ewan ko ba. Parang.. nakita ko lang yung mukha niya sa panaginip ko. Hindi ko lang talaga maalala kung anong nangyari. Basta alam kong nasa panaginip ko siya. Pinipilit kong alalahanin ang lahat pero hindi ko talaga maalala."
"Hayaan mo na iyon Troy. Sigurado akong na curious ka lang about Catherine Chen kaya napanaginipan mo siya."
"Hmm.. siguro nga." Sagot ni Troy. "Sige Pare. Mag rereview lang ako ha? Manghihiram lang ako kay Jocelyn ng notes. Sabay tayo mag lunch mamaya?"
"Sure. Sabay tayo mag lunch Troy."
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...