GREAT INSTINCTS

2.6K 50 5
                                    

CHAPTER 21

   "Mahal na mahal.. Yan ang damdamin na sa'yo'y nararamdaman.. kung 'di mo alam? puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan o, bakit ganyan? At maging sa 'king pagtulog laging alaala ka.. Nais makapiling, nais makayakap sa tuwina.. Nang dahil sayo.. Ang puso kong ito ay natutong magmahal sadya bang ganyan?.. Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan, wag paglaruan.. Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw.. Huwag sanang sasaktan, Ang puso na sa 'yo'y nagmahal.. " Kinakanta ni Catherine sa karaoke ang kantang Mahal na mahal ni Tootsie Gieverra. Nasa loob lang siya ng kwarto ni Andrei. Gamit niya ang isang flat screen na Tv ni Andrei at ang maliit nitong Dvd player.
   Habang si Andrei naman ay natutulog lang.
   Unti unting minumulat ni Andrei ang kanyang mga mata. Nagtataka kung saan nanggagaling ang malakas na ingay.
   "Tawag ng aking damdamin.. Ay ikaw at walang iba.. Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga.. Puso'y huwag paluluhain.. Ang pagsamo ko'y dinggin.. Tunay na tunay mahal ka sa akin!" Patuloy na kumakanta si Catherine.
   Tuluyan na ring bumangon si Andrei. "CATTHEERINEEE!!" Malakas niyang isinigaw.
   "Nang dahil sayo.. Ang puso kong ito ay natutong magmahal.. sadya bang ganyan?"
   "Catherine ano ba??"
   "..Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan.."
   Parang bata si Andrei na ginulo gulo ang sariling buhok at pinadyak padyak ang mga paa sa kama. Sa sobrang inis, agad siyang tumayo at pinatay ang dvd player.
   "Andrei! Bakit mo pinatay? Kumakanta ako! Oh my.. oh my super God! Favorite song ko iyon Andrei!"
   "Wala akong pakialam! Alam mong natutulog ako tapos ay gumagawa ka ng ingay!" Galit na sagot ni Andrei.
   Wala naman magawa si Catherine. Hinabaan na lang nito ang nguso at pagkatapos ay padabog na umupo.
   Tumingin si Andrei sa orasan na nakasabit sa dingding. Ala sais pa lang ng umaga. "Nakikita mo ba kung anong oras pa lang Catherine? Ala sais pa lang!"
   "Eh diba ang sabi mo ay gisingin kita?"
   "Alas siete mo dapat ako ginigising! Haayy..  nag luto ka na ba ng breakfast?"
   "Opo mahal na prinsipe."
   "Nilinis mo ba ang kusina?"
   "Opo mahal na prinsipe."
   "Nilinis mo na din ba ang mga kinalat mo kagabi sa sala?"
   "Opo mahal na prinsipe."
   "Nasaan si Yaya Teressa? Nakita mo ba siya?"
   "Opo mahal na prinsipe."
   "Anong opo mahal na prinsipe? Tinatanong kita Catherine kung nakita mo si Yaya Teressa?"
   "Opo mahal na prinsipe."
   "Ewan ko sayo!"
   "Opo mahal na prinsipe."
   Napasigaw si Andrei ng malakas dahil sa sobrang inis. "AaAaaahhhhhhhh! Catherine! Sumagot ka ng maayos!"
   Halata sa mukha ni Catherine na pinipilit nitong hindi tumawa. Tuwang tuwa siya sa pang aasar niya kay Andrei. "Opo mahal na prinsipe."
   "Gago ka ba?"
   "Opo mahal na prin.." Napatingin si Catherine kay Andrei.
   "Opo? Gago ka ha? Edi mag gagohan tayo! Bwiset!"
   "Opo mahal na prinsipe."
   "Inaantok pa ako! Iidlip pa ako ha? Gisingin mo ako after an hour."
   "Ang sungit sungit mo naman. Ang aga aga eh!"
   "Kaya nga diba? Ang aga aga tapos mang aasar ka? At tsaka alam mo naman na hindi ako morning person diba? Catherine. Biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising. Tsaka tinatanong kita ng maayos. Nakita mo ba si Yaya Teressa?"
   "Hindi eh. Kanina ko pa siya kinatatok sa kwarto niya. Ayaw niyang buksan yung pinto pero I'm sure na gising na siya."
   "Eh paano siya lalabas ng kwarto niya eh lagi mo siyang tinatakot?"
  "Hmm.. nakakatakot ba talaga ako?"
   "Oo! Nakakatakot yung mukha mo!"
   Inirapan ni Catherine si Andrei. "Nakakatakot pala ha? Tss.. kaya pala."
   "Anong kaya pala.. ha?"
   "Kaya pala inlove na ilove ka sa beauty ko."
   "Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo! Matutulog muna ako ha? Gisingin mo ako ng alas siete."
   "Opo.. Gagong prinispe."
   Tinignan ng masama ni Andrei si Catherine.
   "..este.. mahal na prinsipe." Nakangiting dagdag ni Catherine.
   Hindi mapigilan ni Andrei na hindi ngumiti. Lumapit ito kay Catherine. "Hmmm.. ano nang gagawin ko niyan? Mukhang.. nasira na yata ang tulog ko."
   "Sorry po. Mahal na prinsipe."
   "Tss.. kasalanan mo ito eh."
   "Hmm.. eh paano ka ba ulit makakatulog niyan mahal na prinsipe?"
   Nakangiting nilapit ni Andrei ang mukha niya kay Catherine. Tinaas baba pa ang kanang kilay.
   Tinakpan ni Catherine ang kanyang dibdib gamit ang dalawa niyang kamay. Umiling iling pa ito. "Huwag po kuya. Huwag po."
   Tinignan ni Andrei ang mga dibdib ni Catherine.
   "Kuya huwag po. Meron po akong period ngayon." Si Catherine.
   Hinawakan ni Andrei ang baywang ni Catherine.
   "Huwag po mahal na prinsipe. Huwa.."
   Kinarga ni Andrei si Catherine.
   "Saan mo ako dadalhin? Ibaba mo nga ako! Andrei naman!"
   "Diba tinatanong mo ako kung paano ako ulit makakatulog?"
  "Oo. Eh anong gagawin natin? Hm.."
  "Tabihan mo ako sa kama."
  "Ta.. tapos?"
  "Tapos.. pagurin mo ako." Nakangiting sagot ni Andrei.
   "Oh my super God Andrei! Nililibugan ka ba ngayon? Omg omg omg! AAAHHhhhh!"
   Pilit na dinala ni Andrei si Catherine sa kama at pilit niya rin itong niyakap.
   "Andreii! Noooo! Tulungan niyo ako! Rapeee! Nirarape ako!" Sigaw ni Catherine.
   Halos mamatay naman si Andrei sa kakatawa habang hinaharot si Catherine.
   Nag talukbong pa silang dalawa ng makapal ng blanket.
   At ang mga sumunod na nangyari ang RATED P.G.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon