MOMENT TO REMEMBER

2K 61 7
                                    

CHAPTER 31

   "Yup. Hindi ba ay hindi naman tayo nabubuhay para sa pera? Nagagawa pa rin naman natin makapag patuloy sa mundo kahit konti lang ang pera natin. Dahil iba ang pananaw natin sa kanila. Ang pananaw ko at pananaw mo sa buhay ay makapag patuloy sa mundo na puno na ng pagmamahalan. Catherine, mahal kita. Mahal na mahal kita. Higit kang mahalaga kesa sa pera. Okay lang sa akin kahit mawalan ako ng pera, mawalan ako ng bahay, mawalan ako ng kahit anong yaman. Pero hindi ko kakayanin kapag ikaw, si Jeho, Si Paula, o si Yaya Teressa na ang mawala. Dahil mahal na mahal ko kayo, lalong lalo ka na Catherine. Mahal na mahal na mahal na mahal kita." Paliwanag ni Andrei kay Catherine.
   Ngumiti naman si Catherine. "Mahal na mahal din kita, Andrei."
   "Alam ko iyon Catherine. Pero.. hmm.. naiintindihan mo ba yung sense sa sinasabi ko sa'yo??"
   "Hmm.. what do you mean Andrei?"
   "Tss.." Ngumiti din si Andrei. "Ang ibig kong sabihin, once na nabuhay ka na.. once na bumalik na ang kaluluwa ko sa katawan mo.. huwag ka nang mag dalawang isip na pirmahan ang kasulatan na pinapapirma nila sayo."
   "Ha? Pero Andr.."
   "Hindi ka nabubuhay dahil sa pera. Catherine, mas mahalaga ang buhay mo kesa sa pera."
   Yumuko si Catherine. "Haay.. once na pirmahan ko iyon, wala nang matitira sa amin ni Mama."
   "That would be okay. Catherine, isipin mo nga. Wala kayong pera, pero masaya at magkasama kayo ng Mama mo, mag kakasama tayo sa iisang bahay. Hindi ba't mas okay iyon? Kesa may pera ka nga, pero magiging katulad nila tayo na nagiging sakim na sa pera. Nagiging dimonyo na sa pera. Do you understand Catherine?"
   "Opo. Mahal na prinsipe." Wala ng magawa si Catherine kundi pumayag na sa gusto ng boyfriend niya.
   "Would you do that?"
   "Opo Mahal na prinsipe."
   "Promise me."
   "Pero.."
   "Promise me!"
   "Tss.. oo na. Sige na. Promise. Pipirmahan ko na yung papel na iyon! My G! Nakakaloka ka. As in! Super duper juper over oxenada G!"
   "Good." Nakangiting sagot ni Andrei at pagkatapos ay nag simula ulit itong maglakad papalayo.
   Nasa likod naman niya si Catherine at patuloy na sumusunod sa kanya.
   "Basta, nangako ka na sa akin ha? Pipirmahan mo na iyon! Promise is promise. Huwag mong ibebreak yung promise mo sa akin! I trust you. Okay?" Patuloy sa paglalakad si Andrei.
   "...Catherine, saan park ba nakatambay yung kaibigan mo? Sigurado ka bang nandito pa siya? Kanina pa tayo paikot ikot ha? Siguro ay umuwi na iyon. Umaga kasi ang usapan niyo diba? Balikan na lang natin siya sa lunes! Mag sorry ka na lang at sabihin mong may important matter ka lang na pinuntahan. Which was very important talaga."
   Hindi sumasagot si Catherine.
   Napahinto si Andrei sa paglalakad at pagkatapos ay agad na lumingon.
   Wala si Catherine sa kanyang likod.
   Tumingin tingin si Andrei sa buong paligid. "Ca. Catherine???"
   Napaisip si Andrei. Ang akala niya kasi ay nasa likod niya lang si Catherine habang naglalakad siya. "CATHERINE???? CATHERINE????"
   Biglang kinabahan si Andrei.
   "Nasaan kaya siya? Saan siya nag punta? Bakit hindi siya nag paalam.. Hindi kaya.. hindi kaya.."
  Nanlaki ang mga mata ni Andrei dahil sa kanyang naisip. "..hindi kaya.. bumalik na siya sa kanyang katawan??? Hmm.. pero hindi. Malabo pang mangyari iyon. Hindi. Hindi. Dapat makita ko muna siyang naglalaho o kaya naman lumabo ang kanyang anyo bago pa siya tawagin ng kanyang katawan."
   Lumapit si Andrei sa isang lalakeng nagtitinda ng mga lobo. "Manong, matanong ko lang. Nakita niyo ba yung babaeng kausap ko kanina dito?"
   Ngumiti ang lalake. "Wala eh. Wala naman akong nakikitang kausap mo kanina diyan. Kanina pa nga ako nag tataka dahil kanina ka pa nag sasalita mag isa. Yung totoo, positive ka no? Saan ka bumibili? May tinda ako dito."
   "Tss.. hindi ako gumagamit ng pinagbabawal na gamot!" Sagot ni Andrei. Nakalimutan niya din pala na isang multo ang girlfriend niya at tanging siya lang ang nakakakita kay Catherine.
   Muling tumingin tingin si Andrei sa buong paligid. Nag lakad lakad siya para hanapin si Catherine. "Saan ba nag punta yung babaeng iyon? Haayy.. pasaway naman!"

...

   "Anong ibig mong sabihin? Multo? Multo si Catherine? Multo ang anak ko?" Tanong ni Luisa kay Anna.
   Patuloy pa rin silang nag uusap usap sa park na iyon. Nandoon ang mag inang sina Fatima at Senji, Anna at Marco.
   "Oo. Ang nakita ni Mrs. Fatima ay ang kaluluwa ni Catherine."
   "Nag papatawa ka ba Anna? Tss.. isa ng multo ang anak ko?"
   "Nag kita na kami ng ilang beses ni Catherine. Nung una ay hindi ko alam na patay na siya."
   Lumapit si Luisa kay Marco. "Marco, lalong hindi ko naiintindihan kung bakit mo pinag palit ang anak ko sa babaeng ito. Mukhang baliw ito eh? Ang laki ng sinayang mo. Para mong pinagpalit ang iphone7 sa isang nokia 3210."
   Napalunok ng laway si Marco bago ito sumagot. "Tita, totoo po ang sinasabi ni Anna. Naka bukas po kasi ang third eye ni Anna. At maaring naka bukas din po ang third eye ni Tita Fatima kaya nakikita niya si Catherine."
   Hindi alam ni Luisa kung matatawa ba siya sa mga sinasabi sa kanya nina Marco at Anna.
   Lumapit si Senji kay Luisa. "Tita, totoo po ang sinasabi nila. Gumagala po ang kaluluwa ni Catherine dito sa lupa."
   "Paanong nangyari iyon? Ibig sabihin ay naka bukas din ang third eye ko?" Tanong naman ni Fatima.
   "Hindi ako naniniwala sa inyo. Hindi ako tanga." Masungit na sagot ni Luisa.
   "Eh bakit hindi niyo iconfirm sa bago niyang boyfriend ngayon?" Si Anna.
   "May.. may bagong boyfriend ang anak ko?"
   "Oo. Boyfriend na niya ngayon ang ex boyfriend kong si Andrei. Bakit hindi mo puntahan ang bahay nila? Ibibigay ko sayo ang address."
   "Alam niyo, unang una. Hindi ako naniniwala sa multo. Pangalawa, huwag niyo akong idamay sa mga kalokohan niyo! May mga pera nga kayo, magagandat may mga itsura, mga bata, pero hindi ko alam kung nasaan ang nawawalang turnilyo diyan sa mga utak ninyo. At kung nag sisinungaling lang kayo sa akin, pwes! Hindi niyo ako mapapaniwala." Mataray na sagot ni Luisa at pagkatapos ay mabilis na itong nag lakad papalayo.
   Nag crossed arms si Anna. "Tsss.. Atleast we did our part. Wala na tayong magagawa kung ayaw niyang maniwala. Marco, Senji, Tita.. ihahatid ko na kayo sa bahay ni Marco. Tara na at madaming oras ko na ang nasayang."

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon