CHAPTER 23
"Pare. Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko ha?" Sinabi ni Andrei habang kausap si Troy sa Cellphone.
Nasa airport na sina Andrei at ang kanyang ina na si Charlotte. Naghihintay na lamang sila ng konti pa minuto para makapasok na sa eroplano.
"Ano iyon?" Tanong ni Troy mula sa kabilang linya.
"Kasi pare. Dumating si Mama eh. Sinusunod ako papunta ng U.S?" Sagot naman ni Andrei habang tumitingin tingin sa paligid. Habang si Charlotte naman ay kausap ang isang staff ng airlines na sasakyan nila.
"Ano? Si Tita Charlotte? Ba.. bakit? At kelan ang alis mo?"
"Ngayon na Pre. Boarding na kami."
"Ano? Bakit biglaan naman Andrei?"
"Oo nga eh. Biglaan. Sobrang biglaan. I didn't expect this. Pero good news. Gumising na kasi si Kuya Jeho."
"Woaahh! Pare. Masaya ako na gumising na pala si Jeho. Okay lang iyan. Tama ang disisyon mo na dalawin mo muna ang kuya mo."
"Tss.. Gago ka talaga. Hindi mo man lang ba ako pipigilan umalis?"
"Bakit naman kita pipigilan? Ay wait.. huwag ka na palang umalis! Delikado dahil may darating daw na bagyo."
"Pak Yu ka po. Sige na. Papasok na kami sa eroplano. Ikaw na muna bahala mag sabi sa dean natin. At tsaka.. gusto ko din sana ibilin sayo si Yaya Teressa. Pakitignan naman siya at dalawin mo kahit once a week."
"Sure thing Andrei. Walang problema. Regards din kay Tita Charlotte."
"Alright." Sagot ni Andrei at pagkatapos ay binaba na nito ang linya.
Sakto naman na lumapit sa kanya si Charlotte. "Andrei. Madedelay daw ang flight. They're still checking the weather update kung talagang malakas ang bagyong darating."
"Well.. maybe this is not the right time para umalis?"
"Tumahimik ka nga diyan! Kailangan kang makita ni Jeho."
Biglang napaisip si Andrei. "Teka nga. Nasaan ang passport ko 'Ma? Hindi mo pa binibigay sa akin ha?"
"Nasa bag ko. Mamaya ko na ibibigay sayo."
May ibang naramdaman si Andrei. Iniisip niya na may masamang binabalak ang kanyang Ina. Iniisip niya na baka hindi ibigay sa kanya ang passport niya para hindi na siya makaalis mula sa U.S. "Ngayon mo na ibigay sa akin 'Ma. May kailangan akong tignan."
"Mamaya na nga! Bakit ba napaka kulit mong bata ka?"
"Nag mana lang ako sayo. Kaya ibigay mo na sa akin ang passport ko. May dapat akong tignan."
"Pwede bang mamaya na Andrei?"
"Ano ba ang pinag kaiba ng mamaya at tsaka ngayon? I want it now!"
Tinignan ng masama ni Charlotte ang anak. "Kahit kelan.. hindi mo na ako ginalang Andrei. Ganyan ka ba pinalaki ng Yaya mo?"
"Atleast si Yaya.. pinalaki ako. Eh ikaw? Nandun ka sa U.S. nag papakasarap ka! At isa pa.. huwag na huwag mong idadamay si Yaya Teressa sa away nating dalawa."
"Kelan ako nag pasarap Andrei? Trabaho ang pinunta ko sa U.S!"
"Trabaho? Paano naging trabaho eh citizen ka na doon? Ibig sabihin.. doon ka na nakatira.."
"Oh sige! Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin. Bali wala lang ang makipag talo sayo!"
"Give me my passport kung ayaw mong gumawa ako ng iskandalo dito!"
Wala ng magawa si Charlotte. Kinuha ang passport ni Andrei mula sa dalang bag at pagkatapos ay ibinigay ito sa anak. "Oh ito! Masaya ka na?"
"Masaya sana ako kung hindi ikaw ang kasama ko." Sagot ni Andrei.
Maya maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Andrei. Tinignan niya ito at nag taka siya nang makita ang pangalan ni Yaya Teressa.
"Teka lang Ma. Tumatawag si Troy." Sinabi niya kay Charlotte.
"Oh saan ka pupunta?"
"Tumatawag nga si Troy."
"Eh bakit lalayo ka pa? Bakit hindi mo sagutin ang tawag ni Troy dito?" Mataray na tanong ni Charlotte.
Nag buntong hininga na lang si Andrei. Agad na sinagot ang tawag ni Yaya Teressa. "Hello?"
"Anak! Nasaan ka na? Nasa eroplano ka na ba?" Tanong ni Yaya Teressa mula sa kabilang linya.
"Boarding pa lang kami. At hindi ko naman masasagot ang tawag mo kung nasa loob na ako ng eroplano. Bakit po?"
"Anak! Makinig ka sa akin. May kailangan kang malaman. Andrei.. tumawag ang Step Father mo na si Randy mula sa U.S!"
"Talaga? At bakit daw po?"
Nakatingin lang si Charlotte sa anak. Alam niyang hindi si Troy ang kausap ni Andrei kundi si Yaya Teressa.
"Andrei! Hindi totoong nagising na si Jeho! Comatose pa rin ang kuya mo! Niloloko ka lang ni Ma'am Charlotte dahil gusto ka na niyang tumira na sa U.S for good!"
"Yaya! Totoo ba iyang sinasabi mo?"
"Oo Andrei. Pero.. pero hindi ko ito sinabi sayo para pigilan ka.. gusto ko lang na malaman mo ang totoo. Nasa sayo pa rin ang disisyon Anak!"
Biglang nanlisik ang mga mata ni Andrei. Binaba agad ang linya. Tumingin kay Charlotte. "Bakit mo ito ginagawa?"
Kumunot ang noo ni Charlotte. "Ang alin Andrei?"
"Alam ko na ang totoo!!! Niloloko mo lang pala ako na.. na gising na si Jeho! Gusto mo lang pala akong makuha at dalhin sa U.S!"
"Andrei!!"
"Ano! Hindi ka makasagot? Tss.. pati si Jeho ay dinadamay mo pa sa mga kalokohan mo!"
"Andrei! Makinig ka muna sa akin!"
"Ano pa bang kalokohan ang mga sasabihin mo sa akin Mama? Ano pa ba?"
Umiling iling si Charlotte. "Gusto lang naman kitang makasama."
"Then bakit mo pa ko kailangan dalhin sa US?? Pwede mo naman akong makasama dito sa Pinas!"
"Alam mong hindi ako pwedeng mag stay ng matagal dito! Kailangan ako ng trabaho ko! Kailangan ako ni Randy at ni Jeho!"
Nanlaki ang mga mata ni Andrei. Ngumiti ito na para bang naasar na. "Tss.. eh ako? Hindi ba kita kailangan?"
Hindi makasagot si Charlotte sa tanong ng anak.
"Pumili ka Mama! Ako o ang pamilyang iyon?"
"Andrei.." Maluha luha na ang mga mata ni Charlotte.
"Hindi ka makapali diba? Simple lang naman ang gusto mong mangyari Ma eh! Kung gusto mo talaga akong makasama.. then live with me here!"
Yumuko si Charlotte.
"Ma.. huwag mo na akong guluhin pa. Dito ko gustong tumira." Mahinahon na sagot ni Andrei. Nag buntong hininga at pagkatapos ay sinuot ang dalang bag pack. "See you when I see you. Mama."
"Andreii.."
"I love you. Ma." Maluha luhang sinabi ni Andrei kay Charlotte at pagkatapos ay mabilis itong lumayo para maka labas na ng Airport.
Walang magawa ang kanyang Ina. Pinagmamasdan na lang siya habang naglalakad papalayo.
"Ma'am. Pwede na po kayong pumasok. Business class po kayo right?" Sinabi ng isang babaeng staff ng airlines kay Charlotte.
Tumingin si Charlotte sa staff. "Thank You Miss."
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasíaHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...