SEE YOU IN HEAVEN

1.7K 55 19
                                    

CHAPTER 38

   Unti unting minumulat ni Catherine ang kanyang mga mata. Una niyang nakita ang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto.
   Pansin niya na nakahiga siya sa blanket na nilatag ni Andrei kagabi.
   Kinabahan si Catherine. Anong nangyari sa kanila kagabi ni Andrei? Ang huli niyang naaalala ay nakatulog siya sa mga yakap ni Andrei.
   Napaupo siya mula sa pagkakahiga. Tumingin tingin sa buong paligid. Wala si Andrei.
   "My G!" Napahawak siya sa kanyang dalawang dibdib. "Wala naman sigurong nangyari kagabi? My G! My G!"
   Lumabas si Andrei mula sa restroom ng kwartong iyon. Walang suot na damit, tanging ang towel lang ng Crimson Resort ang nakabalot sa bandang ibaba niya. Bagong ligo ito.
   Nanlaki ang mga mata ni Catherine nang makita si Andrei. "Aaaaaahhhh!" Napasigaw ito at pagkatapos ay tinakpan ang dalawang mata.
   Napangiti si Andrei. "Bakit? Mahal na prinsesa? What's wrong?"
   "Wa.. wala.. wala kang damit!"
   "Tss.. Oy! Huwag ka ngang OA! Nakita mo na kaya itong junior ko nung isa ka pang multo!"
   Namula si Catherine sa sinabi ni Andrei. "Ano ka! Lokohin mo ang lelang mo huwag ako! Hindi ko gawain ang tumingin ng junior ng mga lalake!"
   "Weh? Nakita mo na ito no!"
   "Bakit ko naman titignan iyan?"
   "Kasi nga.. you were my girlfriend."
   "Pwede ba! Mag suot ka muna ng damit mo bago mo ako kausapin!"
   "Tss.. opo! Akala mo kung sinong birhen!" Nakangiting sagot ni Andrei ar pagkatapos ay nag suot ito ng puting Tshirt at boxer shorts.
   "May.. may damit ka na?"
   "Oo! Pwede mo ng tanggalin 'yang mga kamay mo sa mata mo!"
   Unti unting tinanggal ni Catherine ang kanyang mga kamay sa kanyang mga mata at pagkatapos ay tumingin kay Andrei. May suot na nga itong damit.
   "...Catherine, bakit nga pala tumabi ka sa akin matulog kagabi?"
   Napalunok ng laway si Catherine. "Ang kapal din naman talaga ng mukha mo no? Ikaw nga itong tulog na tulog tapos ay hinila mo ako bigla hanggang sa napahiga ako sa tabi mo!"
   "Weh? Eh bakit hindi ka umalis?"
   "Eh paano nga kasi.. sobrang tulog na tulog ka tapos ang lakas lakas mo kaya hindi ko magawang makatakas sa yakap mo!"
   Lalong lumaki ang mga ngiti ni Andrei. "Talaga lang ha?"
   Tumayo si Catherine. "Totoo iyon no! Bakit naman kita tatabihan? Gwapo ka ba?"
   "Oo! Madaming nagsasabi sa akin na sobrang gwapo ko."
   "Pwes! Mga sinungaling sila! Ako na ang magsasabi ng totoo. Hindi ka gwapo. Tss.."
   "Okay. Sabi mo eh." Nag sindi si Andrei ng isang sigarilyo.
   "Totoo ang sinasabi ko sa'yo ha! Tsaka.. tsaka anong ginawa mo sa akin kagabi? Hindi mo naman siguro ako ni rape ng bongga no?"
   "Hoy! Mukha ba akong rapist? Ha?"
   "Medyo. Alam mo na.. kapag tulog na tulog ang babae.. nagiging hokage ang mga lalake."
   "Tss.. hindi ako ganun! Huwag mo akong igaya sa ibang lalake! Matino at disente akong lalake!"
   "Oh bakit defensive ka? Totoo no? My G! Andrei naman! Virgin pa ako sa harap at likod!"
   Halos maubo ubo si Andrei sa kanyang hinihithit na sigarilyo dahil sa mga sinasabi ni Catherine. "Catherine pwede ba? Tumigil ka na. Wala akong ginawang masama sa'yo kagabi. Okay? Wala! Wala!"
   "See? Napaka defensive mo!"
   "Eh anong gusto mong isagot ko sa'yo ha? Haayy. Nababaliw na naman ako sa'yo!"
   Humaba ang nguso ni Catherine. "Andrei, kelan tayo uuwi?"
   "Hmm.. mamayang gabi na. Nag paalam naman ako kay Yaya Teressa eh."
   "Eh diba may pasok pa tayo?"
   "Okay lang iyon! Sagot tayo ni Ashley."
   Napaisip si Catherine. Maaring mag alala si Jeho sa kanila. "Kay Jeho? Nag paalam ka din ba sa kanya?"
   "Bakit? Bakit ba tayo dapat mag paalam kay Jeho?"
   "Syempre. Mas nakakatanda mo siyang kapatid so da.."
   "Oo. Nag paalam na ako." Palusot ni Andrei. Pero hindi talaga siya nag paalam dahil alam niyang maaring mag selos ito. "..oo nga pala! Aalis tayo."
   "Saan naman tayo pupunta?"
   "Kahit saan. Mag roroadtrip tayo. Tapos madami tayong gagawin na activities." Tulad ng dati, gustong gawin muli ni Andrei ang mga ginawa nila ni Catherine nung una silang pumunta ng Crimson Resort.
   Napangiti si Catherine. "Talaga Andrei? Promiseness iyan? Sureness?"
   "Oo. Kaya maligo ka na din. Baka ma late tayo sa unang activity natin."
   "Sureness! Mahal na prinsipe!" Maarteng sagot ni Catherine at pagkatapos ay dali dali itong pumunta ng CR para mag ayos na ng sarili.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon