LONG DISTANCE

2.6K 53 3
                                    

CHAPTER 22

   Nakaupo sa sofa at seryosong nag uusap sina Andrei, ang kanyang ina na si Charlotte at si Yaya Teressa sa sala ng bahay nila.
   Si Catherine naman ay naka tayo lang sa likod ni Andrei. Hindi rin siya nakikita nina Charlotte at Yaya Teressa.
   "Kelan pa gumising si Kuya?" Seryosong tanong ni Andrei sa Ina.
   Ininom muna ni Charlotte ang kapeng nasa harapan niya bago siya nag salita. "Two days ago Andrei. Hindi namin agad sinabi sayo dahil ayaw namin na maapektuhan ang pag aaral mo. Alam namin ni Randy na busy ka sa pag aaral mo."
   Si Randy ang step father ni Andrei.
   "Eh nasaan si Papa Randy?" Tanong ulit ni Andrei.
   "Naiwan siya sa U.S para mabantayan ang kuya mong si Jeho. Andrei, ikaw ang hinahanap hanap ni Jeho."
   Si Jeho ang anak ni Randy. Kahit na step brother niya lang si Andrei ay naging malapit ang mga ito sa isat isa.
   Halata sa mukha ni Andrei na naguguluhan pa ito. Masyado itong nabigla sa balitang gumising na sa matagal na panahong comatose si Jeho. Gusto niyang pumunta sa U.S para makausap at makita na si Jeho pero iniisip niya si Catherine. Nag buntong hininga muna si Andrei. "Mama.. bigyan mo muna ako ng konting panahon para makapag isip isip."
   "Ano pa ba ang dapat mong pag isipan Andrei? Matagal na nacomatose si Jeho at ikaw ang lagi niyang hinahanap hanap. Sinabi na namin ang lahat ng dahilan sa kanya na hindi ka pa pwedeng pumunta sa U.S pero.. nalulunkot lang siya. Eh ano pa ba ang magagawa namin? Ang sabi kasi ng Doctor ay bawal ma strees si Jeho. Anak, pakiusap.. sumama ka na sa akin sa U.S."
   "Tsk.. Haayy.. At kelan naman ang alis natin patungo sa U.S?"
   "Mamayang alas onse ng gabi."
   Napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa si Andrei. "Mama naman! Mamayang gabi ka agad?"
   "Oo anak! Hindi tayo dapat mag aksaya ng panahon. Andrei, kalusugan ni Jeho ang nakasalalay sa disisyon mo. Kahit naman ako, ayokong pilitin kang sumama sa akin sa U.S dahil.. alam kong ayaw mo sa akin. Pero Andrei.. isipin mo muna ang kapatid mo. Kahit ngayon lang."
   Napapapikit si Andrei sa sobrang inis. Tumingin kay Catherine.
   Halata naman sa mukha ni Catherine na malunkot ito. Hindi ito nag sasalita.
   "Sinong tinitignan mo diyan Andrei?" Tanong ni Charlotte.
   "Wala. Nag iisip ako Mama. Tss.."
   "Ano pa ba ang dapat mong pag isipan Andrei? Tunkol ba sa school? Pwede ka naman umulit ng isang sem nexy year. Mahalaga ang kalusugan ng kuya mo."
   "Alam ko iyon! Pero.. pero may mga bagay dito sa Pinas.. na.. na hindi ko pa kayang iwan Mama."
   "Tulad naman ng ano? Girlfriend ba? Eh hindi ba ay iniwan ka na ni Anna?"
   Napalunok ng laway si Andrei. Tumingin kay Yaya Teressa.
   Tumingin naman si Yaya Teressa dingding. Buti na lang din ay hindi ito nagsasalita kay Charlotte tunkol sa nobyang multo ni Andrei na si Catherine.
   "Hindi iyon Mama. Hindi ko kayang iwan si Yaya Teressa mag isa dito!" Palusot ni Andrei.
   "Andrei.. nandito lang naman si Yaya Teressa sa bahay na ito. Siya ang magiging taga bantay ng bahay natin."
   "Pero.. walang kasama si Yaya."
   "Kaya ni Yaya Teressa na mag isa dito sa bahay na ito. Mag tiwala ka lang sa kanya. 'Diba Yaya Teressa?"
   Yumuko si Yaya Teressa. "Opo Maam Charlotte. Kaya ko pong mag isa dito. Kahit na may mga multo ng nakatira sa bahay na ito."
   Inirapan ni Catherine si Yaya Teressa.
   Ngumiti si Charlotte. "Anong multo? Yaya? Pati ikaw ay nahahawa na sa mga kalokohan nitong si Andrei. Hindi totoo ang multo. Walang multo. Okay?"
   "Pero Ma'am.. totoo pong may mul.."
   "Tulungan mo si Andrei na mag impake ng gamit niya. Sige na. Yaya."
   "Pero Maa.."
   "Sige na Yaya. Pumunta ka na sa kwarto ni Andrei at ihanda mo na ang mga ilalagay niya sa bagahe."
   Tumayo si Yaya Teressa. Gusto man niyang mag kwento kay Charlotte ay hindi naman siya binibigyan nito ng tyansang mag salita. Yumuko na lang ito at pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto ni Andrei.
   "Mama! Hanggang kelan naman ako mananatili sa U.S?" Malunkot ang mukha ni Andrei.
   "Hanggang sa pagayan ka na ni Jeho na umuwi dito sa Pinas."
   "Mama.. tsk." Parang bata si Andrei na ginulo gulo ang sariling buhok.
   "Andrei. Pakiusap. Makinig ka sa akin kahit ngayon lang. Isipin mo ang kalusugan ni Jeho. Kahit minsan naman ay mag paraya ka."
   "Mag paraya? Wow. Sa bibig mo pa talaga lumabas ang salitang paraya? Nag paraya ka. Tama. Pumunta ka sa U.S at iniwan mo ako dito dahil gusto mo ako mabigyan ng magandang future. Sacrifice nga pala ang tawag don."
   "Andrei.. alam kong galit ka sa ginawa ko pero.."
   "..pero ano? Pero isipin ko na lang na para naman sakin iyon? Oo! Alam ko iyon! Para sakin.. para sakin.."
   "Andrei.."
   "..lumaki akong hindi kita kasama! Lumaki ako kasama si Yaya Teressa. Tapos sasabihin mo ngayon na para sa magandang future ko ang ginawa mong pag iwan sa akin?"
   Hindi na sumagot si Charlotte. Ininom na lang ulit ang kapeng nasa harapan niya. Hindi rin ito makatingin sa mga mata ni Andrei.
   Nag buntong hininga si Andrei. "Mag papahangin lang ako sa labas. Mamaya na tayo mag usap Mama. Catherine. Sumunod ka sakin!" Sinabi ni Andrei at pagkatapos ay agad itong lumabas ng bahay.
   "Opo. Mahal na prinsipe." Sagot ni Catherine at pagkatapos ay mabilis na sinundan si Andrei sa labas.
   Nag taka naman si Charlotte. Tumingin tingin sa paligid. "Sinong Catherine naman ang kinakausap ng anak ko? May nakikita ba siyang hindi ko nakikita?" Tanong ni Charlotte sa sarili.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon