WAIT FOR ME

1K 19 5
                                    

Chapter 48

   Pananakit agad ng ulo ang naramdaman ni Pong pagkagising niya. Umupo mula sa pagkakahiga sa kama, tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding.
   Alas ocho na ng umaga.
   "Ashley. Bakit.. bakit kailangan mo pang magpakita sa akin kung iiwan mo din ulit ako? Bakit?" Maluha luha ang mga mata ni Pong.
   Nakatulog siya mula sa mahabang panaginip. Namumula pa ang kanyang mga mata dahil sa pag iyak, dumalaw kasi sa kanyang panaginip si Ashley.
   Umiling iling si Pong ng ulo, dismiyado dahil sa panaginip niya lang muli nakita si Ashley. Sobra na kasi siyang nangungulila kay Ashley, dagdag pa ang mga sunod sunod na problema at mga taong namamatay dahil kay Rica.
   Napahawak si Pong sa kanyang ulo.
   "Damn it. Arayyy.."
   May kasama pang pag ubo at pananakit ng lalamunan.
   Pinilit niyang tumayo, pumunta sa kanyang kusina at agad na uminom ng maligamgam na tubig.
   Nakita niya ang kanyang cellphone na nakalagay lang sa ibabaw ng lamesa, kinuha niya ito at kinabahan nang makitang naka received siya ng 57 missed calls mula sa number ni Andrei.
   Alam niyang nag karoon ng problema habang siya mahimbing na natutulog.
   Lalo pa siyang kinabahan nang nakita niya rin ang 24 missed calls mula sa number ni Anna.
   Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Anna lalong lalo na kay Catherine. Nangako kasi siya kay Ashley pati na rin kay Luisa na gagawin niya ang lahat, maprotektahan lang si Catherine. Gayong wala din ang kaluluwa ni Catherine sa kanyang sariling katawan.
   Una niyang tinawagan ang number ni Anna. Kinakabahan at halos hindi na siya huminga sa sobrang kaba.
   Sobrang dami nang namamatay. Ayaw na niyang may madagdag pa. Lalong lalo na sa kanyang sitwasyon, wala na kasi siyang trabaho at wala na siyang koneksyon sa loob ng pulisya. Ni wala na siyang kapangyarihan na kontolin, utusan at humingi ng tulong sa mga police.
   Ilang saglit lang ay may sumagot na sa tawag niya.
   "Anna? Hello? Anong nangyari?" Tanong agad ni Pong.
   "Buwahahahahahaha! Buwahahahahaha! Hahahaha!" Mga paghalakhak mula sa kabilang linya. Napalunok ng laway si Pong, alam niyang hindi iyon boses ni Anna.
   "Ri.. Rica?"
   "Tama ka! Pong? Hello? Kamusta ka na? Kamusta na ang taong pumatay kay Marcos? Ha?"
   Nanlisik ang mga mata ni Pong. Naglakad lakad papalapit sa kanyang higaan. "Hindi ka talaga titigil no? Anong ginawa mo kay Anna?"
   "Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang ginawa ko kay Anna? Why don't we meet?"
   "Meet? Handa ako. Saan at kelan?" Nang makalapit na si Pong sa kanyang Kama, kinuha niya mula sa ilalim ng kanyang unan ang isang baril.
   "Hindi ka lang pala matalino. Matapang ka din pala."
   "At ikaw, Rica. Hindi ka lang masama, dimonyo ka pa. Hindi ka pa namamatay, sinusunog na ang katawan mo sa impyerno." Ikinasa ni Pong ang kanyang hawak na baril.
   "Hahahahaha! Alam ko. At hindi mo na kailangan sabihin sa akin iyon."
   "Dimonyo ka. Nasaan si Anna?"
   "Bakit ko sasabihin sa'yo over the phone? Why don't you meet me? Nang malaman mo."
   "Saan at kelan?"
   "Ngayon. Dito sa Harbour Condominium Unit ni Anna Riz. Room 1909. Oops. Ikaw lang ha? Ayoko ng may iba kang kasama. Huwag na huwag kang magsusumbong o magsasama ng mga pulis. Alam kong alam mo na may koneksyon ako sa mga pulisya. Malalaman ko ang bawat galaw at kilos mo, ang mga plano mo..."
   "Talaga? So bakit hindi mo alam na natanggal na ako sa trabaho?"
   Tumigil ng saglit sa pagsasalita si Rica bago ito ulit sumagot. "I am so sorry to hear that. What happened? Why? Bakit nila tinanggal ang pinaka magaling na detective sa buong Pilipinas? Why did they do that to you? Why o why Dear? At hindi ko alam ang balitang iyon ha? Sobra pala ako naging busy.. kelan pa ba Pong? Haaayy.. so sad."
   "Kasalanan mo lahat ng ito Rica. Mag babayad ka. At alam kong malapit na ang araw na masisingil ka na namin sa mga kasamaang ginawa mo."
   "Tama na ang satsat. Pumunta ka na ngayon. Hihintayin kita, Okay?"
   "Hintayin mo ako. Huwag na huwag mong sasaktan sina Anna at Catherine."
   "Si Anna, yes she's safe. Lumalaban pa si Bes, buhay pa. But I don't know where Catherine is?"
   "Nasaan si Catherine?" Lalong nag alala si Pong. "Hayop ka nasaan si Catherine? Pag may nangyaring masama sa kanya hindi..."
   "Hindi ko nga alam. Hindi ko alam kung saan itinago ng bruhang ito si Catherine. Alright, Mag kita na lang tayo. Hihintayin kita. See you later, Former Detective Treg Pong Hongwei. Buwahahahahahaha!"
   Humalakhak muna ng napakalakas si Rica bago niya pinatay ang linya.
   Napatingin si Pong sa screen ng kanyang cellphone. Muli na naman niyang nakita ang mukha ni Ashley sa wallpaper ng kanyang mobile.
   "Ashley, wait for me. Malapit na tayong mag kita at mag sama."

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon