DESTINY

2.6K 49 11
                                    

CHAPTER 15

   "Damn this life! Bakit ba ako makikipag relasyon sa'yo eh patay ka na? Tell me! Bakit!!? Nahihirapan na nga ako eh! Naguguluhan ako! Nababaliw na ako! Damn this life kaya Catherine. Ayoko na!! TAMA NA! ITIGIL NA NATIN ITO! TUMIGIL KA NA!!" Galit na galit na sinabi ni Andrei.
   Unti unting lumuluha ang mga mata ni Catherine. Hindi siya makasagot kay Andrei.
   Biglang napahinto si Andrei nang makita si Catherine na umiiyak. Napalunok siya ng laway. Medyo pinagsisisihan niya ang mga nabitawang salita. Naawa siya bigla kay Catherine.
   "Ca.. catherine. I am sorry." Maamong sinabi ni Andrei.
   Hindi sumagot si Catherine. Umiiyak na ito na parang bata. Maya maya pa ay sinampal niya si Andrei sa kaliwang pisngi at pagkatapos ay mabilis na tamakbo papalayo.
   "Catherine! Catherine! Wait! I am sorry! Mag usap tayo!" Sigaw naman ni Andrei.
   Sinundan sana niya si Catherine pero nakita niya si Ayna na tumatakbo papalapit sa kanya.
   Hindi na niya matawag ang pangalan ni Catherine. Pinag masdan na lang niya si Catherine na tumatakbo papalayo sa kanya.
   "Andrei! Anong nangyari? Bakit ka biglang umalis? Galit ka ba sa akin?" Tanong ni Ayna nang makalapit ito sa kanya.
   "Ahmm. Ayna. Hindi naman sa ganon. Bakit naman ako magagalit?"
   "Eh bakit bigla kang umalis? May.. may problema ba?"
   "Wala naman. Takot kasi ako sa tubig kaya.. kaya bigla akong umalis."
   "Ganun ba? But you were still able to save me. Salamat Andrei." Niyakap ng mahigpit ni Ayna si Andrei.
   "Te.. teka Ayna." Hinawakan ni Andrei ang mga balikat ni Ayna.
   "Basang basa ka ang mga damit mo. Gusto mo ba Andrei na ibili muna kita ng bagong damit?"
   "No. Thank you na lang Ayna. But.. I really need to go now. May pupuntahan pa kasi ako eh."
   "Ganun ba? Saan naman? Hindi ba ako pwedeng sumama sa'yo?"
   "Ayna.. kasi.. ano eh.. family matter."
   "Eh hindi ba nasa U.S ang family mo Andrei?"
   "Ano kasi.. tama! Relatives ko! May kailangan akong imeet na cousins. Importante lang kasi eh. I am sorry Ayna."
   "Okay lang Andrei. May next time pa naman eh. Tsaka.. malapit na rin mag dilim. Uuwi na rin ako."
   Biglang napaisip si Andrei. "Ayna. I'd like to ask you something before I go."
   "Sure Andrei. Ano iyon?"
   "Paano ka nalunod sa ilog? May naramdaman ka ba na parang.. may tumulak sa'yo?"
   "Nope. Tumalon ako sa ilog. Nahulog kasi yung cellphone ko. Tss.. ayaw na tuloy gumana ng cellphone ko. Sayang yung mga pictures natin. Pero okay lang kasi may na saved naman ako sa dala kong camera."
   "Paano ba nahulog ang cellphone mo sa ilog?"
   "Madalas kasing madulas ang cellphone ko sa kamay ko kasi pasmado ang mga palad ko. I am sorry Andrei kung nag alala ka. But see? I am totally fine naman. Thank you for saving my life."
   Lalong na guilty si Andrei sa mga nabitawan niyang salita kay Catherine. Ngayon ay nalaman na niya na walang masamang ginawa si Catherine kay Ayna.
   "Walang anuman Ayna. Pero next time.. mag iingat ka. Okay? Your life is more important than this cellphone. Okay?"
   "Naiintindihan ko Andrei."
   "Ayna. I really need to go now. I am sorry pero hindi na kita maihahatid sa inyo. Sorry Ayna."
   "It is okay." Sagot ni Ayna.
   Nag buntong hininga muna si Andrei at pagkatapos ay mabilis itong tumakbo papalayo.
   Mabilis siyang tumatakbo para habulin at hanapin si Catherine. Sobra siyang binabagabag dahil sa mga nabitawan niyang salita kay Catherine.

...

   Nasa isang coffee shop si Marco habang nagbabasa ng news paper nang biglang tumunog ang cellphone niya na nakalagay lang sa table.
   Muli siyang kinabahan nang makita ang number na tumatawag ulit sa kanya. Pangatlong beses na itong tumatawag sa kanya. Hindi ito nagpapakilala at lagi siyang tinatakot nito. May alam ito sa pag kamatay ni Catherine.
   Naka tatlong tawag pa ito bago sinagot ni Andrei ang cellphone.
   "Ano ba ang kailangan mo?" Mahinang boses ni Marco.
   "Teka naman. Marco! Hindi mo ba muna ako kakamustahin?"
   "Bakit kita kakamustahin? Mag kakilala ba tayo? O kilala ba kita? Ano ba ang kailangan mo para tumigil ka na? Pera? Ha?"
   "Hahahaha! Kung pera lang naman ang pag uusapan Andrei.. mas marami akong pera sayo. Kaya sayong sayo na ang pera mo."
   "Eh pu**ang ina ka pala eh! Huwag ka nang tumawag kung wala ka naman kailangan!"
   "Palagay mo ba Marco na kaya ako tumatawag sa'yo ay dahil may kailangan ako sa'yo?"
   "Anong ibig mong sabihin?"
   "Kailangan ko ang CCTV records na kinuha at tinatago mo."
   "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."
   "Ganun ba? Hindi mo ba talaga alam Marco? Ako kasi.. alam ko. Alam na alam ko ang lahat. Alam ko na ikaw ang pumatay sa ex girlfriend mo! Bakit hindi ka na sumuko Marco? Bakit hindi mo na lang ibigay sa mga pulis ang CCTV?"
   "Hindi ako ang pumatay kay Catherine!" Sa sobrang galit ni Marco at nayuyupi na niya ang hawak niyang news paper.
   "Kung hindi ikaw ang pumatay kay Catherine. Bakit mo tinatago ang cctv record? Natatakot ka ba? Natatakot ka ba na hulihin ka ng mga pulis?"
   "Kung matapang ka.. makipag kita ka sa akin. Hindi puro pananakot lang ang ginagawa mo!"
   "Teka lang.. Marco. Hindi bat may bago kang kasalanan? Kinidnap mo si Troy De Guzman at pinag papalo mo ng baseball bat. Alam mo ba na hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin siya? Paano kung.. malaman din iyon ng mga pulis?"
   "Pa..paano mo nalaman ang lahat ng ito?"
   Tumawa ng malakas ang caller. "Buwahahahaha! Marco! Ang dali mong hulihin! Bakit mo agad inaamin?"
   "Tss.. put*ng ina mo!"
   "Makinig ka sa sasabihin ko Marco. Makinig kang mabuti. Alam ko ang bawat galaw at kilos mo. Alam ko kung nasaan ka.. kung sino ang mga kasama mo.. kung ano ang mga pinaplano mo. Alam ko ang lahat ng iyan kaya mag iingat ka."
   Tumingin tingin si Marco sa paligid. "Nasaan ka Pu**ng ina ka?"
   "Hinding hindi mo ako makikita Marco. Kahit hanapin mo pa ako sa pinaka sulok ng mundo.. hinding hindi mo ako makikita.. hinding hindi mo ako mahahanap. Let's say.. ako ang kunsensya mo."
   "Matagal na akong walang kunsensya." Seryosong sinabi ni Marco at pagkatapos ay pinatay na niya ang linya. Pinatay na rin niya ang cellphone niya para hindi na muling makatawag ang caller.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon