COMMITMENT

2.3K 71 8
                                    

CHAPTER 24

   Halos 30 minutes din ang tinagal ng fireworks. Hindi maipaliwanag ni Catherine ang sobrang saya at galak na nararamdaman niya nung mga oras na iyon.
   "Andrei. Maraming salamat." Nakangiting sinabi ni Catherine.
   "Wala iyon. Gawain ko talaga ang mag surprise sa mga taong mahal ko. Lalo na sa girlfriend ko.. ay.. I mean.. my future wife?" Pagmamayabang ni Andrei. "At tsaka.. kanina ko pa kasi napapansin na parang ang tamlay tamlay mo eh."
   "Hindi naman. Okay lang naman ako Andrei. Siguro dahil lang sa masamang panaginip ko kanina kaya medyo matamlay ako buong maghapon."
   "Kalimutan mo na iyon. Okay?" Nakangiting sagot ni Andrei.
   Maya maya pa ay biglang nanlaki ang mga mata ni Andrei habang nakatingin ito kay Catherine..
   Napansin naman iyon ni Catherine. "Bakit Andrei? May problema ba?"
   "Ca.. Catherine.. ayos ka lang ba?"
   "Oo naman. Bakit??"
   "Catherine.. an.. anong nangyayari sayo?"
   Unti unting lumalabo ang buong anyo ni Catherine. Unti unti siyang naglalaho.
   "Ano ba kasing nangyayari Andrei???" Tanong ulit ni Catherine.
   "Catherine.. unti unti kang naglalaho.. I mean.. yung.. yung buong katawan mo."
   Lalong nag taka si Catherine sa mga sinabi ni Andrei. Unti unti siyang yumuko para tignan ang kanyang sarili.
   Nanlaki din ang mga mata ni Catherine nang unti unti ngang naglalaho ang buo niyang katawan. "O.. oh my.. oh my super G. Anong nangyayari sa akin Andrei? Anong nangyayari? Na.. nasaan yung.. yung mga kamay ko? Anong nangyayari sa akin Andrei? Anong nangyayari sa akinn!!? OMG!"
   Hindi makasagot si Andrei sa mga tanong ni Catherine sa kanya. Sobra din siyang natatakot sa mga nakikita niya. Wala siyang ibang ginawa kundi yakapin ng mahigpit si Catherine.
   "Andrei... anong nangyayari sa akin? Andreii.. natatakot ako! Andreii!" Umiiyak na sinabi ni Catherine.
   "Catherine. Huwag mo akong iwan. Huwag mo muna akong iwan. Hindi pa ako handa. Pakiusap.. huwag mo muna akong iwann.."
   "Andrei.. tulungan mo ako.. ayoko pang umalis.. ayoko pang iwan ang mundong ito Andreii."
   Hinigpitan pa ni Andrei ang pagkakayakap niya kay Catherine.
   "Andrei.. Andre.. And.." Nanghihina ang buong katawan ni Catherine.
   Napansin naman iyon ni Andrei. Hinawakan ni Andrei ang dalawang balikat ni Catherine. "Catherine! Catherine!"
   "Andrei.. ayoko pang mawala.." Huling mga salita na sinabi ni Catherine hanggang sa tuluyan ng pumikit ang mga mata nito at tumumba.
   Nasalo naman agad siya ni Andrei. "Catherine!! Catheerrinnee! Gumising ka! Gumising kaaa!"
   Nawalan na ng malay si Catherine.
   Biglang lumapit si Jeho sa kanilang dalawa. "Andrei! Anong nangyayari?"
   "Hindi ko alam. Jeho! Tulungan mo ako! Nawalan na siya ng malay! Hindi ko alam ang gagawin ko!"
   Nakita ni Jeho na unti unting naglalaho ang buong anyo ni Catherine. Napa atras ito. "Hind.. hindi pwedeng mangyari ito! Hindi pwede!"
   "Anong ibig mong sabihin Jeho?"
   "Yung.. yung buong katawan niya. Unti unting naglalaho."
   "Hindi kita maintindihan Jeho pero pakiusap!! Kailangan ko ng tulong mo ngayon! Tulungan mo ako at sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin!" Natataranta na si Andrei.
   "Wala kang ibang dapat gawin kundi mag hintay!"
   "Mag hintay? Anong hihintayin ko? Na tuluyan ng mawala si Catherine? Na tuluyan na niya akong iwan?" Unti unting pumapatak ang mga luha ni Andrei. "Catherine. Gumising ka. Huwag mo muna akong iwan. Pakiusap.. Catherine!! Catherineeeee!!!"
   Naglakas loob na si Jeho at nilapitan niya si Catherine. "Andrei.. makinig ka sa sasabihin ko. Wala ka dapat ikatakot. Alam kong babalik din siya sa normal."
   "What do you mean Jeho na hindi ako dapat matakot??"
   "Walang masamang nangyayari kay Catherine."
   "Ano???" Laking pagtataka ni Andrei.

...

   Unti unting minumulat ni Catherine ang kanyang mga mata. Kapansin pansin ang ang apoy na nakasindi sa isang kandila na nagsisilbing liwanag sa buong paligid niya.
   Tumingin siya sa buong paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na iyon. Hindi niya alam kung nasaan siya.
   Pinilit niyang bumangon pero hindi siya maka galaw. Sobrang sakit ng kanyang buong katawan.
   "Araa.. aray.. ouches! Ang sakit ng ulo ko.." Sobrang sakit din ng kanyang ulo.
   Hindi man niya nakikita pero ramdam niya ang naka balot na bandage sa kanyang ulo.
   "Na.. nasaan ako?" Tanong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran.
   Nasa loob siya ng isang maliit at lumang kubo. Pansin din niya na madilim sa labas.. patunay na gabi pa sa mga oras na iyon.
   "Anong.. anong nangyari sa akin? Anong nangyari at bakit nandito ako?"
   Pinikit niya ang kanyang mga mata para alalahanin ang mga nangyari sa kanya.
   Mga mabibigat na yapak ng paa ang naririnig niya mula sa labas ng bahay.
   "May tao."
   Nanatili siyang naka pikit para mag panggap na natutulog.
   Maya maya pa ay napansin niya na mukhang nasa loob na ng maliit na kubo ang taong iyon.
   Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata para masilip kung sino iyon.
   Isa itong babae. Nakatalikod ito habang sinasarado ang kurtina sa nag iisang bintana ng kubo.
   Hinintay niyang lumingon ito para masulyapan ang mukha ng babae. Pero hindi ito limilingon.
   Hindi maganda ang pakiramdam niya sa babaeng ito.
   Nakita niya ang isang maliit na kutsilyo hindi kalayuan sa kanya.
   Napa isip siya. Kailangan niyang makuha ang kutsilyong iyon para maprotektahan niya ang kanyang sarili at para makalabas na siya sa kubong iyon.
   Pero hindi siya makagalaw. Ni hindi niya maiangat ang kanyang mga kamay at mga paa.
   Bigla niyang naramdaman ang mga nakataling lubid sa kanyang buong katawan. Lalo siyang nagtaka kung bakit. Lalo siyang kinabahan. Lalo siyang nakaramdam ng takot.
   Hindi siya makasigaw. Hindi siya makapag salita. Tanging pagluha lang ang kanyang tanging nagagawa.
   Muli siyang pumikit para makaisip ng ibang paraan para maka alis na sa kubong iyon.
   Pero paano niya magagawa iyon kung naka tali ng lubid ang kanyang buong katawan. Paano?

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon