CHAPTER 33
"Si.. sino ka?" Nanlalaki ang mga mata ni Marcos nang makakita ng isang hindi maipaliwanag na nilalang.
Takot na takot siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, hindi niya alam kung ano ang dapat gawin para takasan ang halimaw na iyon.
Madilim ang buong paligid. Wala na siyang ibang makita kundi ang dilim.
Ngumiti ito sa kanya. Sobrang nakakatakot ang itsura nito. Tao kung titignan mo ngunit nanlilisik ang mga mga mata nito, may dalawang sungay, may buntot, may mga pangil at nag aapoy ang buong katawan.
"Marcos Chen. Ikaw ay aking sinusundo." Nakangiting sagot nito.
"Sa.. saan mo ako dadalhin?" Tanong ni Marcos.
"Ikaw ay kasalukuyang isang kaluluwa. Patay ka na Marcos at kailagan na kitang sunduin."
"Hinde! Hindi ako naniniwala sayo! Hindi ako patay! Hindi pa ako patay! Hindi pa ako tapos sa kanila! Mag hihiganti ako sa ginawa nila sa akin lalong lalo na sa detective na iyon!"
"Patay ka na Marcos. Wala ka ng magagawa. Buwahahaha!"
Napa luhod si Marcos. "Hindi pwedeng mangyari ito. Alam kong isa lang itong panaginip! Isa lang itong panaginip!"
"Wala ka nang magagawa Marcos. Sumama ka na sa akin."
"At bakit ako sasama sayo? Sino ka ba?"
"Buwahahaha! Buwahahaha! Ako lang naman si KAMATAYAN. Nandito ako para sunduin ka. Hinihintay ka na ni Satanas sa impyerno. Buwahahaha!"
Halos maiyak na si Marcos sa mga narinig niya. Hindi siya makapaniwala na isa na siyang patay at nasa harapan niya mismo si Kamatayan. Mas lalong hindi siya makapaniwala na pupunta na siya ng impyerno. "Hindi.. hindi.. nananaginip lang ako.. nananaginip lang ako."
"...buwahahaha! Buwahahaha!" Patuloy na humahalakhak si Kamatayan.
Maya maya pa ay lumindol ng malakas. Nag buka ang lupa. Hindi na nagawa ni Marcos na umalis sa kanyang kinaluluhudan. Nilamon siya ng lupa.
"AHHHHHHHHHH!!" Wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw na lang habang unti unting nilalamon ng lupa ang kanyang buong katawan....
Unti unting minulat ni Catherine ang kanyang mga mata. Nilibot ang tingin sa buong paligid. Nakita niya ang digital na orasan na nakasabit sa dingding, alas ocho na ng umaga.
Napansin niya ang nakakabit na nakatusok na dextrose sa kanyang kamay. Meron din oxygen na nakakabit sa kanyang ilong.
Nasa hospital siya.
Saka niya napag tanto ang lahat, nakaligtas siya mula sa pagkakabaril sa kanya ng kanyang pangalawang Ama.
Napatingin si Catherine sa kanyang gilid. Naroon ang kanyang Ina na si Luisa, nakaupo ito habang kinakausap sina Pong at Ashley.
"Maraming maraming salamat sa tulong mo Detective, maraming salamat din sa'yo Ashley." Sinabi ni Luisa sa dalawa.
"Wala po kayo dapat ipasalamat Ma'am Luisa. Ginawa ko lang naman po ang aking trabaho." Si Pong.
Ngumiti si Luisa. "Huwag mo na akong tawagin na MA'AM, from now on. Tita na ang itatawag niyo sa akin."
Nag katinginan ang dalawa sa isa't isa.
"Sige po Tita Luisa." Nakangiting sagot ni Ashley.
"Tita Luisa. Pasensya na po kung medyo natagalan po ang pagsulba ko sa kaso ng anak niyo." Si Pong.
"Naku, ako ang pag pasensyahan mo kasi minaliit ko masyado ang kakayahan mo Pong." Si Luisa.
Napabuntong hininga si Pong. "Aaminin ko po Tita, sobra po akong nahirapan sa kasong ito. Pero sa tulong at suporta po ni Ashley, nagawa ko pong tapusin ito ng maayos."
"Tss.." Si Ashley.
"Ganun ba? Teka nga, matanong ko lang ha? Ano ba ang relasyon niyong dalawa? Kayo ba?"
Napa lunok ng laway si Ashley. Hindi ito makasagot. Naalala niya kasing nangako siya kay Pong na papayagan niya itong manligaw sa kanya sa oras na matapos ang kaso ni Catherine.
"Hindi pa po Tita. Hindi pa nga po niya ako pinapayagan manligaw eh." Si Pong.
"Nakuu.. Ashley. Kelan mo ba papayagan na ligawan ka nito ni Pong?" Nakangiting tanong ni Luisa.
"Ahmm.. ano po eh." Hindi makaisip ng palusot si Ashley. Tumingin tingin lang ito sa paligid hanggang sa napansin niya na nakatingin sa kanya si Catherine.
Napatayo si Ashley mula sa kinauupuan. "Ca.. Ca.. Catherine??"
Napatingin din sina Pong at Luisa kay Catherine.
Gising na si Catherine.
"Anak kooo!" Maluha luhang lumapit si Luisa kay Catherine. "Anak ko? Gising ka na? Sa wakas ay gumising na ang anak ko!"
"Tatawag lang po ako ng Doctor." Si Pong.
Agad na tinanggal ni Catherine ang oxygen na nakalagay sa kanyang ilong. "Huwag ka nang tumawag ng Doctor." Biglang sambit ni Catherine. Nananatiling nakahiga sa kama.
"Pero Anak.." Si Luisa.
"Ma, huwag na po kayong tumawag ng Doctor or nurses. Ayos lang po ako." Tumingin si Catherine kanina Pong at Ashley. "Sir, Ma'am, Can you excuse us for a minute or two? Gusto kong makausap ang Mama ko in private."
Napatingin na lang si Luisa sa dalawa. Ngumiti ito na ang ibig sabihin ay lumabas muna sila saglit ng kwartong iyon.
Wala nang magawa ang dalawa. Ngumiti na lang ito sa kanila at pagkatapos ay lumabas iniwan na sila sa loob ng kwarto.
"Anak. Ayos ka lang ba? Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng Doctor?"
"Ma, ayos lang po ako. Ilang araw na po ako nandito sa hospital?"
"Tatlong araw, Anak. Buti na lang ay nakaligtas ka. Nagawa mong lumaban anak. Takot na takot ako nung nalaman ko ang nangyari sayo."
"Nasaan si Marcos?"
Yumuko si Luisa. "Wala na si Marcos. Sa wakas ay napatay na rin ang hayop na iyon. Naaalala mo ba yung mga taong pinalabas mo ngayon dito? Ang lalakeng iyon ay si Detective Pong at ang kasama niya ay si Ashley Crimson. Sila ang mga taong tumulong sa'yo. Simula't sa una, sila ang tumulong sa akin na alamin ang lahat. Pinalabas kasi ni Marcos na patay ka na, pinaglamayan pa namin ang bangkay na akala namin ay sa iyo. Pinalibing pa namin iyon. Pero dahil sa tulong nila, nagawa namin na malaman ang totoo."
Napalunok ng laway si Catherine. Hindi siya makapaniwala sa mga kwento ng kanyang Ina. "Ma, patawarin niyo po ako. Nang dahil sa akin ay namatay ang asawa niyo."
"Wala kang kasalanan Anak. Kung meron man na dapat mamatay ay si Marcos iyon. Dimonyo ang taong iyon. Dimonyo siya."
"Paano po ang kasulatan? Ano na po ang mangyayari sa atin?"
"Huwag kang mag alala. Anak, ang kalahati ng pera ni Marcos ay nasa charity, ang kalahati ay mapupunta sa atin. Tungkol naman sa kumpanya, binenta ko na ito para makapag tayo ako ng bagong business sa ibang bansa."
"Sa ibang bansa?"
"Oo anak, hinihintay lang kita na gumising. Mag hintay lang tayo na tuluyan nang gumaling ang sugat mo at pagkatapos ay pupunta tayo sa Malaysia. Doon na tayo maninirahan."
"Bakit kailangan pa na sa Malaysia tayo manirahan? Bakit hindi dito sa Pinas tayo mag simula ng panibagong buhay?"
Hinawakan ni Luisa ang kamay ng kanyang anak. "Hindi tayo pwedeng manirahan dito. Hindi tayo pwedeng mag stay dito sa Pinas. Magiging mapanganib para sa atin ang manatili pa dito."
"Bakit naman Ma? Hindi ba't wala na si Marcos? Patay na siya di'ba?"
"Anak, makinig ka. Nakatakas si Rica."
"Ano? Nakatakas si Rica?"
"Oo anak, kaya hindi tayo pwedeng mag stay pa dito. Alam kong sa kahit anong oras ay pwede siyang magpakita sa atin at pwede niya tayong patayin para makapag higanti."
Nanlisik ang mga mata ni Catherine. "Talagang mag hihiganti siya dahil sa akala niyang mapupunta sa kanya ang lahat ng pera ni Marcos."
"Tama ka Anak, kaya sumama ka sa akin sa Malaysia. Mag pagaling ka na para makaalis na tayo dito sa bansa. Wala akong ibang pinagsabihan tungkol sa mga plano natin na ito. Kahit sina Pong at Ashley."
Napa buntong hininga si Catherine. "May naaalala pa ako Mama at gusto ko po itong itanong sa inyo kung pwede lang po."
"Sige lang Anak, ano iyon?"
"Mama, sino naman ang mga taong iyon? Yung Troy at.. Andrei?"
Kumunot ang noo ni Luisa. "Hindi mo ba sila kilala anak?"
"Hindi po."
"Hindi mo sila naaalala?"
"Hindi rin po. Sino po ba sila? Ang tanging naaalala ko lang na nakilala ko sila ay yung araw na binaril ako ni Papa sa likod ko."
"Sigurado ka ba Anak? Eh halos araw araw kang dinadalaw ng mga lalakeng iyon. Ang sabi nila, kaibigan mo daw yung Troy at Boyfriend mo daw yung Andrei."
Lalong nag taka si Catherine. "Ano? Boyfriend ko yung Andrei? How come? Eh ang huli kong ex boyfriend eh yung gagong Marco na iyon!"
"Eh sino ang mga taong iyon? Ganun din naman ang paliwanag sa akin nina Pong at Ashley. Ang sabi nila ay kilala mo daw ang mga taong iyon."
"Mama, ikaw naman ang makinig sa sasabihin ko. Sigurado akong scam ang mga taong iyan. Mag kakasama sila! Mga con artists ang mga taong iyon! Hindi ka dapat maniwala sa kanila Mama. Hanggat maaga pa, umalis na tayo dito sa Pinas. Wala na akong pwedeng pagkatiwalaan pa dito."
"Pero Anak. Hindi naman siguro ganung mga tao sina Pon.."
"Mama naman! Isipin mo ito ha? Alam nilang mapupunta sa atin ang pera ni Marcos kaya they're trying na makipag close sila sa atin, they try to get our trust. Ma, please." Seryosong sagot ni Catherine.
Hindi na sumagot si Luisa. Napaisip na lang ito. Maaring tama si Catherine. Wala na nga sigurong tao ang pwede pang pagkatiwalaan sa mga panahon ngayon.
Biglang nag bukas ang pintuan ng kwarto na iyon. Pawis na pawis at mukhang pagod na pagod si Andrei na pumasok sa kwarto at nilapitan ang dalawa. May hawak din itong mga bulaklak. "Catherine! Catherine. Salamat sa Dios at sa wakas ay gising ka na!"
Hindi sumagot si Catherine. Nanatili itong nakatingin kay Andrei.
"Tinawagan ako ni Pong eh. Ang sabi nila ay gising ka na daw kaya agad akong pumunta rito. Ayos ka lang ba? Masakit pa ba ang sugat mo?"
Hindi pa rin sumasagot si Catherine.
"...Catherine. Mahal na prinsesa!" Hahawakan sana ni Andrei ang kamay ni Catherine.
"Huwag kang lumapit sa akin." Si Catherine.
Napaisip si Andrei. Oo nga naman. Maaring hindi na siya maalala ni Catherine. Napa lunok na lang ito ng laway. "Ca.. Catherine."
"Sino ka? Sino kayo? Anong mga pinaplano niyo?"
"Catherine. Ako.. ako.. ak.." Hindi alam ni Andrei kung sasabihin ba niya ang totoo kay Catherine. Sigurado kasi siyang hindi agad agad ito maniniwala sa kanya.
"Oo. Ikaw si Andrei? Boyfriend kita? Tama ba?"
"Tama ka Catherine. Tama ka! Naaalala mo na ba ang lahat?"
Napangiti si Catherine. "Tss. Alam mo, nakakatawa ka. Nakakatawa kayo. Kayong lahat! Kung sa akala mo ay maniniwala ako sayo pwes, sinasabi ko na sayo na umalis ka na dito bago pa ako tumawag ng securty."
"Catherine. Alam kong mahirap paniwalaan pero ako ang boyfriend mo!" Maluha luha ang mga mata ni Andrei. Parang dinudurog ang puso niya. Hindi siya maalala ni Catherine.
"Talagang mahirap paniwalaan lalo na't alam ko na nagsisinungaling lang kayo. Tss. Iba na talaga ang mga tao sa panahon ngayon. Gagawin ang lahat para lang sa pera."
"Pero Catherine!"
"Lumabas ka na! Salamat dahil tinulungan niyo akong makatakas at maligtas sa mga kamay nina Marcos at Rica pero mula ngayon.. ayoko ng makita ang mga mukha ninyo!"
"Catherine naman. Hindi mo ba talaga maalala ang mahal na prinsipe?" Agad na lumapit si Andrei kay Catherine. Hinawakan ang kamay nito at pagkatapos ay nilagay ito sa kanyang dibdib. "Ito. Itong puso ko. Pakinggan mo ito."
"Bitawan mo ako!"
"Pakinggan mo Catherine! Pakinggan mo ang tinitibok ng puso kong ito!"
"Bitawan mo ang anak ko!" Pinipilit naman ni Luisa na ilayo si Andrei mula sa kanyang anak pero sadyang malakas si Andrei dahil lalake ito.
"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Si Catherine. Kahit si Catherine ay hindi magawang mag pumiglas at alisin ang kamay niya sa dibdib ni Andrei.
"CATHERINE! PAKINGGAN MO!" Mataas ang boses ni Andrei. Lumuluha na rin ito.
Pumasok sa kwarto sina Pong, Ashley at Troy.
"Andrei, tama na. Bitawan mo na si Catherine!" Si Pong.
Agad na inawat ng tatlo si Andrei.
Wala ng magawa si Andrei. Nagawa siyang ilayo ng tatlo.
"Catherine! Pakiusap! Alalahanin mo ang lahat! Nangako tayo sa isat isa! Na.." Si Andrei.
"Umalis ka na sabi! Umalis na kayo dito at ayoko na kayong makita!" Si Catherine.
Lumapit si Luisa sa anak. "Catherine, Huminahon ka. Pakiusap. Masama sa kalusugan mo ang magalit!"
"Mahal na prinsesa. Please! Please. Nag mamakaawa naman ako ohh! Pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko!" Umiiyak na si Andrei.
"Wala na tayo dapat pag usapan pa! Umalis na kayo. Alis!! Alis na! Ayoko na kayong makita! Huwag na kayong babalik dito!"
"Catherine. Huminahon ka. Subukan mong kumalma. Hindi kami masasamang tao." Si Pong.
"Isa ka pa! Ginagamit mo lang ang Mama ko para makuha niyo ang pera na mamanahin namin mula kay Marcos!" Si Catherine.
"Nagkakamali ka. Wala kaming intensyon sa pera ng pamilya mo! Nandito kami dahil magkakaibigan tayo. Bakit hindi mo muna kami hayaan mag paliwanag sa'yo?" Si Ashley.
"Para ano pa? Para mapaniwala niyo kami ng Mama ko? Wala akong tiwala sa inyo! Hinding hindi niyo makukuha ang pera namin!"
Si Troy naman ang nagsalita. "Catherine, kung pera lang ang habol namin sa inyo.. hindi namin sasayangin ang buhay namin para lang iligtas ka mula sa mga kamay nina Marcos at Rica!"
"Edi salamat! Ano pa bang gusto niyo higit sa salitang salamat? Pera diba?"
Wala ng sumagot kay Catherine. Hindi sila makapaniwala sa inaasal ni Catherine. Ibang iba ito kumpara sa kaluluwang Catherine na kilala nila.
"Mahal na prinsesa. Nag mamakaawa ako sayo. Mag papaliwanag muna ako oh!" Si Andrei.
Nag lakas loob na si Luisa na mag salita. "Pwede ba? Ako na ang makikiusap sa inyo. Umalis na kayo. Hindi magiging mabuti sa kalusugan ng anak ko ang mga ginagawa niyo! Hindi siya naniniwala sa inyo!"
"Pero Tita.." Si Pong.
"Pakiusap. Kung hindi pa kayo umalis ay mapipilitan akong tumawag na ng mga securty." SI Luisa.
Wala na silang magawa. Si Luisa na ang nakikiusap sa kanila na umalis.
Patuloy na nakatingin si Andrei kay Catherine. Umiiyak. Gusto niyang ipaliwanag ang lahat kay Catherine. Gusto niyang ibalik ang mga ala ala nito sa kanya. Pero paano?
Si Catherine naman ay umiiwas ng tingin kay Andrei. Katunayan na ayaw siyang makita nito.
Hinawakan ni Troy ang balikat ni Andrei. "Tol, tara na. Sige na."
"Troy. Alam mon.." Si Andrei.
"Oo na. Alam ko naman ang totoo eh. Alam namin nila Pong at Ashley ang totoo. Maaring hindi pa ito ang tamang oras. Kagigising lang ni Catherine. Bigyan muna natin siya ng konting panahon parahon para makapag isip isip. She needs to rest first." Paliwanag ni Troy.
"Tara na Andrei." Si Ashley.
Hinawakan na ni Troy ang braso ni Andrei para hilahin ito papalabas.
Dahan dahan na umaatras si Andrei habang nakatitig pa rin kay Catherine. Ngunit hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.
Maya maya pa ay tuluyan na rin lumabas sa kwartong iyon sina Andrei, Troy, Pong at Ashley.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...