CHAPTER 13
"Andrei.. yuhuu!! Gumising ka na. Malalate ka na sa school."
Mahina at malambing na boses ni Catherine ang naririnig ni Andrei habang mahimbing siya na natutulog.
Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya. "Cath?"
Ngumiti si Catherine. "Alas sais na ng umaga. Ako na ang nag luto ng breakfast mo. Bongga diba? Nakita ko kasi si Yaya Teressa na lumabas kaninang 5am. Hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik."
Mula sa pagkakahiga sa kama, umupo si Andrei. "Ganun ba? Salamat Catherine."
"Walang anuman mahal na prinsipe. Bumangon ka na diyan. Masarap ang mga niluto kong pagkain."
"Ano ba ang mga niluto mo?"
"Hotdog."
"Hotdog?????? Anong gagawin ko sa hotdog mo??"
"Wala akong hotdog! Ikaw kaya itong may hotdog!" Sagot ni Catherine.
"Catherine naman.. biruin mo na ang lasing.. huwag lang ang bagong gising."
"Eh anong gagawin ko nga kung hotdog ang niluto ko!? Buti nga pinag lutuan pa kita ng almusal diyan! Anong gusto mo? Itlog?" Pinitik ni Catherine ang noo ni Andrei.
"Arayyy!! Ano ba!! Catheeeerine naman!!!" Si Andrei.
"Bumangon ka na diyan! Hihintayin kita sa kusina ha! Bilisan mo! Ayokong mag hintay! Sawang sawa na akong mag hintay!" Mataray na sinabi ni Catherine at pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto.
"Mag hintay ka mag isa mo! Bahala ka! Kainin mong mag isa ang hotdog mo! Ubusin mo! Mabulunan ka sana!!!" Sigaw ni Andrei.
Muli ulit pumasok ng kwarto si Catherine. May hawak na itong kutsilyo. "Anong sinabi mo????? Pakiulit!"
Parang bata si Andrei na ginulo ang buhok dahil sa sobrang inis. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone niya na nasa tabi niya lang.
"Sino na itong bwisit na tumatawag na ito? Ang aga aga!!" Sinabi ni Andrei sa sarili at pagkatapos ay sinagot na ang tawag mula sa unknow number.
"Hello?? Sino ito?"
"Magandang umaga kaibigan." Boses ni Marco.
"Bakit ka napatawag Marco?"
Lumapit si Catherine kay Andrei para mapakinggan ang mga sasabihin ni Marco.
"Woah!! Andrei. Ang aga aga! Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal ng nanay at tatay mo? Kapag binati ka ng magandang umaga, sabihan mo din ng magandang umaga!"
"Paanong gaganda ang umaga ko kung ikaw agad ang makakausap ko?"
"Easy ka lang Marco. Sige ka. Baka lalo ko pang masaktan ang kaibigan mo?"
"Anong.. anong ibig mong sabihin?"
"Ayaw mo bang hulaan?"
"Hindi ako manghuhula kaya sabihin mo na!!"
Mula sa kabilang linya ay dinig na dinig ang pag tawa ng malakas ni Marco. "Hahahaha!!! Well.. Andrei. Mukha kasing may alas akong hinahawakan ngayon. Alas na pwede kong maipanalo sa'yo. Alas na pwede kong patayin anytime ko gusto. Alas.. ahas.. alas.. ahas.."
"Huwag ka nang mag paligoy ligoy pa. Sabihin mo na!!!"
"Well Andrei. Anong gagawin mo? Kung sasabihin ko sayo na hawak ko ngayon ang kaibigan mong ahas.. si Troy."
"Huwag na huwag mong sasaktan ang kaibigan ko. Pakiusap. Marco."
"Hmm.. well. Madali naman akong kausap Andrei."
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Makipag kita ka sa sakin. Pumunta ka sa itetext ko sayong address. Bibigyan lang kita ng tatlong oras para puntahan at iligtas ang kaibigan mo. Hihintayin kita."
"Marco. Nakikiusap ako sa'yo. Huwag na huwag mong sasaktan si Troy."
"Kung pupunta ka.. walang mangyayaring masama sa kaibigan mo. Ikaw lang ang gusto kong makita. Huwag na huwag kang magsusumbong sa mga pulis o kahit kanino man. Or else.. beng!! Sasabog ang utak ng kaibigan mo."
"Maasahan mo ako. Text me the exact address. Pupunta agad ako. Ako lang mag isa." Takot na takot na sagot ni Andrei at pagkatapos ay binaba na niya ang linya.
Narinig ni Catherine ang mga pinag usapan ni Andrei at Marco. "Andrei please. Huwag kang pumunta ng mag isa doon. Baka may mangyaring masama sa'yo. Mapapahamak ka lang."
"Buhay ng kaibigan ko ang nakasalalay dito. Gagawin ko ang lahat para sa kaibigan ko. Kahit butas pa ng karayom ay papasukin ko mailigtas ko lang siya." Agad na tumayo di Andrei para mag bihis.
"Pero.. Andrei. Kailangan mo ng kasama. Mag sama ka ng pulis. O kaya naman.. si Pong! Yung detective na humahawak ng kaso ko? Sige na."
"Alam kong narinig mo ang mga sinabi ni Marco. Ako lang dapat mag isa ang pumunta doon." Sinabi ni Andrei habang nagpapalit ng damit.
"Isama mo si Yaya Teressa."
"Hindi rin pwedeng mapahamak ang yaya ko."
"But Andrei..."
"..at ikaw. Catherine. Please stay here."
"Bakit hindi mo rin ako pwedeng isama? Hindi ba multo naman ako? Hindi nila ako makikita."
"Hindi natin alam kung bukas o hindi ang third eye ni Senji. Kaya mas maganda.. dito ka na lang. Huwag na huwag kang magsusumbong sa mga pulis? Okay?"
Wala ng magawa si Catherine. "But.."
"Wala ng pero pero." Biglang hinalikan ni Andrei si Catherine sa noo. "I love you." At pagkatapos ay agad na lumabas ng kwarto.
Nabigla din si Catherine sa biglang paghalik ni Andrei sa noo niya. Alam niyang hindi tamang oras na kiligin siya pero hindi niya mapigilan. Tumayo siya sa malaking kama ni Andrei at pagkatapos ay parang bata na tumalon talon. "Ohhhh!! My!!! God!!! He kissed me!! Ohmyg!!! He loves me daw! Mygoodness!"
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...