CHAPTER 30
"Mahabang kwento po. Manong. Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. Kailangan na po nating pumunta sa police station para maligtas ko na po ang kaibigan ko! May.. may cellphone po ba kayo? Mas mabilis po siguro kung tatawag na po tayo sa 911? O kaya sa number ng mga pulis? Pakiusap Manong. Wala na po tayong oras. Mapapahamak po ang kaibigan ko." Paliwanag ni Troy.
Kinuha ng driver ang kanyang cellphone mula sa loob ng dash board at pagkatapos ay may tinawagan.
"Manong. Maraming maraming salamat po. Sabihin niyo po sa mga pulis na Marcos at Rica po ang mga pangalan ng mga taong balak akong patayin pati na rin ang kaibigan ko! May mga tao na rin silang pinatay! Ang mga pangalan ay Natasha De Jesus at Liwayway De Jesus! Alam ko po kung saan nakalibing ang bangkay ni Liwayway De Jesus. Pwede ko po itong ituro." Paliwanag ni Troy.
"Hello? Oo.. Oo.." Mukhang may kausap na ang Driver na pulis mula sa kabilang linya.
Napatingin si Troy sa bintana. Muli siyang nagtaka. "Teka. Ma.. manong.. hindi po ito ang daan papunta sa bayan."
"...Hello.. Oo. Mahina ang signal eh. Oo. Kasama ko na siya ngayon." Patuloy na nakikipag usap ang Driver sa cellphone.
Kinutuban si Troy. Bigla siyang kinabahan. Napalunok siya ng laway at pagkatapos ay tinignan ang mukha ng Driver.
"...sige. Sige. Ihanda mo na si Catherine pati yung mga gamit niya. Ako na ang magbubuhat sa kanya. Oo. Tanga ka kasi kaya lagi kang natatakasan! Sige na. Mag usap na lang tayo mamaya. Malapit na ako." Binaba na ng driver ang linya.
Nanlaki ang mga mata ni Troy. "Hindi.. hindi pulis ang kausap mo? Si.. sino ka?"
Ngumiti ang Driver sa kanya. "Tama ka. Si Rica ang kausap ko. Ibang klase ka din ha? Nagawa mo pa siyang takasan kahit na wala ka ng lakas?"
"Ik.. ikaw.. ikaw si Marcos? Ikaw ang Step Father ni.. ni Catherine?"
Nag labas si Marcos ng baril at tinutok iyon sa ulo ni Troy. "Tama ka. Kaya huwag mo ng subukan tumakas. Kung ayaw mong patayin na kita ngayon din."
"Mga hayop kayo." Maluha luhang sinabi ni Troy.
"Walang mangyayaring masama sayo kung hindi ka magiging pasaway. Hindi ka masasaktan kung hindi mo na susubukang tumakas."
"Pati ang ibang tao ay dinamay at pinatay niyo! Hindi na kayo naawa sa mag Lola!"
"Hindi rin naman sila mamamatay kung pumanig lang sila sa amin. Kaya ikaw, kung gusto mo pang mabuhay ng mas matagal pa ay susunod ka na lang sa mga ipag uutos ko."
Hindi sumagot si Troy. Muli itong tumingin sa bintana.
"...kailangan ka namin ngayon. Kailangan ka ni Catherine. Pag tumakas ka, lalong mapapahamak si Catherine."
"Dahil papatayin niyo siya!"
"Kailangan ko din si Catherine kaya hindi siya pwedeng mamatay."
"Ano? Kailangan mo si Catherine?"
Ngumiti si Marcos. Patuloy pa rin ito sa pagmamaneho. "Isipin mo ngang mabuti. Bakit ko pa ito ginagawa sa kanya? Hindi ba't dahil kailangan ko siya? Kailangan niyang mapirmahan ang kasulatan na pumapayag siya na walang yaman ko ang mapupunta sa kanya. Kaya hindi siya pwedeng mamatay. Troy, kritikal pa rin ang kalagayan ni Catherine hanggang ngayon. Kung magagawa mo kaming takasan, sino na lang ang mag aalaga sa kanya? Tss.. alam mo naman na hindi namin pwedeng dahil si Catherine sa hospital. Naiintindihan mo ba?"
Napaisip si Troy. Hindi niya nga pwedeng iwanan mag isa si Catherine dahil wala ng mag aalaga dito dahil patay na si Liwayway.
Hininto ni Marcos ang minamanehong sasakyan sa gilid ng daan. "Sige, Troy. Pag bibigyan kita. Pwede ka ng tumakas. Nasa sayo ang disisyon. Tatakas ka at magsusumbong ka sa mga pulis pero kapalit naman no'n ay walang magbabantay kay Catherine. Hayaan na lang kaya natin siyang mamatay? Pinapangako ko, hindi namin siya gagalawin. Hindi namin siya papatayin pero.. hahayaan na lang namin siyang mamatay. Walang magpapakain sa kanya, walang mag aalaga sa kanya. Troy, pumili ka."
Napalunok ng laway si Troy. Si Catherine pa rin kasi ang iniisip niya.
"...kung pipiliin mo naman na hindi na tumakas, magiging maayos naman ang lahat. Hindi namin kayo papatayin ni Catherine, dadalhin lang namin kayo sa ibang lugar."
"Sa.. sa ibang lugar?"
"Yup. Itatago namin kayo sa ibang lugar. Naamoy ko na kasi na mukhang malapit na kaming mabisto ni Detective Pong. Maaring bukas o mamaya ay pupuntahan na niya ang kubo ng matandang iyon. Troy, kung papayag ka lang sa gusto namin na itatago namin kayong dalawa ni Catherine ay wala ng mapapahamak. Hihintayin lang natin na magising si Catherine para mapirmahan na niya ang kasulatan na iyon. Dadalhan namin kayo ng food supply sa araw araw, hindi na kayo magugutom. Ikaw na rin ang magpapakain kay Catherine at mag aalaga sa kanya habang nagpapagaling pa siya. Pero ang kapalit ng lahat ng iyan ay hindi ka tatakas at mananatili ka sa mga kamay namin."
"Sige. Hindi na ako tatakas pero ipangako mo sa akin na hindi mo papatayin si Catherine."
"Pinapangako ko. Hindi namin kayo papatayin. Wala ng mamatay, wala ng mapapahamak na ibang tao. Sumunod ka lang sa mga gusto namin."
Napa buntong hininga si Troy. "Paano ako makakasiguro na gagawin mo ang pangako mo na hindi mo kami papatayin?"
"Uulitin ko. Kailangan ko si Catherine para pirmahan ang kasulatan. Kailangan din kita para mag alaga kay Catherine."
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...