THE PURGATORY

2.7K 65 2
                                    

CHAPTER 9

   "Oo Andrei! Naiingit ako sayo! Inggit na inggit ako sayo! Naiintindihan mo ba?" Sagot ni Troy.
   "What the hell Troy? Anong dapat mong ikainggit sakin? Wala akong magulang! Iniwan ako ng girlfriend ko! Bat.. bakit ka naiinggit sakin?? Bakit??"
   Hindi sumagot si Troy. Ngumiti na lang ito. Dahan dahan niyang ipinasok ang kamay sa bulsa. At pagkatapos ay dahan dahan niya rin inilabas ang matalim at mahabang kutsilyo.
   Hindi naman iyon ikinagulat ni Andrei. "Ano Troy? Sasaksakin mo ako? Papatayin mo na ba ako? Sige! Patayin mo na ako. Akala mo ba natatakot akong mamatay?"
   Dahan dahan lumalapit si Troy kay Andrei. "Sasabihin ko sa'yo kung bakit ako naiinggit sayo. Huwag mong sabihing wala kang magulang dahil nasa ibang bansa lang sila, naghahanap buhay para sa'yo. But you never appreciate that! And still, you have a very good life? Ako.. may magulang ako pero.. pero anong buhay ang binibigay nila sakin? Walang kwentang buhay! Imbis na sila ang nag papaaral sakin, hindi ba magulang mo pa ang gumagastos para sa pag aaral ko??" Unti unting lumuluha ang mga mata ni Troy.
   "Troy alam mong hindi iyan totoo. Alam mo kung anong hirap ang dinadanas ng magulang mo para lang pag aralin ka."
   "Ako ang nag hihirap hindi sila! Andrei.. hindi mo alam na sa tuwing nag kukwento ka sakin tunkol sa mga magulang mo, unti unti mong pinaparamdam sakin na mag isa lang ako sa buhay! Sa tuwing sinasabi mo na sana wala ka na lang magulang, ako naman itong sinasabi sa sarili ko na sana magulang ko na lang ang magulang mo!"
   "Troy. Please. Calm down. Huwag mong isipin ang mga walang kwentang bagay na iyan!"
   "Hindi ba iniwan ka ng girlfriend mo na si Anna? Tss.. akala mo ba awang awa ako sa'yo? Sobra akong natutuwa Andrei nung nalaman ko iyon! Alam mo kung bakit? Para.. para maramdaman mo naman kung ano ang pakiramdam ng iniiwan ng mga mahal mo sa buhay."
   "Troy. Kahit kelan, hindi ka iniwan ng mga magulang mo. Walang nang iiwan sayo. At kahit kelan, ako.. hindi kita iniwan."
   Tuluyan ng umiiyak si Troy. "Tumahimik ka!!" At pagkatapos ay itinapat ang kutsilyo sa leeg ni Andrei. "Tumahimik ka. Andrei. Wala kang alam kung ano ang pakiramdam ng nag iisa. May magulang ka, may yaya ka, may mga kaibigan ka! Ako.. wala."
   Hinawakan ni Andrei ang kamay ni Troy na may hawak na kutsilyo. "Ituloy mo! Gawin mo. Patayin mo ako. Palagay mo ba pag ginawa mo iyan? You would feel better? Dadami na ba ang mga kaibigan mo? Yayaman na ba kayo? Palagay mo Troy? Patayin mo na ako. Patayin mo ang nag iisa mong kaibigan." Seryosong sinabi ni Andrei.
   Unti unting binababa ni Troy ang kamay niya. Binitawan ang kutsilyo at parang bata na umiiyak.
   "Troy. Huwag kang mainggit sa buhay na meron ako. Dahil hindi perpekto ang buhay ko at alam kong alam mo iyon. Minsan nga, iniisip ko na sana mamatay na lang ako eh. Pero, pag namatay ako.. may mangyayari ba? Troy why don't you just enjoy the life you have? Life is too short Troy para mainggit ka sa ibang tao.. para ikulong mo ang sarili mo sa inggit. Huwag mong hayaan na dumating sa point na hindi mo na naenjoy ang buhay na meron ka dahil patay ka na." Biglang naisip ni Andrei si Catherine. "Troy, buti ka nga.. buhay ka pa eh. Hindi pa kinukuha ng Dios ang buhay na hiniram mo lang sa kanya. Buti ka pa Troy. Buti ka pa."
   Tumalikod si Troy. "You win Andrei. You win. And you always do."
   "Troy, hindi tayo nag lalaban. Walang kompitensya sa ating dalawa dahil mag kaibigan tayo. But if you really think that way.. you will never learn how to appreciate life."
   "Appreciate life? Eh ikaw ba? Do you appreciate your life?"
   "I just learned it lately. Simula ng makilala ko siya."
   "Sino ang tinutukoy mo?"
   "Hindi ka naman naniniwala sakin kung sasabihin ko sa'yo Troy. Iisipin mo lang na baliw ako."
   Hindi na sumagot si Troy. Nag lakad na lang ito ng mabilis papalayo kay Andrei.
   "Troy! Hindi pa tayo tapos mag usap!" Hinabol naman at hinawakan ni Andrei ang kamay ni Troy.
   "Ano pa ba ang dapat natin pag usapan Andrei? Ano na naman ba ang ipapamukha mo sakin? Na talunan ako? Na inggitero ako?"
   "Oo Troy. Gusto kong ipamukha sayo na inggitero ka. Kaya huwag kang mainggit sakin dahil wala ka naman dapat ikainggit. Troy, huwag mong hayaan masira ang pagkakaibigan natin dahil sa inggit. Dahil kahit ako, ayokong mawala sa buhay ko ang kaisa isa kong kaibigan. Naalala mo ba ang sinabi ko sa'yo? Na.. okay lang kahit iwan at lokohin ako ng maraming babae. Kasi marami naman akong mahahanap na babae eh! Pero ikaw.. mahirap mag hanap ng kaibigan na katulad mo Troy. Para na tayong magkapatid eh. Ayokong mawala ka. Kaibigan." Mula sa dalang pitaka ay nilabas ni Andrei ang band aid na nasa loob at inabot kay Troy.
   "Ano iyan?" Tanong ni Troy.
   "Band aid. Tanggapin mo na. Nag dudugo kasi ang labi mo eh. Sorry, napalakas yata ang pag suntok ko sa'yo."
   "Tsss.." Hindi makatingin si Troy sa mga mata ni Andrei. Tinanggap na lang niya ang band aid at pagkatapos ay nag simula ulit mag lakad papalayo kay Andrei.
   Hindi na pinigilan ni Andrei ang kaibigan na mag lakad papalayo sa kanya.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon