MOONLIGHT LOVERS

2.7K 74 1
                                    

CHAPTER 11

   Tinignan ni Catherine ang lalakeng tinuturo ni Tenjo sa kanya. "Anong meron sa kanya? Cute siya ha.. ang ganda ng katawan at may abs! Bongga. Ay.. teka. Koreano ba iyan? sino siya?"
   "Siya si Mr. PONG. Korean Pinoy siya. Siya lang naman ang detective na humahawak sa kaso mo."
   "Talaga? Eh bakit nandito siya?"
   "Nandito siya dahil nandito rin si Ashley Crimson. Ginagawa ni Mr.Pong ang lahat para matulungan siya ni Ashley na makakuha ng cctv record sa crimson hotel."
   "Eh diba nga nawawala yung mga CCTV records?"
   "Yup. Pero hindi pa rin sumusuko ang taong iyan. Gusto niya talaga mabigyan ng katarungan ang pag kamatay mo Catherine." Paliwanag ni Tenjo.
   Nilapitan ni Catherine at ni Tenjo si Pong. Walang kaalam alam si Pong na kaharap na niya ang dalawa dahil hindi rin nakabukas ang third eye niya.
   "Sir. Maraming maraming thank you dahil hindi ka sumusuko sa pag hawak ng kaso ko. Sana, matulungan mo ako na makita kung sino ba talaga ang pumatay sa akin." Sinabi ni Catherine kay Pong kahit alam niyang hindi siya nakikita o naririnig nito.
   Inakbayan ni Tenjo si Catherine sa balikat. "Catherine. Huwag kang mag alala. Kahit naman ako, hindi ako sumusuko. Tutulungan kita hangang sa huli. Hahanapin natin kung sino talaga ang pumatay sa'yo."
   "Bitawan mo ako. Huwag mo akong hawakan." Mataray na sinabi ni Catherine.
   "Ba.. bakit naman? Ikaw na nga itong dinadamayan ko eh!"
   "Ang kapal ng mukha mo! Dapat lang kase na tulungan mo ako! Kung hindi ka nag laro ng basketball sa langit nung gabing iyon edi sana alam natin kung sino ang pumatay sakin!"
   "Oo na. Diba nga inaamin ko naman ang mga pagkukulang ko sayo!"
   Pinisil ni Catherine ang pisngi ni Tenjo. "Gawin mo ang lahat! Tenjo! Dahil kasalanan mo!"
   "Arayyy.. bitawan mo nga ang pisngi ko! Hoy.. hoy Catherine! Masakit. Ara.. arayyy!!"
   "Ano? Palagay mo ba makakatas ka sakin ngayon?"
   "Bitawan mo na pisngi ko! Mahal na mahal ko ang mukha ko! Bawal itong magasgasan!! Aray.."
   Biglang napatingin si Catherine sa malayo. Nakita niya si Andrei at Ashley na nag uusap. Bigla niya din nabitawan ang pisngi ni Tenjo.
   "Tenjo. Si.. si Andrei.. kausap niya si Ashley!"
   "Wala akong pakialam sayo! Bye!" Sagot ni Tenjo at para itong bula na nawala.
   "Hoy!! Tenjo!! Nasaan ka!! Hoyyy! Tenjo!!" Sigaw ni Catherine.

...

      "Pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Ashley kay Andrei.
   "Nangyari po saan?"
   "Wala akong maalala. Pero ang sabi ng mga tauhan ko sa school. Dinala daw kita sa hospital nung araw na may pumalo ng baseball sa ulo mo. Can you explain that to me? Anong nangyari sakin? Bakit wala akong maalala kahit isa?"
   "Ann.. iyon ba? Kasi.. ganito. Ashley. Huwag kang mabibigla."
   "Bakit naman ako mabibigla Andrei? May kababalaghan ba na nangyari sakin na hindi ko alam? Sinaniban ba ako ng isang ispirito?"
   Lalong kinabahan si Andrei. Hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin ang lahat kay Ashley. "Ta.. tama ka. Sinaniban ka ng isang kaluluwa."
   "Palagay mo ba maniniwala ako sayo Andrei?"
   "Anong... ibig mong sabihin Ashley?"
   "Palagay mo ba ay naniniwala ako sa mga multo? Hindi ko talaga alam ang nangyari.. wala akong maintindihan. Pero hindi ako naniniwala na sinaniban ako ng multo. Nag research ako tunkol sa na experienced ko. At maaring meron akong multiple personality disorder."
   "Multiple personality disorder?"
   "Tama ka. May iba akong personality. Dahil wala akong maalala kahit isa sa mga ginawa ko nung araw na iyon kasama ka. At isa pa.. ang sabi din ng mga tauhan ko ay ibang iba daw ang ugali ko nung araw na iyon. Mas jolly daw at maarteng mag salita. Pinag aralan ko ang lahat. Nag tanong nga din ako sa isang psychiatrist eh. Iyon din ang sinasabi niya.. may multiple personality disorder ako."
   Nakahinga ng maluwag si Andrei. "Ganun ba? Ano daw ang naging cause bakit ka nag karoon ng ganung uri ng sakit?"
   "Hindi ko alam." Sagot ni Ashley.
   Nakita ni Andrei si Catherine mula sa likod ni Ashley. Nakangiti ito. Mukhang narinig din ni Catherine ang lahat ng sinabi ni Ashley.
   Pumalakpak si Catherine. "Bongga! Kinabahan ka Andrei noh? Akala mo mahuhuli ka na noh? Hindi mo alam ang ipapaliwanag noh? Noh? Am I super right?"
   "Ashley. I am really sorry to hear that." Sinabi ni Andrei kay Ashley.
   "Hindi ko sinabi sa'yo iyon para kaawaan mo ako so don't feel sorry to me. Sinabi ko lang sa'yo for your information."
   "Sino itong lalakeng ito?" Boses ni Pong mula sa likuran nila.
   Tinignan ng dalawa si Pong. Ganun din si Catherine. Mayabang na naglalakad papalapit sa kanila si Pong.
   "Sino ka?" Tanong ni Pong kay Andrei.
   "Siya si Andrei Angquiangco. Nag aaral sa school namin. Bakit? Type mo ba siya?" Mataray na tanong ni Ashley.
   "Ahh.. Andrei pala. Hey.. Andrei. Are you trying to flirt with my girl?"
   "Ahh.. hindi naman po. May tinanong lang po siya sa akin." Sagot ni Andrei.
   Si Ashley naman ang nag salita. "Ang kapal din naman pala ng mukha mo Pong. Kelan pa naging tayo? Walang tayo! Iniisip ko pa lang ang pag katao mo.. nasusuka na ako!" Sagot ni Ashley at pagkatapos ay galit na umalis.
   "Tekaa.. teka lang Ashley!!" Sigaw ni Pong. Sinundan niya si Ashley.
   Pinagmasdan na lang ni Andrei ang dalawa habang mabilis na lumalayo.
   Lumapit naman si Catherine kay Andrei. "Ang bongga diba? May selosan factor ang mga Lolo't Lola mo."
   Hindi sumagot si Andrei.
   "Andrei. Yung lalakeng lumapit sa inyo kanina. Siya si Mr.Pong. siya ang detective na humahawak ng kaso ko. Nandito din siya sa resort para sundan si Ashley. Kinukulit niya kasi si Ashley na mag provide ng cctv records from Crimson hotel."
   "Sigurado akong hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nandito ang Pong na iyon. Sigurado akong may gusto din siya kay Ashley." Mahinang sagot ni Andrei.
   "Paano mo naman na say iyan?"
   "Lalake ako kaya alam ko. At sino bang hindi magkakagusto kay Ashley? Eh sobrang ganda at sexy niya."
   "Type mo ba?"
   "Oo naman. Type ko si Ashley."
   "Gusto mong mamatay?"
   "..pero mas type ko ang girlfriend kong multo." Tumingin si Andrei sa dagat. "Mag swimming na tayo! Let's gooooo!!" Sinabi ni Andrei at pagkatapos ay mabilis na pumunta sa dagat para mag swimming.
    "Hoyyy!! Wait for me my baby boy!! Waitttt!! Oh yeah oh yeah!" Sigaw din ni Catherine at mabilis din tumakbo para sundan si Andrei sa dagat.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon