LEAVE OR STAY

1.2K 40 9
                                    

CHAPTER 43

   "Anong oras ka ba pupunta dito?" Tanong ni Anna kay Marco mula sa kabilang linya.
   Kausap ni Marco si Anna sa cellphone.
   "Maya maya lang. May usapan kasi kami ni Senji, magkikita kami dito sa rooftop ng Liberty Hotel. Eh hanggang ngayon wala pa siya eh!"
   "Eh bakit naman kayo magkikita? At diyan pa talaga sa rooftop ha?"
   "May magandang view kasi dito. Isa pa, malapit lang dito ang Crimson School at pwede pang mag dala ng alak dito sa taas."
   "Don't tell me. Umiinom ka?"
   "Yup. Pangalawang beer ko pa lang naman eh. If you want me to stop drinking now then I'll do it."
   "Bahala ka. Gawin mo kung anong gusto mong gawin. Malaki ka na. Mag ingat ka na lang sa pagmamaneho mo papunta dito sa bahay ko."
   "Ako pa ba? Nakakainis nga eh! Hindi ako tinataban ng kahit anong alak." Hindi alam ni Marco na namumula na ang kanyang mukha dahil sa alak. Hindi niya pansin na medyo lasing na siya at hindi na tuwid ang kanyang pagkaka tayo.
   "Alright. Oh sige na. Hintayin na lang kita dito. Huwag ka masyadong mag pagabi sa daan ha? Delikado."
   "Opo. I Love You Babe." Nakangiting sagot ni Marco.
   "Ewan. See you later." Mataray na sagot ni Anna at pagkatapos ay binaba na nito ang linya.
   Muling tumungga si Marco ng alak. Tumingin sa Buwan. Nakangiti na para bang baliw, iniisip kasi niya si Anna. Hanggang ngayon, hindi siya makapaniwalang nag kaayos na silang dalawa.
   Dahan dahan na lumapit si Marco sa pinaka gulid ng rooftop. Walang harang ang rooftop, pero hindi man lang natakot si Marco na silipin ang ibaba ng building.
   "Wow! Ang ganda!" Namangha si Marco sa mga nakikitang street lights sa baba, ang mga sasakyan at tao na para bang maliliit na langgam, ang mga magagandang gusali o buildings sa buong paligid.
   Maya maya pa ay para bang may naririnig si Marco na boses mula sa kanyang likuran.
   Lumingon siya at nag taka.
   Meron kasing naka harang na malapad na pader sa gitna ng rooftop na iyon.
   Dahan dahan na lumapit si Marco.
   Unti unting sinilip kung ano at kung sino ang nasa likod ng pader na iyon.
   Nag taka siya lalo nang makita ang kaibigan niyang si Senji ang nagsasalita mula sa likod ng pader na iyon, may kausap ito sa cellphone at para bang natataranta, umiiyak.
  Napa iling na lang ng ulo si Marco, tama. May usapan pala kasi silang dalawa ni Senji na magkikita sila sa roof top ng Liberty Hotel. Hindi niya lang inaakala na mapapaaga ang pag punta ni Senji. Pero bakit nga ba ganun na lang ang mukha at inaarte ni Senji? May problema kaya ang kaibigan?
   Lalapit sana siya sa kaibigan nang..
   "Hindi siya magsusumbong! Hindi siya magsasalita Rica! Pinapangako ko iyan!" Umiiyak na sinabi ni Senji sa kanyang kausap sa kabilang linya.
   Nanlaki ang mga mata ni Marco. Dahan dahan itong napa atras, nag tago sa pader upang hindi siya makita o mapansin man lang ni Senji. Nais niyang mapakinggan ang mga sasabihin ni Senji sa kausap.
   Anong pangalan ang binanggit ni Senji? Rica? Halata sa mukha ni Marco ang lubos na pagtataka.
   "Dahil ako ang anak niya! Alam niyang ayokong bumalik ulit sa kulungan! Hindi siya magsasalita kahit kanino na ako ang pumatay kay Tita Luisa! Nakakasiguro ako! Rica!" Dagdag pa ni Senji.
   Kinabahan na si Marco. Kinutuban. Tama si Pong at Anna. Si Senji ang pumatay kay Tita Luisa.
   "Rica nag mamamakaawa ako sa'yo! Pakawalan mo ang Mama ko! Rica! Rica! Rica.." Sinasabi ni Senji habang umiiyak.
   Muling napaisip si Marco. Hawak ni Rica ang Mama ni Senji.
   "Hello Rica? Rica? Hello? Hello?" Mukhang binaba na ni Rica ang linya. "Hinde... hinde.."
   Habang nagtatago si Marco sa pader, bigla naman tumunog ang kanyang cellphone.
   "Damn it!" Agad siyang tumakbo papalayo at bumalik sa kanyang dating kinaroroonan. Saka niya tinignan ang kanyang cellphone. Si Anna, muling tumatawag.
   Hindi sinagot ni Marco ang tawag. Kinabahan siya ng sobra, maaring narinig din ni Senji ang pag tunog ng kanyang cellphone.
   Narinig ni Marco ang unti unting yapak ng mga paa ni Senji mula sa kanyang likuran. Alam niyang papalapit na ito sa kanya ng papalapit.
   Hindi man lang lumilingon si Marco, dapat siyang mag kunwari, dapat siyang umarteng walang alam.
   Pinilit ni Marco na kumalma. Napapapunok siya ng laway. Tumungga ng alak at pagkatapos ay huminga ng malalim.
   Lumingon at pagkatapos ay nakangiting tumingin kay Senji.
   "Senji, ka.. kanina ka pa ba nandiyan?"
   Seryoso ang mukha ni Senji na nakatingin sa kanya. "Marco, alam kong narinig mo ang usapan namin ni Rica sa cellphone."
   "Senji.."
   "Oo! Tama ang mga narinig mo. Ako nga ang pumatay sa Mama ni Catherine. Ako ang pumatay kay Tita Luisa!" Lumuluhang sinabi ni Senji.
   "Senji, pa.. paano mo nagawang.."
   "Paano? Dahil hawak ni Rica ang Mama ko! Marco, hawak hawak ako ni Rica sa leeg. Pag.. pag hindi ko sinunod ang mga utos niya, mapapahamak ang Mama ko pati ikaw at pati na rin si Anna!"
   "Senji, bakit... bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin iyan? Edi sana, natulungan kita. Ano pa bang silbi ng pagiging matalik na pagkakaibigan natin kung hindi mo sinasabi sa akin ang mga bagay na tulad nito?"
   "Dahil ayokong pati ikaw ay mapahamak! Marco, hindi ko na alam ang gagawin ko. I have no more choice kundi.. sundin ang mga pinag uutos ni Rica." Umiiyak na sinasabi ni Senji.
   "Senji, huminahon ka. Maraming paraan."
   "Wala ng ibang paraan!"
   "Pwede tayong mag sumbong sa mga pulis!"
   "Hindi maari dahil konektado si Rica sa head ng mga Pulis! At isa pa.. ayokong gumawa ng hakbang laban kay Rica dahil.. dahil hawak niya ang Mama ko."
   "Senji, kailangan itong malaman ni Pong. Kailangan niya.."
   "Hinde! Wala kang dapat ipag alam tungkol dito. Wala kang dapat pag sabihan na ako ang pumatay kay Tita Luisa! Lalong lalo na kay Anna!"
   "Pero Senji.."
   "Marco! Utang na loob! Ayokong makulong.. ayoko ng bumalik sa kulungan. Alam mo kung ano ang hirap na napag daanan natin nung nasa kulungan pa tayo, Marco. Please." Pag mamakaawa ni Senji.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon