CHAPTER 50
Bilog na bilog ang buwan. Walang ulap sa buong kalangitan kaya kitang kita ang mga bituin lalong lalo na ang pinaka maningning na Altair Star. Lumalamig ang ihip ng hangin, tahimik ang buong kapaligiran.
Sa lumang simenteryo, patuloy na mag kayakap sina Andrei at Catherine.
Para kay Catherine, isang magandang bukas na ang nag aabang para sa kanilang dalawa. Tapos na ang sumpa, wala na rin si Rica. Siya at si Limuelle ang tumapos ng sumpa, nag pakasal silang dalawa ngunit ang kapalit nito ay ang pagmamahal niya para kay Andrei. Hindi alam ni Catherine kung paano niya sisimulang ipaliwanag kay Andrei ang lahat. Masaya ngunit naguguluhan pa rin ang kanyang isipan.
Pero para kay Andrei, siya ang tumapos ng sumpa. Ang buhay niya ang naging kapalit upang matapos ang kasamaan ni Rica.
Parehas silang hindi alam kung paano ipapaliwanag ang lahat sa isa't isa.
"Tapos na. Andrei. Tapos na ang lahat. Tapos na ang masamang sumpa." Maluha luhang sinabi ni Catherine habang yakap yakap niya si Andrei.
"Tama ka, tapos na. Mahal na Prinsesa." Mahinahon na sagot ni Andrei.
Tumingin si Catherine sa mga mata ni Andrei. Hinawakan pa niya ang isang pisngi nito. Huminga ng malalim upang magkaroon ng kahit konting lakas ng loob upang magpaliwanag. "Mahal na prinsipe. May dapat kang malaman eh."
"Hmm.. ano iyon?"
Yumuko si Catherine. "Sa totoo lang. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito sisimulan. Kung paano ko ito ipapaliwanag sa'yo. Pero ang lahat ay ginawa ko upang iligtas ka sa nag aabang na kamatayan at kapamahamakan. Andrei, I.. i.. I married Limuelle."
Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Catherine. Pailing iling ang kanyang ulo. "...wala na akong choice eh. Wala na akong choice ang konting oras na lang kaya.. kaya.."
"Shhhh.. Mahal na Prinsesa."
"...kaya napilitan na ako. Pero, Andrei. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang ang nandito sa puso ko at wala ng iba. Ikaw lang. Ikaw lang."
"Catherine.."
"...tinapos ko ang sumpa. Pinakasalan ko na si Limuelle. I am.. sorry."
Hinawakan ni Andrei ang dalawang balikat ni Catherine. "Wala kang kasalanan. Walang may kasalanan ng lahat. Okay?"
"Pero.. natapos ang sumpa. Ngunit hindi na tayo pwede mag sama kahit kelan. May basbas ng langit ang kasal namin ni Limuelle. Hindi.. hindi ko ito pwedeng suwayin Andrei. Patawarin mo ako. I'm sorrryyy.."
"Catherine, makinig ka. Makinig ka sa sasabihin ko. Hindi ikaw ang tumapos ng sumpa."
Saka na nag taka si Catherine dahil sa sinabi sa kanya ni Andrei. Kung hindi siya ang tumapos ng sumpa, sino? Ano ang ibig sabihin ni Andrei?
Pinunasan ni Catherine ang kanyang mga luha. Hindi ito sumagot at seryosong tinignan ang mga mata ni Andrei.
"...hindi ikaw ang tumapos ng sumpa Catherine. Kundi, ako."
"Anong ibig mong sabihin Andrei?"
Napapikit si Andrei. Hindi alam kung paano ipapaliwanag kay Catherine ang lahat. Hindi alam kung paano sasabihin na siya ay isa ng patay.
Tumingala si Andrei sa langit. Tinignan ang Altair Star. "Naaalala mo ba yung kwento tungkol sa star na iyan?"
Tumingala din si Catherine para tignan ang bituin. Hindi pa rin naiintindihan ang gustong sabihin sa kanya ni Andrei. "Oo, naaalala ko. Sa oras na tinitignan ko ang buwan, lagi siyang nagpapakita sa akin. Masaya ako sa tuwing tinitignan ko ang buwan pero sa oras na nakikita ko ang star na iyan, nagiging malungkot na lang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit."
Hindi pa sinasabi ni Andrei kay Catherine ang lahat pero nasasaktan na siya. Nasasaktan habang iniisip kung ano ang mararamdaman at ano ang magiging reaksyon ni Catherine.
"Catherine, gusto kong sabihin sa'yo na.. ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko." Hinawakan ni Andrei ang dalawang kamay ni Catherine.
"Mahal na Prinsipe. Ganun din..."
"...naalala mo ba nung una kong nalaman na naging multo ka? Alam mo ba? Sobrang takot na takot ako sa'yo. Hindi ako makapaniwala na yung babaeng nakilala at nakasama ko ng ilang oras ay isa na palang patay, na isa na palang multo. Tss.. sobra talaga akong natakot. Yun bang, hindi ko alam kung saan ako magtatago para hindi mo ako makita."
Ngumiti si Catherine. "Sobra kayang nakakatawa yung mukha mo 'non sa tuwing nagpapakita ako sa'yo. Takot na takot ka kasi eh!"
"Halos araw araw akong nagdadasal... nagdadasal na sana hindi na kita makita. Na sana mawala na yung third eye ko. Na sana ilayo ka ni God sa akin. Pero, hindi ko inaasahan na ang babaeng multo na nakilala ko ang babago sa buhay ko. Ang magbabago sa akin. Catherine, binago mo ang buhay ko. Binago mo ako." Napabuntong hininga muna si Andrei bago ulit ito muling nagsalita. "...hindi nag laon, unti unti ng nawawala yung nararamdaman kong takot sa'yo. Yung takot na nararamdaman ko, unti unting napapalitan. Napapalitan ng pagmamahal. Napapalitan ng ligaya at saya. Yun bang excitement na sana ay lagi kitang nakikita, lagi kitang nakakasama."
"Andrei, kelan mo naman na realized na mahal mo na ako?"
"Hindi ko alam. Kusa na lang na dumating eh. Kusa ko na lang naramdaman. Bigla na lang akong natakot na mawala ka, bigla akong natakot na kunin ka na lang bigla ng langit sa akin, natakot din ako nung akala ko ay mag hihiwalay tayo dahil kailangan kong pumunta sa states para makita ako ni Jeho, takot na takot ako na baka pag balik ko ay wala ka na eh.. Tapos, nag karoon ako ng goal sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para bigyan ng katarungan ang pagkamatay mo."
"Nag karoon ng katarungan ang pagkamatay ko 'non Andrei. Maraming salamat sa'yo Andrei, maraming salamat sa mga taong tumulong sa akin."
"Catherine, naalala mo ba yung sinabi mo sa akin na gusto mong mabuhay? Sobra akong naawa sa'yo. Gusto kitang yakapin at iparamdam sa'yo na walang katapusan ang pagmamahal ko sa'yo. Gusto kitang mahalin habang buhay, gusto kitang mahalin magpakailanman Catherine." Unti unting lumuluha ang mga mata ni Andrei.
"Andrei..."
"Dumating yung oras na kailangan mong mag paalam. Sobrang sakit para sa akin ang makita kang unti unting naglalaho sa harapan ko. Kaya ang ginawa mo, pinatakip ang kamay ko sa mga mata ko para hindi kita makitang mawala. Sinabi mo sa akin na isipin ko na lang na.. na isang malungkot na panaginip lang ang lahat. Ang makilala at makasama ka ay isang malungkot na panaginip. Pero paano ko gagawin iyon dahil mas masakit pa pala ang realidad sa isang malungkot na panaginip? I felt the pain na kahit kelan ay hindi ko pa nararanasan, I felt the pain dito.. dito sa puso ko."
"Andrei, pleast stop crying." Hindi rin mapigilan ni Catherine ang hindi lumuha.
"Pero alam mo kung ano ang pinaka masakit sa lahat? Ang naging buong akala natin na tapos na ang lahat. Na sa oras na mamatay na si Marcos, tapos na ang lahat. Nagkamali ako sa iniisip ko na magiging madali ang lahat para ipaalala sa'yo ang mga nakaraan nating dalawa. Pinagtabuyan mo ako, nilayuan mo ako pero it was nothing Catherine dahil mahal na mahal kita. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo, hindi magbabago."
"Andrei why are you saying these? Hindi kita maintindihan eh. Are you mad? Are you sad dahil nag pakasal ako kay Limuelle? Ikaw lang naman ang iniisip ko eh. Para.. para matapos na ang sumpa at hindi ka na mamatay. Hindi ko ginustong pakasalan siya, please believe me Andr..."
"I believe you. Okay?"
"Then why are you crying? Why are you saying these?" Umiiyak na tanong ni Catherine. Sobrang nagtataka. "...dahil ba. Hindi na tayo pwedeng mag sama habang buhay?"
"Hindi na tayo pwedeng magsama habang buhat Catherine. Yes.. yes. And that is the saddest and most painful part here."
"I know. I know and although natapos na ang sumpa. Patay na rin si Rica... ang kapalit naman ng lahat ay pagmamahalan nating dalawa. I am sorry Andrei it I made wrong decision."
"No. Catherine, you made the right decision."
Lalong nagtaka si Catherine. "Did I? Andrei, hindi kita maintindihan eh. Ano ba talagang gusto mong sabihin sa akin?"
"Yes. At ang gusto ko, you live in this world with no regrets."
"I have no regrets because of you."
"...ang gusto ko. Mabuhay ka ng mas matagal pa dito sa mundong ito. Ang gusto ko, maging masaya ka sa piling ni Limuelle. Catherine, can you.. can.. can you forget about me?"
Nanlaki ang mga mata ni Catherine sa sinabi ni Andrei.
Para naman kay Andrei. Sobrang sakit para sa kanya ang magbitaw ng ganung salita kay Catherine. "Can you forget about me? Can you forget everything? Ang lahat ng mga pinagsamahan natin, ang lahat lahat. Simula nung una tayong nagkakilala, simula nung una tayong nag sama. Can you do that? Mahal na prinsesa?
Napa atras si Catherine habang umiiyak. "Andrei.. ba.. bakit?"
"Dahil gusto kong maging masaya ka. Gusto ko na kayo ni Limuelle ang tumupad ng mga pangarap na binuo natin. Pwede mo bang gawin iyon?" Umiiyak na sinabi ni Andrei.
"I can't. Andrei, I can't do that."
"But you need to do that Catherine!"
"Bakit mo ito ginagawa sa akin Andrei? Ano bang problema mo? Ano ba talagang ibig sabihin nito? Naguguluhan na ako. Naguguluhan na ako so please stop doing this."
"I'm begging you. Catherine, I want you to be happy. Forever. I know you can do that! Kilala kita. Walang bagay na hindi mo kayang gawin. Walang bagay na hindi mo kayang lagpasan." Hinawakan muli ni Andrei ang dalawang balikat ni Catherine.
Pero si Catherine na ang mismong nag alis ng mga kamay niya. "Bakit mo ito ginagawa?"
"Dahil hindi na tayo pwedeng mag sama habang buhay."
"Andrei, tell me. Bakit mo ito ginagawa?"
"Can you promise me Catherine? Na habang buhay, na magpakailanman man ay magiging masaya ka.. kahit wala na ako sa tabi mo. Sanayin mo ang sarili mo na.. na wala na ako. Na wala ng Andrei sa tabi mo, na wala ng Andrei na dapat mong gisingin tuwing umaga, na wala ng Andrei na magpapaiyak at magpapatawa sa'yo. Sanayin mo ang sarili mong wala na ako. At kalimutan mo na ang lahat lahat sa atin."
"Andrei, bakit mo ito ginagawa?" Patuloy din na umiiyak si Catherine.
"Dahil hindi na tayo ang para sa isa't isa.."
"I know that. I know that! At ang sakit sakit dito sa puso ko! And I don't know if I made the right decision or not! Gusto kong sumigaw! Gusto kong magalit! Gusto kong umiyak ng matagal! Gusto kong awayin at sisihin ang langit! I know Andrei I knowww! Pero I know there's something pa na hindi mo sinasabi sa akin." Kinukutuban na din si Catherine. "Huwag ka ng magpaligoy ligoy pa. Tell me."
"Mahal na Prinsesa..."
Patuloy ang pagluha ng dalawa. Kasabay na ulap na para bang biglang sumulpot sa kalangitan. Unti unting tinatakpan ang maliwanag na buwan. Para bang may darating na malakas na ulan.
"...Catherine. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa'yo pero.. hindi ikaw at hindi si Limuelle ang tumapos ng sumpa."
"Kung hindi kami. Sino?"
"Ako."
Lalong kinutuban si Catherine sa sinagot sa kanya ni Andrei. Napa lunok siya ng laway at para bang alam na niya ang gustong ipahiwatig ni Andrei sa kanya.
Umihip ang malakas at malamig na hangin. Nasa lumang simenteryo ang dalawa. Wala silang kaalam alam na pinagmamasdan at pinakikinggan sila ni San Pedro mula sa kanilang likuran.
Inangat ni San Pedro ang kanyang kamay sa dalawa.
Maya maya pa ay nag bago ang buong paligid nina Andrei at Catherine.
Ang kaninang simenteryo ay naging mabundok at mataas na lugar.
Nag taka ang dalawa.
"Ang lugar na ito." Pamilyar kay Catherine ang lugar na iyon. Dahil iyon ang pinaka paborito niyang lugar kasama si Andrei, lagi nila itong pinupuntahan, sa taas ng bundok.
Si Andrei naman ay patuloy na umiiyak. Nakatingin sa mukha ni Catherine. Naaawa kay Catherine dahil iniisip niya na nalalabi na lang ang kanyang oras dito sa lupa.
Unti unting lumalapit si Andrei kay Catherine, pero unti unti naman umaatras papalayo sa kanya si Catherine.
Kinakabahan na si Catherine. Mukhang alam na niya ang lahat. Pero gayunpaman, hindi pa rin siya sigurado kung tama ang sinasabi sa kanya ng kanyang isip.
"Catherine. Ako ang tumapos ng sumpa." Muling sagot ni Andrei.
Umiling iling ng ulo si Catherine habang umiiyak.
"...Mahal na Prinsesa. Catherine, patawarin mo ako pero.. isa na akong... Patay."
Lalong bumilis ang pagbuhos ng luha ni Catherine. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Andrei. Hindi makapaniwala sa mga nalalaman niya. "Andrei."
"Ang Andrei na nasa harapan mo ngayon.. ang mahal na prinsipe na nasa harap mo ngayon.. ay patay na."
Halos hinahabol ni Catherine ang bawat pag hinga. "Paano mangyayari iyon? Paanong mamamatay ka eh nag pakasal nga ako kay Limuelle para.. para matapos na ang sumpa eh! Para... para hindi ka na mamatay para.. para hindi ka na sunduin dito ni San Pedro!"
"I know. Pero, Catherine. Hindi tayo umabot sa takdang oras eh." Umiiyak.
Napaisip si Catherine. Maaring natapos nga ang sumpa ngunit hindi sila umabot ni Limuelle sa tamang oras. Nag pakasal sila ngunit patay na pala si Andrei.
"Hinde. Nagbibiro ka lang. Hindi ka pa patay. Hindi pa. Hindi pwede."
"Catherine, I'm sorry. Pero.."
"Tell me Andrei na nagbibiro ka lang. Tell me! Diba? Diba hindi naman totoo yung sinasabi mo na patay ka na? Di'ba? Hindi 'yan totoo! Sinungaling ka! Sinungaling ka!" Lumapit si Catherine kay Andrei at sinutok suntok ang dibdib nito habang umiiyak. "You're lying! Hindi ka pa patay! Hindi pa."
Gustong magalit ni Catherine sa kanyang sarili. Sarili niya ang kanyang sinisisi. "Bakit? Bakit ba ito ginagawa ng langit sa atin? Bakit? Bakit naging mabagal ako? Bakit hindi ako agad nag pakasal sa kanya? Bakit hindi ko agad tinapos ang sumpa? Bakit? Ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko!"
"Shhh.. Catherine, wala kang kasalanan. Okay? We did everything para malagpasan ang lahat ng ito."
Parehas pa rin silang umiiyak. Parehas na nalulungkot.
"Malagpasan? Hindi natin nalagpasan eh! Hindi eh! Ang tanga koooooo. Sabihin mo sa akin na nag bibiro ka lang at hindi ka pa patay. Nag mamakaawa ako sa'yo Andrei. Nag mamakaawa ako, pakiusap! You're just lying."
Wala nang magawa si Andrei. Sobra siyang naaawa kay Catherine. Niyakap na lang niya ito ng mahigpit. "Mahal na Prinsesa naman oh.. please. Lakasan mo ang loob mo. Dapat kang maging malakas. Konting oras na lang ang hinihintay ko dito sa lupa. Pinag bigyan lang ako ni San Pedro para.. para mag paalam sa'yo."
"Hindi! Hindi ito totoo! Hindi ka pa patay.. hindi pa.. hindi pa."
"Catherine..."
Kasabay ng pagbuhos ng kanilang luha, ay ang unti unting pag bagsak ng ulan.
Alam ni Andrei na sobrang nalulungkot si Catherine dahil sa tuwing umiiyak at nalulungkot ito, sumasabay din ang ulan.
Muling hinawakan ni Andrei ang dalawang balikat ni Catherine. "Catherine, konting oras na lang ang hinihintay natin bago ako pumunta sa langit."
"Hindi ito totoo, Andrei. Nananaginip lang ako. Ikaw na lang ang natitira sa akin, please. Huwag mo naman akong iwan oh."
"Catherine naman. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Na.. naalala mo ba ang sinabi sa'yo ni Ashley dati? Di'ba? See you in Heaven? Sinabi sa akin ni San Pedro na.. na pupunta ako sa langit. Kaya, doon kita hihintayin sa langit."
"Andrei naman.."
"Gaya nina Pong at Ashley. Doon natin sa langit tutuparin ang mga pangarap na sana ay bubuuin natin dito sa lupa. Doon tayo sa langit mag sasama. Kaya ipinangako mo sa akin, habang nandito ka pa sa lupa.."
"Andrei please stop."
"...habang nandito ka pa sa lupa, kakalimutan mo muna ako. Kakalimutan mo na ang lahat lahat tungkol sa ating dalawa. Gawin mo ang lahat para makalimutan mo ako."
"Hindi ko kayang gawin iyon Andrei. Hindi ko kayang kalimutan ka."
"You have to forget me Catherine. Alang alang sa'yo, alang alang sa kapakanan mo. Alang alang sa pagsasama niyo ni Limuelle. May basbas ng langit ang kasal niyo kaya kailangan mong tuparin ang pinangako mo sa Langit. Kailangan mong mahalin si Limuelle."
"Hindi... hindi ko kayang gawin Andrei."
"Matutunan mo rin mahalin si Limuelle. Dapat mong gawin iyon para hindi ka maging makasalanan sa mata ng langit."
"Huwag mo akong iwan Andrei. Hindi ko kaya."
"Kaya mo 'yan! Alam kong kaya mo iyan dahil malakas kang tao. Walang bagay na hindi mo kayang gawin."
Hindi na sumagot si Catherine. Patuloy na lang ito sa pag iyak.
"...kaya gusto kong malaman mo Catherine. Na ang makilala, makasama at mahalin ka ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Walang kasing ligaya ang naramdaman ko Catherine. Wala ng hihigit pa. Wala na." Patuloy din ang pag iyak ni Andrei. "...at sa oras na wala na ako.."
"Andrei, don't leave."
"...sa oras na hahanap hanapin mo ako.. sa oras na mamimiss mo ako.. sa oras na maimagine mo ang mukha ko.. isipin mo na lang na.. na panaginip na lang din ako."
Umiling iling ng ulo si Catherine.
"...pero hindi tulad nang sinabi mo sa akin dati na isang malungkot na panaginip lang ang nangyari sa ating dalawa. Dahil sa bawat oras na makasama ka, wala akong naramdamang lungkot."
"Andrei, huwag mo akong iiwan. I'm begging you. Huwag kang aalis. Huwag kang aalis. Please naman. Mahal na Prinsipe. Huwag kang aalis. Huwag, huwag. Nag mamakaawa ako! Nag mamakaawa akooo!" Lalong umiyak si Catherine nang makita na unti unting naglalaho at lumalabo na ang buong anyo ni Andrei.
"Isipin mo na isang panaginip lang ang lahat ng ito!"
"Paano ko iisipin na isang panaginip lang ang lahat kung..."
"Pero hindi malungkot na panaginip. Kundi, isipin mo na isang maganda at masayang panaginip lang ang nakilala at nakasama mo ako! Ang lahat lahat... ay isang maganda at masayang panaginip. Pinaka masayang panaginip."
"Hindi ko kaya. Hindi ko kaya.. huwag mo akong iiwan! Huwagggg! Huwag.. pakiusap naman ohh! Lahat.. lahat gagawin ko, huwag mo lang akong iwan."
Naging baligtad ang kanilang kapalaran. Dating si Catherine ang multong dapat mag paalam, ngayon naman ay si Andrei.
Hinawakan ni Andrei ang isang kamay ni Catherine at pagkatapos ay itinakip niya iyon sa mga mata ni Catherine upang hindi makita ni Catherine kung paano siya unti unting maglalaho.
"Isang masayang panaginip lang ang lahat ng ito. Iyan ang isipin mo Catherine."
Hindi na sumasagot si Catherine. Parang isang bata na lang itong patuloy na umiiyak.
"Isang masayang masayang panaginip." Umiiyak pa na dagdag ni Andrei habang unti unti pa siyang naglalaho.
Hindi na nakikita ni Catherine si Andrei dahil sa kamay niyang nakatakip sa kanyang mga mata.
Napansin ni Andrei na unti unting humihinto ang ulan. "Ganyan nga Catherine. Ganyan nga. Isipin mo na isang magandang panaginip ang lahat ng ito. Tapos, pag gising mo..." Hindi makapag salita ng ayos si Andrei sa pag iyak. "...pag.. pag gising mo, wala na yung.. wala na yung sakit diyan sa puso mo."
"Mahal na prinsipe.."
"Pag gising mo.. mag... mag simula ka ng panibagong buhay kasama si Limuelle.. mag simula kayo ng bagong buhay... ng.. ng mas masayang buhay. Na wala ako, na walang masamang sumpa, na walang problema sa araw araw na... na walang sakit na nararamdaman diyan sa puso mo."
"Huwag ka ng umalis.. huwag na.."
"Kung pwede lang na hindi na ako umalis.. kung pwede lang sabihin sa'yo na huwag ka ng gumising sa masayang panaginip na ito.. kung pwede lang gawin iyon ay ginawa ko na pero... pero kailangan mong gumising. Kailangan mong harapin ang realidad. Na.. na.. wala ako."
Unti unting umuusog ang mga ulap at unti unting sumisilip ang buwan. Napatingin si Andrei sa kalangitan, parang isang himala na nawalang bigla ang Altair star sa langit.
"Mahal na Prinsesa. Alam mo bang.. humingi ako sa langit ng isang himala? Sinagot niya ang hiling ko.. lagi niyang sinasagot ang mga hiling ko. Sinabi mo sa akin dati na gusto mong makuha ang hustisya na hinahanap mo. Nakuha natin iyon. Tapos, pinangarap mong mabuhay. Hiniling ko din sa langit iyon. Na sana ay mabuhay ka.. ng mas matagal pa. Kahit anong kapalit ay gagawin ko para lang mabuhay ka."
"Pero ang buhay mo ang kinuha niyang kapalit. Ikaw ang kinuha niyang kapalit para mabuhay ako... kayong mga minahamahal ko sa buhay."
Napansin din ni Andrei ang kanyang anyo na ilang sigundo na lang ay tuluyan na siyang mawawala at pupunta na ng langit. "Catherine, maraming maraming salamat sa mga masasayang ala ala. Pag gising mo mula sa mahabang pag tulog, harapin mo ang realidad na may ngiti diyan sa labi mo. Sana ay kalimutan mo na ako. Kalimutan mo dahil isa lang itong panaginip, isang masayang panaginip..."
Dahan dahan na inilapit ni Andrei ang kanyang bibig sa bibig ni Catherine. "Mahal na mahal, kita. Catherine."
At pagkatapos ay pumukit si Andrei. Dahan dahan na hinalikan ang labi ni Catherine.
Ramdam din ni Catherine ang pagkaka halik ni Andrei sa kanyang labi.
"Mahal na Prinsesa, paalam at.. mahal na.. mahal kita." Mga huling salitang sinabi ni Andrei at pagkatapos ay tuluyan na siyang naglaho na parang bula.
Napalunok ng laway si Catherine. Dahan dahan na inalis ang pagkakatakip ng kanyang kamay sa kanyang mga mata.
Dahan dahan na dumilat.
Wala na si Andrei sa kanyang harapan.
Huminto ang ulan.
Umihip ang malamig na hangin.
Tuluyan ng sumilip ang bilog na buwan at iyon ang nagsilbing liwanag sa buong lugar.
Tumahimik ang buong kapaligiran, tumahimik ang kanyang mundo.
Tanging ang mga pag galaw ng mga dahon at halaman na lang ang nagbibigay ng ingay sa kanyang paligid.
"Andrei?" Tanong ni Catherine sa kanyang sarili.
Tumingin tingin sa buong paligid pero hindi na niya makita si Andrei.
"Ma.. mahal na prinsipe?"
Hindi makapaniwala si Catherine na wala na si Andrei. Parang dinudurog ang kanyang puso. Literal na masakit sa puso at napa hawak pa siya sa kanyang dibdib, hinahabol niya ang kanyang bawat pag hinga.
"Mahal na prinsesa." Boses ni Andrei.
Nag taka si Catherine. Ngunit hindi niya malaman at hindi niya makita kung saan nanggaling ang boses ni Andrei. "Mahal na prinsipe. Na.. nasaan ka?"
Wala ng Andrei na sumagot. Wala ng Andrei na nagsalita.
Muling bumuhos ang mga luha ni Catherine. Napa upo pa siya sa sahig. "Andrei, nandito ka pa ba? Mag.. mag pakita ka naman oh! Mag.. pakita ka sa akin. Hin.. hindi pa ako.. nag papaalam ng ayos. Kung.. kung sinasabi mo sa akin na isa itong magandang panaginip, ayoko munang magising. Huwag.. huwag mo muna akong gisingin, Andrei. Huu.... Andrei, Andrei.. naririnig mo pa ba ako? Ha? Naririnig mo pa ba ako? Nakikita mo pa ba ako? Mag pakita ka naman sa akin ohhh! Please, magpakita ka muna sa akin.. Andrei.."
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...