A GENTLEMAN'S LOVE

2.8K 75 4
                                    

CHAPTER 10

   Umupo si Pong sa hindi kalayuan mula kay Ashley. "Bawal kitang lapitan at bawal din kitang kausapin. Pero may tanong ako Miss Ashley. Pwede ba kitang mahalin?"
   "Ikaw na ang nagsabi na hindi ka interesado sakin. Kung may balak kang ligawan ako, itigil mo na." Sagot naman ni Ashley.
   "Tss.. binibiro lang kita. Hindi talaga ako interesado sa'yo. Ginagawa ko lang ito para matulungan mo akong makakuha ng CCTV records sa crimson hotel"
   "Kahit kelan. Hindi mangyayari iyon. Never kitang tutulungan." Tumayo si Ashley at nag simulang mag lakad papalayo kay Pong.
   "Teka lang Ashley! Hintayin mo ako!" Agad na sinundan ni Pong si Ashley. Hinawakan niya ang kamay ni Ashley para mapigilan ito sa paglalakad.
   Tumingin ng masama si Ashley kay Pong. "Bitawan mo ang kamay ko."
   "Paano kung ayoko? May magagawa ka ba?"
   "Meron. Sisigaw ako ng rape."
   Ngumiti si Pong. "Rape ba ang gusto mo?" Sinabi ni Pong at pagkatapos ay hinawakan ang mukha ni Ashley.
   "Bitawan mo ang mukha ko. Gusto mo bang mamatay? Bibilang ako ng tatlo. Isa... dalawa.. tat.." Hindi na nakapag patuloy sa pagbibilang si Ashley dahil bigla na lang siyang hinalikan sa labi ni Pong.
   Hindi nag pumiglas si Ashley sa halik sa kanya ni Pong at para bang gumaganti pa ang labi niya ng mga halik.
   Unti unting pinipikit ni Ashley ang kanyang mga mata habang naghahalikan silang dalawa. Silang dalawa lang ang nasa beach at walang ibang tao ang nakakakita sa kanila.
   Tumahimik ang paligid at ang mga alon lang sa dagat ang naririnig. Bilog na bilog ang buwan kaya mas lalong naging romantiko ang buong paligid.
   "Ashley! Okay ka lang ba? Miss Ashley! Anong nangyayari sayo?" Boses ni Pong.
   Biglang napadilat ng mata si Ashley. Napansin din niya na nakanguso din ang labi niya. Kitang kita niya si Pong na nakangiti at nakakunot din ang noo. Hawak hawak ni Pong ang kamay niya.
   "Ashley. Okay ka lang ba?" Tanong ulit ni Pong.
   Na realized ni Ashley na imahinasyon niya lang pala ang lahat. Imahinasyon niya lang na nag halikan silang dalawa ni Pong.
   "Ashley! Okay ka lang ba?"
   Nag pumiglas si Ashley kaya naman nabitawan ni Pong ang kamay niya. "Anong sabi ko sa'yo? Huwag kang lalapit. Huwag mo akong kakausapin."
   "Weh? Eh bakit naka nguso ka? Tapos.. naka pikit pa ang mga mata mo? Ikaw ha! Siguro.. siguro iniimagine mo na.. nag kikiss tayo?"
   "Bwisit ka! Subukan mo pang lumapit sa akin, tatawag ako ng mga guards para paalisin at kaladkarin ka papalabas ng resort ko." Mataray na sinabi ni Ashley at pagkatapos ay mabilis na tumakbo papalayo.
   Hindi na sinundan ni Pong si Ashley. Tinignan niya lang ito habang mabilis na tumatakbo papalayo sa kanya.
   Napa ngiti si Pong. "You're so hard to get Miss Ashley. Pero I won't give up. I know, someday.. you'll be mine."

...

   Ngumiti ang lalakeng may balbas kay Catherine. "Ako.. ako si San Pedro at ako.. ang mag papasya ng kapalaran mo."
   Tumaas ang kaliwang kilay ni Catherine. "Anong kapalaran? What do you mean San Pedro?"
   "Ito ang libro ng mga pangalan na makakapunta sa langit. Kapag wala ang pangalan mo dito.. ay ibig.."
   "Teka!! Teka lang ha.. sigurado naman akong pupunta ako ng langit." Singit ni Catherine.
   "Paano ka nakaka siguro Catherine?"
   "Kasi.. naging mabait naman ako nung buhay pa ako. Wala akong kasalanan. Never.. ever."
   "Walang tao ang walang kasalanan. Lahat ng tao ay pinanganak na makasalanan. Pero.."
   "Walang pero pero.. go go na. Check my name na sa list."
   "Pwede ba! Patapusin mo ako mag salita. Lagi kang sumisingit!" Sigaw ni San Pedro.
   Ngumiti si Catherine. "Echos lang! Ikaw naman. Super duper highblood naman.. easy.. easyy."
   "Catherine. Hindi ito oras para sa mga biruan."
   "Hindi naman ako nakikipag biruan. Ganito po talaga ako. Promise!"
   Umiling iling si San Pedro. Inilapag ang libro sa ibabaw ng puting table at pagkatapos ay nag labas ng isang puting ipod.
   Nanlaki naman ang mga mata ni Catherine. "Ano iyan? Ipod? Bongga! May ipod sa purgatoryo?"
   "Syempre. Hindi lang naman kayong mga tao ang pwedeng gumamit ng mga modernong bagay. Kami din naman. At dito, dito natin makikita kung kasama talaga ang pangalan mo.. sa listahan ng mga pangalan na pupunta sa langit."
   Nag taka si Catherine. "Eh teka lang. Bakit naman sa ipod? Hindi ba.. sa libro mo ichecheck?"
   "Huwag kang mag alala Catherine. Naka automaric sync in na dito sa ipod kung may bagong update sa libro ko."
   Pumalakpak si Catherine. "Bongga! Bongga! Wala akong ma say. Okay.. go na. Check na kung may name ako."
  Napa iling na lang si San Pedro. Binuksan ang Ipod at hinanap ang pangalan ni Catherine sa listahan ng mga pupunta sa langit.
   "Nakita mo na? May pangalan ba ako? Diba meron? Diba diba?" Tanong ni Catherine.
   "Shhhh. Huwag kang maingay. Hinahanap ko pa."
   "Ang tagal naman. Ano bang application ang ginagamit m.."
   "Pwede ba! Tumahimik ka muna Catherine. Kahit.. kahit.. 10 seconds."
   "Oo na nga. Eto na nga. Tatahimik na po." Sagot ni Catherine at pagkatapos ay tumalikod.
   Muli ulit tinignan ni San Pedro ang pangalan ni Catherine sa listahan.
   "Nakita mo na ba San Pedro?" Tanong ulit ni Catherine.
   "Catherine pwede ba? Hinahanap ko pa! Tumahimik ka muna diyan!" Mataas na ang boses ni San Pedro.
   "Eh ang sabi mo kasi 10 seconds lang eh."
   "Oh sige! Wala! Wala ang pangalan mo dito Monggoloid ka!" Sagot ni San Pedro.
   Imbis naman maging malunkot ang mukha ni Catherine ay napangiti ito. "Talaga? Wala? Final answer?"
   "Wala!!!!! Sumasakit lang ang ulo at batok ko sa'yo! Na hihighblood ako!!" Sigaw ni San Pedro. Sa sobrang lakas ng boses niya ay pati ang manok na nasa tabi niya ay napa lipad.
   "Ibig sabihin.. hindi pa ako pupunta ng langit?"
   "Hindi pa!!! Pinag aaralan pa ng langit kung pupunta ka ba talaga sa langit o sa impyerno!!"
   "So.. saan ako mag sstay?"
   "Huwag na huwag kang mag sstay dito sa purgatoryo!!! Ayokong makita ang mukha mo dito!! Hina highblood mo ako!!"
   Napatalon sa tuwa si Catherine. "So ibig sabihin.. sa lupa muna ako?"
   "Ewan ko sayo! Sige! Doon ka sa lupa! Hintayin mo ang guardan angel mo!" Sagot ni San Pedro at pagkatapos ay mabilis na naglakad papalayo.
   "Huy! Nag walk out ang lolo ko." Sinabi ni Catherine sa sarili.
   Tinignan ni Catherine ang buong paligid. "Wow.. ang dami din palang patay dito na naghihintay ng pasya ng langit." Napansin ni Catherine ang isang lalake na naka upo lang at pinag mamasdan ang buong tanawin. "Ay.. ang gwapo ni Kuya!!"
   Nilapitan ni Catherine ang lalake. "Kuyang pogi! Anong pangalan mo?"
   Tumingin ito sa kanya at nag salita. "Paula."
   Nag taka si Catherine. Umupo ito sa tabi ni Paula. "Paula? Paula ang pangalan mo? Yung totoo?"
   "Paula nga! Bruhang ito! Nag tatanong tapos pag sinagot ayaw naman maniwala.."
   Nagulat si Catherine sa sinabi ni Paula. Ka pansin pansin ang arte ng boses at pagsasalita nito. Pati na rin ang mga mata na umiirap irap. Bakla pala ito.
   "Taray mo naman. Nag tatanong lang eh. Siguro Paul talaga ang name mo?"
   "Tss.. common sense. PAUL, PAULA. Sounds almost the same."
   "Eh bakit ka malunkot Paula?"
   "20 years na kasi ako dito sa purgatoryo! Hindi pa rin nakakapag pasya ang langit!"
   "20 years???"
   "Oo. Paulit ulit? Yung mga kaibigan ko nga eh. Naunahan ko pa silang namatay.. pero nasa langit na sila."
   "Eh.. Paula. Bakit daw hindi pa makapag pasya ang langit sa'yo?"
   "Mabait naman daw kasi ako pero.. hindi daw kasi ako nag sisimba dati. So ayun." Malunkot na sinabi ni Paula.
   "Siguro.. na bo board ka na dito? Tama ba?"
   "Alam mo ang chaka mo? Syempre. 20 years ba naman eh!"
   "Eh bakit hindi ka bumisita sa lupa?"
   "Hindi na ko pwedeng bumisita eh. Ayaw akong payagan ni San Pedro."
   "Ayy.. huwag ka bakla! Ako.. pinayagan niya ako na bumisita sa lupa." Pang aasar ni Catherine.
   "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo." Mataray na sagot ni Paula sa kanya.
   "Tsss.." Tumayo si Catherine. Masungit si Paula kaya nag pasya na lang siyang lumayo.
   Tumingin tingin si Catherine sa paligid. "Ang ganda naman dito.. sobrang ganda at ang linis linis.. pero saan naman kaya ako pupunta? Saan? Where do broken hearts go nga ba?"
   "Sa lupa!!" Sagot ni Tenjo mula sa likuran ni Catherine.
   Humarap si Catherine kay Tenjo. "Hoy ikaw! Lagi mo na lang akong tinatakasan ha!"
   "Hindi kita tinatakasan Catherine. May mga resposibilidad lang talaga ako bilang guardian angel. Tss.."
   Lumapit si Catherine kay Tenjo at hinawakan ng mahigpit ang tenga nito. "Dalhin mo na ako sa lupa ngayon!"
   "Araayy.. aray naman. Bitawan mo nga ang tenga ko. Ma.. masakit. Hoy!"
   "Dalhin mo na ko sa lupa!! Now na!!!"
   "Oo na!! Oo na!!"

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon