SHE'S DEAD

3.3K 65 2
                                    

CHAPTER 4

   Ngumiti ang lalake at lumapit kay Catherine. "Tawagin mo na lang ako sa pangalang Tenjo. 23 Years old, 5'9, I can sing and I can dance, hindi lang ako marunong umarte. That's my weakness. Gusto mo ng sample? Dati kaya kinukuha ako maging artista, tumatangi lang ako. Ayoko kasing ma exposed."
   "Tenjo? So.. anong ginagawa mo dito? At.. at pano mo nagagawang mag balat kayo bilang ibon?"
   "Kaya ko mag balat kayo kahit anong bagay o hayop na gugustuhin ko. Anong ginagawa ko dito? Nandito ako para sunduin ka. Dahil ako, ako lang naman ang Guardian Angel mo." Nakangiting sagot ni Tenjo.
   Lalong natakot si Catherine sa mga narinig. Pinilit niyang tumawa na may kasamang mga palakpak. "Woah! Hahaha! First, I just found out na deadball na pala ako. Tapos ngayon, yung ibon nag transform bilang ikaw. Siguro nga ay nananaginip lang ako."
   "Hindi ka nananaginip Catherine. Ang lahat ng mga nalalaman at nakikita mo ngayon ay totoo."
   Tinignan ni Catherine si Tenjo mula ulo hangang paa. "So susunduin mo na ako? Pupunta na ba tayo sa heaven?" Takot na takot si Catherine.
   "Ako ang magsusundo sayo pero hindi pa sa ngayon."
   "So kelan? After 9 days? Pag katapos ba ng pa syam ko?"
   "Nope."
   "After 40 days ba?"
   "Hindi natin alam kung kelan ako bibigyan ng go signal para sunduin ka. Kaya huwag kang mag alala, hindi pa iyon ngayon."
   "Kung ganon, kung totoo ang lahat ng mga ito, bakit.. bakit ako namatay? Anong ikinamatay ko?"
   Ngumiti si Tenjo. "May kasabihan na kung oras mo na ay oras mo na, at ngayon na ang oras mo para mamatay. Ay teka.. tama ba? Siguro ay oras mo na nga? Isa ka ng multo Catherine. Patay ka na. Paano ka namatay? It is only you to find it out. Kung tamad ka naman para alamin ang lahat ng iyon, si Sir San Pedro na ang magsasabi sayo."
   Napa buntong hininga si Catherine. Sobra siyang nalulunkot. "Kaya ba.. kaya ba wala akong maalala nung mga gabing iyon? Dahil.. iyon ang oras na namatay ako? At.. kaya ba hindi ako pinapansin kanina ni Marco dahil.. dahil hindi na niya ako nakikita?"
   "Tama ka Catherine."
   Nag crossed arms si Catherine at napa isip. "Teka lang ha.. kung isa na talaga akong multo, kung patay na talaga ako.. bakit.. bakit at paanong nakikita at nahahawakan ako ni Andrei? At si Anna! Nakikita at nakakausap niya rin ako."
   "Dahil nung mga oras na iyon ay hindi mo pa alam na patay ka na, ganun din sila, hindi nila alam na patay ka na. At isa pa, maaring bukas din ang third eye nila."
   "May third eye sila?"
   "Oo." Sagot ni Tenjo.
   Napa pikit na lang si Catherine. Hindi niya alam kung totoo ba talaga ang mga nalalaman niya at ang lahat ng nangyayari sa kanya.
   "Tenjo. Ayoko pang mamatay. Hindi kakayanin ng mga magulang ko, nag iisa lang akong anak Tenjo!"
   "Wala na tayong magagawa Catherine. Tangapin mo na lang na patay ka na at malapit mo nang iwan ang mundong ito" paliwanag ni Tenjo.
   "Hindi.. hindi totoo ang mga sinasabi mo! Hindi ko iiwan ang mga magulang ko dito! Hinding hindi mangyayari ang mga sinasabi mo!" Malakas ang boses ni Catherine.
   Tinignan na lang niya ng masama si Tenjo at pagkatapos ay tumalikod. "Kailangan ako ng mga magulang ko ngayon. Kailangan nila ako. Hindi ko sila iiwan. Sana maintindihan mo iyon." Dagdag pa ni Catherine at mabilis na tumakbo pabalik ng bahay nila.
   Wala ng magawa si Tenjo at pinag masdan na lang si Catherine na tumatakbo papalayo sa kanya. "Tssss.. sabi na eh! Mahihirapan ako sa isang ito! Mukhang kasing tigas ng bakal ang ulo neto. Pero.. cute siya ha!"
   At bigla na lang parang bula na nawala si Tenjo.

...

    Mahinang kinakatok ni Yaya Teressa ang pintuan ng kwarto ni Andrei.
   "Andreii?? Buksan mo ang pinto. Gumising ka na at baka tanghaliin ka sa school niyo!"
   Nagulat si Yaya Teressa nang biglang buksan ni Andrei ang pintuan.
   "Ayyyy pukeeee!!!" Sigaw ni Yaya Teressa.
   Ngumiti si Andrei. "Nasaan Yaya? Nasaan? Apakan mo baka makawala!" Biro pa naman nito.
   "Ayy ewan ko sayong bata ka! Ginulat mo naman ako eh!" Hawak hawak ni Yaya Teressa ang dibdib niya.
   "Sorry Yaya!"
   Tinignan ni Yaya Teressa si Andrei mula ulo hangang paa. "Aba! Aba! Naka bihis ka na kaagad? Nakaligo ka na rin at.. at ang bango bango naman yata ng alaga ko ngayon ha??? Ang ayos ng buhok!! Anong meron? At bakit ang aga mo nagising? At anong oras ka umuwi kagabi?"
   "Yaya naman. Isa isa lang ang tanong pwede? Hmmm.. 2:00 am yata ako naka uwi kagabi."
   "At bakit? Nag date kayo ni Anna? Ok na ba kayo? Nag kabalikan na ba kayo?"
   Humaba ang nguso ni Andrei at umiling iling. "Hindi pa po Yaya. Actually, tinapos na namin kagabi ang lahat. Wala na po kami."
   "Eh bakit yata mukhang masaya ka?"
   "Dahil may bago na po akong girlfriend!"
   Nabigla si Yaya Teressa sa sinabi ng alaga. "Hoy Andrei! Ano ka bang bata ka! May girlfriend ka na kaagad? Hoy.. anong akala mo sa mga babae? Brief mong nangingitim na pwede mong palitan anytime mo gusto?!"
   "Yaya naman. Seryoso ako sa babaeng ito!"
   "Tigil tigilan mo ako at baka masumbong pa kita sa Mama mo! Ay sya! Halika na sa kusina. Kumain ka na muna ng almusal bago ka pumasok sa school." Sinabi ni Yaya Teressa at hinila ang kaliwang tenga ni Andrei papunta ng kusina.
   "Ara..ara.. arayy Yaya! Arayyyy! Arayyyyy!!...."

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon