THE LAST TIME

2.8K 60 11
                                    

CHAPTER 16


   "HELLO! SINO KA BA! BAKIT BA TAWAG KA NG TAWAG? GABING GABI NA HA!! NAG REREVIEW AKO! MASYADO KANG ISTORBO! WALA KA BANG MAGAWA SA BUHAY MO? MAG PAKAMATAY KA KUNG GUSTO MO PERO HUWAG NA HUWAG KA NANG TATAWAG SA NUMBER KO!!!!!!!!" Malakas na sigaw ni Andrei.
   "Andrei. I am sorry kung na istorbo kita. Si Ashley Crimson ito." Mula sa kabilang linya.
   Naibuga ni Catherine ang lahat ng pagkain na nasa bibig niya. Nag kalat ang mga kinaing manok sa buong sahig.
   Nanlaki naman ang mga mata ni Andrei. "A..aashley? I'm sorry.. per.. pero. Ba.. bakit ka po napatawag?"
   "Gusto sana kitang makausap bukas ng umaga sa school. Kasama si Detective Pong Hongwei. Sobrang importante lang nang pag uusapan natin and it's kinda weird. Okay lang ba?"
   "Tu.. tunkol saan? At ba.. bakit?"
   "Tunkol kay Miss Catherine Chen."
   Nagkatinginan sina Andrei at Catherine. "An.. anong meron kay Catherine Chen?" Tanong ulit ni Andrei.
   "Mas maganda siguro kung bukas na natin pag usapan Andrei. Mas magandang pag usapan ang bagay na iyon sa personal. Okay lang ba na makausap kita bukas kasama si Detective Pong?"
   "Ahmm.. okay lang naman Ashley."
   "Oh sige. Then I'll see you tomorrow." Sinabi ni Ashley at pagkatapos ay binaba na niya ang linya.
   "Andrei.. bakit ka gustong makausap ni Ashley at ni Pong?" Tanong naman ni Catherine.
   "Hindi ko alam Catherine. Hindi ko alam. Wala akong idea."
   "Hindi kaya.. tunkol iyon sa pag sanib ko sa katawan ni Ashley? And Ashley found out na ikaw ang kasama niya nung nasa katawan ko siya so they're gonna need your explanation? Kaya kasama niya si Detective Pong?"
   "Kung ganon nga.. hindi ko alam ang ieexplain ko sa kanila. Damn it! I'm gonna be in a big big trouble Catherine."
   "So kasalanan ko?"
   "Sino pa bang may kasalanan? Ako? Ako? Eh ilang beses kong sinabi sa'yo na umalis ka na sa katawan ni Ashley."
   "Gusto mo bang suntukin kita up and down at ihampas ko sa'yo itong roasted chicken? Bakit? Hindi ka ba nag enjoy nung gamit gamit ko ang katawan ni Ashley at gumora tayo sa different places?"
   "Nag enjoy. Syempre. Pero.. tulad ng ganitong sitwasyon? Anong ieexplain ko sa kanila?"
   "Huwag kang matakot Andrei. I am a good liar. I'll be with you tomorrow. Sabihin mo lang sa kanila kung ano ang mga sasabihin ko. Okay?"
   "Tsss." Walang magawa si Andrei at napailing na lang ng ulo. Tumayo ito at pagkatapos ay sinimulan mag lakad pero bigla niyang naapakan ang mga pagkain na niluwa ni Catherine sa sahig. "Catherineee! Ano ba iyan! Ang daming kalat! Kadiri! Linisin mo iyan! Mag rereview pa ako! Aaarrrggg!" Inis na inis si Andrei.
   "Sinisigawan mo ba ako?" Mataray na tanong ni Catherine.
   "Hindi ah! Nagpapaliwanag lang po ako. Ang sabi ko po kasi.. pakilinis po yung sahig. Tapos.. matulog ka na para maaga kang magising at tapos ay gisingin mo ako bukas ng 7:00 am dahil may exam ako. Mag rereview pa po ako bago matulog kaya mauna ka nang matulog." Mahinahon ang boses ni Andrei pero sa totoo lang ay pinipigilan na niya ang sarili na hindi ipakita ang inis kay Catherine.
   "Opo. Mahal na prinsipe." Nakangiting sagot ni Catherine.

...

   Halos alas nuebe na ng gabi ay nasa kalsada pa rin sina Ashley at Pong. Nasa loob sila ng sasakyan. Si Pong ang nagmamaneho at si Ashley naman ay nakaupo lang sa passenger's seat.
   Ihahatid na ni Pong si Ashley pauwi.
   "Hindi ba talaga ako nababaliw? Totoo ba talaga ang mga nangyayaring ito Ashley?" Tanong ni Pong.
   "Ilang beses mo nang tinanong sa akin iyan. Totoo nga. Totoong sinaniban ako ni Catherine. Totoong girlfriend ni Andrei si Catherine."
   "Sa lahat ng nahawakan kong kaso.. sa lahat ng hinawakan kong cliente.. ito ang kakaiba. I swear."
   "Hindi ka ba nagugutom?"
   Kumunot ang noo ni Pong. "Bakit? Ililibre mo ba ako ng pagkain?"
   "Hindi. Sino ka ba para ilibri ko?"
   "Tss.. sinamahan nga kita buong araw eh! Tapos.. tapos hindi mo ako ililibre! Gutom na gutom na ako! Hindi pa ako kumakain ng lunch at dinner! How dare you? Huhu."
   "May alam akong restaurant dito sa lugar na ito. Masarap ang mga pagkain nila doon. Iliko mo sa kanan pag katapos ng pangatlong stop light."
   Napangiti si Pong. "So.. ililibre mo na ako Ashley?"
   "Wala akong magagawa. Wala ka yatang pera eh. Hindi mo pa yata nakukuha ang 13th month pay mo sa trabaho niyo. In other term, mahirap ka." Pang aasar ni Ashley.
   "Ano ba ang kakainin natin doon sa restaurant na sinasabi mo?"
   "Seafoods."
   "Naku po! Ashley! Hindi ako nakain ng kahit anong seafoods kasi.. kasi may allergy ako sa seafood eh."
   "Anong pakialam ko?" Mataray na tanong ni Ashley.
   "Haaayy.." si Pong.
   Pinilit ni Ashley na hindi tumawa. Tinakpan ang bibig. Napansin naman iyon ni Pong.
   "Wow! Ashley! Sa wakas! Ngumiti ka rin!"
   "Hindi ako ngumingiti."
   "Ngumiti ka eh! Nakita ko! Woh! For the very first time Ashley! Nakita din kitang ngumiti!"
   "Ewan ko sa'yo. Sabi ngang hindi ako ngumiti! Sumakit ang ngipin ko kaya tinakpan ko ka agad ang bibig ko!" Paliwanag ni Ashley.
   "Ngumiti ka.. alam kong ngumiti ka."
   "Tumahimik ka na Pong. Teka.. hindi ba ang sabi ko sa'yo iliko mo sa pangatlong stop light? Bakit mo dineretso?"
   "Hindi nga ako nakain ng kahit anong seafoods!"
   "Eh saan mo gustong kumain?"
   "Parang ayoko nang kumain. Nawala yung gutom ko nung nakita kitang ngumiti. Ashley. Medyo malamig ang panahon ngayon. Gusto mo ba muna mag beer? May alam ako. Hindi mo kailangan gumastos doon at may magandang view."
   "Saan?"
   "Sa taas."
   "Anong sa taas? Saan mo ako dadalhin Pong?"
   "Basta." Patuloy na nag drive si Pong.
   Hindi maintindihan ni Ashley ang sarili pero nagiging kumportable na siya kay Pong. Wala kasi siyang halos kaibigan dahil hindi siya nakikipag kaibigan at dahil din sa ugali niya na pagiging cold hearted. Kaya ang pakikipag kaibigan kay Pong ay imposibleng mangyari para sa kanya.
   Nag iisang anak lang si Ashley. Sobrang yaman ng pamilya nila pero dahil sa sobrang busy ng mga magulang niya sa mga business ay ang mga katulong na lang nila ang halos palagi niyang kasama sa araw araw. Lahat ng gusto ni Ashley ay nasusunod, lahat ng gusto niyang bilhin ay nabibili niya, lahat ng gusto niyang pabagsakin ay napapabagsak niya dahil sa kapangyarihan ng pamilya nila.
   Ilang saglit din ay pinark ni Pong ang sasakyan sa tapat ng isang building.
   "Ashley. Nandito na tayo." Sinabi ni Pong at pagkatapos ay bumaba ito ng sasakyan.
   Tumingin tingin si Ashley sa paligid. Bumaba ng sasakyan at nilapitan si Pong. "Saan tayo pupunta? Eh wala naman akong nakikitang restaurants dito."
   "Dito ako nakatira sa building na ito. 7th Floor room 704."
   "Hindi ako interesado Pong dahil kahit kelan hindi naman ako pupunta sa place mo."
   "Hindi ko naman sinabi na sa place ko ikaw pumunta. When you just feel sad.. pumunta ka doon sa taas." Tinuro ni Pong ang rooftop.
   "Anong meron sa rooftop?"
   Ngumiti si Pong. "Sumama ka sa akin para malaman mo."
   Walang magawa si Ashley kaya sinundan na lang din niya si Pong na pumasok sa loob ng building. Gusto niya din kasing malaman kung ano ang meron sa taas ng building na iyon.
   Nang makaakyat sila sa rooftop ay nakita ni Ashley ang maliit na playgroud.
   "Pong. Anong ispesyal dito? It's just a rooftop na may playgroud. Tss.." Mataray na sinabi ni Ashley.
   "Bakit? Hindi ka ba nagagandahan? Atleast.. may maganda tayong view!"
   Napailing na lang si Ashley at pagkatapos ay umupo sa duyan. "Ang ineexpect ko kasi.. ay may restaurant dito sa rooftop ng building na ito. Ang sabi mo kasi kanina ay nagugutom ka at ayaw mo naman kumain ng seafood."
   "Yun ang akala mo." Mayabang na sinabi ni Pong. Maya maya pa ay kinuha ni Pong ang isang maliit na cooler mula sa loob ng maliit na play house. Binuksan niya ito at may mga laman itong mga beer. May mga ice cubes din sa loob.
   Kumuha si Pong ng dalawa at binigay naman kay Ashley ang isang can ng beer.
   Inirapan ni Ashley si Pong. "Okay. Pwede na. Medyo cool."
   Umupo naman si Pong sa katabing duyan ni Ashley. "Anong pwede na?"
   "Pwede na. With a beer and a nice view.. at tsaka companion."
   "Companion? Ibig sabihin ay pinapayagan mo na ako manligaw sa'yo?"
   "Pong. Bakit ba gusto mo akong ligawan?"
   "Dahil may gusto ako sa'yo."
   "Ano ba gusto mo sa akin Pong?"
   "Lahat."
   "Ayusin mo ang sagot mo Pong. Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit ka nag gusto sa akin."
   Tumungga muna ng beer si Pong bago sumagot. "Wala naman dahilan kung bakit nagkakagusto ang isang tao eh. Walang dahilan iyon Ashley. Bigla mo na lang itong mararamdaman. Nung una kitang nakita.. nagkagusto na ako sayo. Pero inisip ko muna na baka nagagandahan lang ako sayo or something.. pero nung nakausap na kita.. nung sinimulan mo na akong tarayan.. doon ko na realized na gusto kita. Iyon kasi ang sinasabi ng puso ko. Mahirap paniwalaan pero.. iyon ang totoo Ashley." Seryosong pinaliwanag ni Pong.
   "Papayagan lang kita manligaw pero sa isang kundisyon."
   Nanlaki ang mga mata ni Pong. "Ano.. ano iyon?? Seryoso ka ba?"
   "Kailangan muna natin tulungan si Catherine. Kailangan muna natin hanapin ang taong pumatay sa kanya. Kailangan muna natin mabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya."
   "Gagawin ko ang lahat Ashley. Gagawin ko ang lahat." Hindi makapaniwala si Pong sa mga sinabi ni Ashley. "Teka.. seryoso ka ba? I mean.."
   "Wait. Pong. Anong oras na?"
   Tumingin si Pong sa suot niyang relo. "Hmmm.. 11:11 pm. Bakit?"
   "Teka lang." Pumikit si Ashley.
   Nag taka naman si Pong at hinintay na lang na dumilat ang mga mata ni Ashley. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Sobrang ganda ni Ashley, matangos ang ilong, maganda ang labi at parang inukit ang mukha.
   Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla naman bumilis ang tibok ng puso ni Pong. Napahawak siya sa dibdib niya.
   Dumilat si Ashley at pagkatapos ay tumingin kay Pong. "Okay na."
   "An.. bakit ka pumikit?"
   "Ang sabi kasi ng Yaya ko. Kapag natyempuhan mo daw ang oras na 11:11 ay pwede ka daw mag wish ng kahit ano."
   "Woaah.. Hindi ako makapaniwala. Si Ashley Crimson. Na halos walang pakialam sa lahat.. ay naniniwala sa ganung bagay?"
   "Wala naman mawawala kung susundin ko eh."
   "Eh ano ba ang niwish mo Ashley?"
   Tumingin sa langit si Ashley. "I wished na sana ay matulungan ko na si Catherine Chen. Sana ay mabigyan ko na ng katarungan ang pagkamatay niya."
   "Huwag kang mag alala. Sabay natin tutuparin ang wish mo Ashley. Tutulungan kita."
   "Bakit pala dito mo ako dinala Pong?" Tanong ni Ashley.
   "Gusto ko kasi sa mga matataas na lugar. Yung walang nakakakita sa akin.. yung ako lang ang nakakakita sa kanila. At tsaka.. dito ako pumupunta kapag malunkot ako o kaya kapag nag iisip ako. Dito din ako pumupunta sa tuwing iniisip kita." Seryoso ang mukha ni Pong.
   "Well.. huwag mo akong masyadong isipin. Isipin mo kung paano mo ako matutulungan.. kung paano natin mabibigyan ng katarungan si Catherine Chen.. dahil kapag nangyari iyon ay tsaka lang kita papayagan na manligaw sakin."
   Ngumiti si Pong. "Gagawin ko ang lahat Ashley. Para kay Catherine.. at para sa'yo."

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon