THE ALTAIR STAR

1.1K 25 7
                                    

3 nights ago...

   "Nakikita mo ba iyon Andrei!? Ayun oh!" Tinuro ni Catherine ang isang magandang bituin sa langit.
   "Alin diyan? Ayun ba? Yung kumikislap kislap?" Tanong naman ni Andrei.
   Naka upo lang ang dalawa sa damuhan sa taas ng bundok na lagi nilang pinupuntahan sa bandang Batangas. Pinagmamasdan ng dalawa ang kalangitan, ang mga bituin at ang bilog na bilog na buwan.
   "Oo. Tama ka. Napaka ganda niya no? Puting puti yung kulay niya. Siya yata ang pinaka magan..."
   "Catherine! Takpan mo ang mga mata mo." Gamit ang mga kamay ni Andrei. Dali daling tinakpan ni Andrei ang mga mata ni Catherine.
   "Bakit naman?"
   "Ang.. bituin kasi na 'yan. Ang tawag diyan ay Altair. Ang sabi kasi ni Yaya Teressa, pag nakakita ka ng Altair Star... hindi daw kayo magkakatuluyan ng minamahal mo."    Inalis ni Catherine ang kamay ni Andrei sa kanyang mga mata. "Naniniwala ka naman kay Yaya Teressa?"
   "Wala naman mawawala kung... maniniwala tayo diba?"
   Humaba ang nguso ni Catherine. Muling tinignan ang Altair Star. "Pero napaka ganda kasi ng bituin. I can't help myself. At hindi ako naniniwala sa kwento ni Yaya Teressa."
   "Ang sabi ni Yaya Teressa, may kwento daw ang star na 'yan. Kaya tinawag na Altair iyan, noong unang unang panahon daw, may isang lalakeng nag ngangalang Altair. Ipinaglayo daw sila ng kanyang minamahal na asawa, kasama ang kanilang mga anak. Alam mo kung saan daw dinala yung asawa niya? Sa kabilang ilog at iyon daw ang milky way. Kaya walang naging forever sa kanilang dalawa."
   "Hmmm..." Patuloy na nakatingin si Catherine sa Altair Star.
   "...may isa pang bersyon na kwento tungkol diyan. Kwento naman ni Mama kay Jeho na ikinuwento naman sa akin ni Jeho nung mga bata pa kami. Si Altair daw ay isang pastol ng mga baka na umibig kay Vega, isang prinsesang magaling sa paghahabi na anak ng bathala. Mula nang umibig sila sa isa’t isa, napabayaan na nila ang kani-kanilang mga gawain, na siyang naging dahilan upang paghiwalayin sila ng bathala at ilagay sa magkabilang dulo ng ilog na Milky Way. Sa dahilang sila ay naging mga mabuting tao naman, pinayagan silang magkita isang beses sa isang taon, tuwing ika-7 ng Hulyo."
   Napatingin si Catherine kay Andrei. "Andrei, July 7 ngayon."
   "Is it a coincidence?" Napalunok ng laway si Andrei. Huminga ng malalim at pagkatapos ay nag patuloy sa pag kwento. "Ayon sa alamat, nagtitipon-tipon ang mga ibon sa ilog upang maging tulay na nag-uugnay sa magkabilang gilid ng ilog."
   "Kahit na.. nag kahiwalay na sila. May mga naging paraan pa rin sila upang makapag usap."
   "Catherine, sa astrology. Ang Altair ay itinuturing na isang bituin na masamang pangitain." Naging malungkot ang mukha ni Andrei. Hinawakan ang kamay ni Catherine. "Kahit anong mangyari. Poprotektahan kita."
   "Alam ko iyon. Alam kong poprotektahan mo ako kahit anong mangyari. Kaya, maraming salamat, Andrei." Nakangiting sagot ni Catherine. "Sa dinami dami ng mga napag daanan na natin.. sa'yo ako lubos na nag papasalamat dahil kahit kelan, hindi mo ako pinabayaan Andrei."
   "Dahil mahal na mahal kita. Catherine."
   "Mahal na mahal din kita, Andrei."

********************

CHAPTER 49

   Pinunasan ni Andrei ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay. Pero hindi niya alam kung paano itatago ang mga dugong natuyo sa kanyang damit.
   Hindi na rin nag tagal ay nag bukas na ang elevator.
   Papasok na sana si Andrei ngunit bigla siyang napahinto nang makita si San Pedro mula sa loob ng Elevator. Seryoso itong nakatingin sa kanya.
   "Sa.. San Pedro? An.. anong ginagawa mo dito? Ba.. bakit ka nandito?" Tanong agad ni Andrei.
   Hindi alam ni Andrei kung bakit nag pakita si San Pedro sa kanya. Kung ano ang ginagawa nito sa lupa. Hindi niya alam kung tutulungan ba siya nito upang ma protektahan si Catherine.
   Wala siyang kaalam alam na nasa lupa si San Pedro upang sunduin na siya papunta sa langit.
   Lumapit si Andrei kay San Pedro at hinawakan ang dalawang balikat nito. "Anong ginagawa mo dito? Sagutin mo ako San Pedro! Na.. na.. nasaan si Catherine? Alam mo ba kung nasaan si Catherine? San Pedro, sabihin mo sa akin ngayon kung nasaan si Catherine! Please."
  Huminga ng malalim si San Pedro bago ito sumagot. "Andrei, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa'yo ang lahat pero.. wala ka ng oras."
   Kumunot ang noo ni Andrei. "Wa.. wala na akong oras? Tama ka. Wala na akong oras, kailangan ko ng pigilan si Rica! Kailangan ko na siyang patayin!" Hindi yata naiintindihan ni Andrei ang ibig sabihin ni San Pedro. Wala na siyang oras para manatili pa sa lupa.
   "At iyon ang huwag na huwag mong gagawin. Andrei, kahit anong mangyari. Huwag na huwag kang papatay ng tao."
   "Tss.. hindi na ako mag dadalawang isip na patayin pa si Rica. Marami ng tao ang namatay! Ang nadamay! Hindi ko hahayaan lalong lalo na na mapahamak ulit si Catherine dahil sa kanya! At.."
   "Hayaan mo ang langit na gumanti sa mga kasamaan ni Rica."
   "Oo! Gaganti ang langit kay Rica. At ako ang gagamitin ng langit bilang instrumento para maningil sa mga kasalang ginawa ni Rica. San Pedro, kung nandito ka para pigilan ako... pwes, para sabihin ko sa'yo. Hinding hindi na ako mag dadalawang isip na patayin siya."
   "Hindi mo ako naiintindihan Andrei. Paano ka makakapasok ng langit kung magiging makasalanan ka?"
   "Bakit San Pedro? Mamamatay na ba ako?"
   Hindi sumagot si San Pedro. Hindi niya kasi masabi sabi na nasa lupa siya para sunduin na si Andrei. Hindi niya masabi na mamamatay na si Andrei at bilang na ang mga nalalabing oras nito.
   Maluha luhang muli ang mga mata ni Andrei. "Mamamatay na ba ako ha? Si Rica ang papatay sa akin ha? At hahayaan ko na lang na mangyari iyon San Pedro? Tss.. Kung nakita mo lang sana.. kung paano namatay ang mga kaibigan ko. Namatay sila dahil hindi ko sila nagawang protektahan! Hindi ko sila nagawang iligtas San Pedro!"
   "Andrei.. makini..."
   "...namatay sila mismo sa harapan ko! Sina Troy at Ayna! Si Pong.. si Ashley.. sa harapan ko sila mismo namatay!"
   Hinila ni Andrei si San Pedro papalabas ng Elevator at siya naman ang pumasok.
   "Andrei, makinig ka muna sa sasabihin ko."
   "Gaya nga ng sinabi mo, wala na akong oras San Pedro." Ikinasa ni Andrei ang hawak niyang baril. "Wala na akong pakialam kung mamamatay man ako at sa impyerno ang punta ko. Ang mahalaga, maprotektahan ko ang minamahal ko dahil iyon ang ipinangako ko sa kanya! Tutuparin ko lang ang pinangako ko dahil mahal... mahal na mahal ko si Catherine."
   Pinindot ni Andrei ang ground floor button. "Until next time, San Pedro."
   At maya maya pa ay nag sara na ang pintuan ng Elevator.
   Naiwan mag isa si San Pedro. Hindi na niya nagawang pigilan si Andrei, ni hindi niya nasabi na malapit na itong mamatay.
   "Oh Langit. Ikaw na po ang gumawa ng paraan. Mabuting bata si Andrei. Hindi niya naiisip ang kanyang gagawin dahil sa poot at sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang puso. Inyo ho siyang patawarin."

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon