SORRY

1K 22 17
                                    

CHAPTER 47

   Unti unting minumulat ni Jeho ang kanyang mga mata. Pananakit agad ng ulo ang kanyang naramdaman. Napansin niya rin na duguan ang kanyang suot na damit.
   Nakaupo siya at hindi niya magawang tumayo dahil nakatali ng lubid ang kanyang buong katawan.
   Ngunit kinabahan na siya nang makita ang mga bombang nakasabit at nakapalibot sa kanyang katawan.
   "Aaaaaaahhhhhhhhhhhh!" Malakas na isinigaw ni Jeho dahil sa nararamdamang sakit ng ulo.
   Tumingin tingin siya sa buong paligid. Napaisip. Pamilyar ang lugar na iyon sa kanya. Nasa loob siya ng isa sa mga silid ng bodega na laging pinag tataguan dati ni Rica.
   Iyon ang bodega sa Batanggas kung saan niya pinalo ng baseball bat si Senji.
   Iniisip ni Jeho kung paano siya napunta doon at bakit ganun ang sitwasyon niya ngayon.
   Pumikit siya at inalala ang lahat.
   Maya maya pa ay unti unti nang pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Naaalala na niya kasi ang lahat, lalong lalo na ang makitang duguan at wala ng malay na si Yaya Teressa.
   "Yaya Teressa. Pa.. patawarin mo ako. Patawad, Yaya Teressa." Lumuluhang sinabi ni Jeho sa kanyang sarili.
   Muli niyang tinignan ang buong paligid.
   Madilim ang buong silid. Isang pinutan lang ang naroon ngunit pansin niya ang naka harang na kahoy upang hindi ito mabuksan ng sino man mula sa labas.
   "TULUNGAN NIYO AKO! TULUNGAN NIYO AKOOOO!" Malakas na sinisigaw ni Jeho.
   Pero naalala na naman niya na ang bodegang iyon ay walang katabing bahay, nasa malayo ito mula sa mga bahayan at kalsada. Walang taong pumupunta sa lugar kung nasaan ang bodega na iyon.
   Wala na siyang magawa kundi ang lumuhang mag isa.
   Habang nag iisip si Jeho. Napalunok siya ng laway. "An.. Andrei."
   Nanlaki ang kanyang mga mata nang maalala ang kanyang kapatid.
   "Paanong.. paanong nagawa ko sa sarili kong kapatid ang.."
   Naaalala na ni Jeho ang lahat.
   Naalala na niya na minsan na siyang naging multo, ang makilala si Catherine at ang pagsasama sama nilang tatlo sa iisang bubong o sa bahay ni Andrei.
   "Paano ko nagawa ito sa inyo? Paano?" Lalong bumuhos ang kanyang mga luha.
   Pailing iling ang kanyang ulo habang iniisip ang mga nagawa niyang kasalanan sa kanyang kapatid at kay Catherine. "Andrei, Catherine.. pa.. patawarin niyo ako. Hindi ko alam. Hindi ko alam. Wala akong alam at hindi ko naalala pero.. pero paano ko nagawa sa inyo ang mga bagay na iyon. Catherine, patawarin mo ako. I'm sorry." Umiiyak na sinasabi ni Jeho sa kanyang sarili. "...na, na.. naging makasarili ako. Naging makasarili ako lalong lalo na sa'yo Andrei. I am sorry. Hindi ko sinasadya. Andrei, kapatid ko. Patawarin mo ako. Patawad.." Dagdag pa ni Jeho.
   Napayuko si Jeho habang umiiyak.
   Ngunit biglang tumunog ang bombang nakapaligid sa kanyang buong katawan.
   Kinabahan at bumilis ang tibok ng kanyang puso.
   Nabasa niya ang mga numerong nakasulat sa bomba, nagsisimula na pala itong magbilang. Meron na lang itong 60 minutes o isang oras bago ito sumabog.
   "Shit!" Hindi alam ni Jeho ang kanyang gagawin. Paano siya makakatakas? Sino ang makakatulong sa kanya?
   Pilit man niyang mag pumiglas upang lumuwag ang tali ngunit sadyang makapit ang mga lubid na nakapalibot sa kanya.
   Sinubukan niyang iusog ang upuan na kanyang kunauupuan ngunit para bang nakadikit na ito sa sahig.
   "Tulungan niyo ako! Tulonggggg!"
   Alam niyang hapon pa lang dahil may liwanag pa siyang nakikita mula sa labas ng bodega. Nagbabakasakali niya na may taong maaring dumaan sa lugar na iyon kaya nag pasya siyang mag patulog sa pagsisigaw. "Tulongggggg! Tulonggg!"
   Ni hindi man lang napansin ni Jeho na patuloy sa pagdurugo ang kanyang bunbunan dahil sa malakas na pagpalo ni Rica sa kanyang ulo, dahilan kung bakit siya nawalan ng malay at magising na lang sa loob ng silid na iyon.
    "Tulungan niyo ako.. tulong.." Mas mahinang sinabi ni Jeho, umiiyak. "...kailangan ko pang humingi ng tawad sa kapatid ko. Kailangan ko pang humingi ng tawad kay Catherine. Ma.. malaki ang mga kasalanan ko sa mga taong iyon. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi pa ako pwedeng mamatayyyy! Hindeeeeee!!!!"
   Nanlisik bigla ang mga mata ni Jeho. "Si Rica.. si Rica. Hayop ka Rica. Magbabayad ka! Pinapangako ko, hindi ka magwawagi sa mga kasama mo! Pagbabayaran mo sa impyerno ang mga kasalanan mong hayop ka."
    Patuloy na umiiyak si Jeho. Sa totoo lang ay nauubusan na siya ng pag asa na makaligtas pa, na makatakas at mabuhay. Pero hindi siya sumusuko. Kailangan pa niyang mabuhay upang makabawi at humingi ng tawad kanina Andrei at Catherine pagkatapos niyang pag tangkaan na ligawan at agawin si Catherine. Kaya naman, pinipilit ni Jeho na makawala sa mga lubid na nakapalibot sa kanya. Una ay ang kanyang mga kamay na nakatali sa kanyang likuran, pinipilit ni Jeho na alisin ang kanyang mga kamay sa pagkakatali, kahit masakit at nagdudugo na ang mga kamay niya ay hindi pa rin siya sumusuko.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon